1

20 4 3
                                    

"Tapusin na natin 'to. Hindi dahil sa ayoko na, kundi dahil ayoko ng mahirapan ka pa. Pangako, babalikan kita... sa tamang panahon." Ayan, saktong sakto sa sinabi ng boyfriend mo noon na ngayon ay ex mo na. May pasabi sabi pa na babalikan kuno yun pala may iba na.

Pakinggan mo, ang kwento ng kaibigan kong si Sharina kasama ang masalimuot niyang buhay pag-ibig.

--;--

"Alam ko, babalikan niya pa ako. Ramdam ko yun, Ll. Ramdam na ramdam ko. Diba manunulat ka? Dapat alam mo din kung ano nararamdaman ko." paghihimutok niya sa akin.

"Syempre, alam ko. Napagdaanan ko na yan, kaya kung ako sayo. Hindi ko na panghahawakan ang mga salitang 'babalikan kita' . Dahil may iba na yan, Sha. Tama na 'uy. Ikaw na lang nananakit sa sarili mo. Ilang buwan ka ng naghihintay. Wala paring nangyayari, wala paring bumabalik." saad ko at muling naglakad "Kumain nalang tayo doon 'oh, sa may Hepa Lane." pag-aya ko rito ngunit sumalubong ang busangot nito sa mukha at sumunod sa aking gawi.

"Para iwas stress, Sha. Kain lang ng kain hanggang sa marealize mong di na siya babalik." Saad ko at nagpakawala ng malakas na tawa.

"Heh! Basta babalik pa yun." saad niya at nagsimula ng kumain.

Ewan ko ba, obvious naman na sigurong di na kayo babalikan pero ipagpipilitan niyo padin. Para kayong mga tanga, hindi pala "parang", tanga na talaga. Yung tipong kapit ka lang ng kapit kahit wala ka naman ng pinagkakapitan.

Tinapik ako ni Sharina at inaya ng umuwi sa aming dorm dahil alas-nuebe na ng gabi. Pumara na kami ng taxi at sumakay pauwi. "Ll, kung ikaw ang nasa posisyon ko. Lalaban ka pa ba?"

Napatigil ako saglit sa pag-nguya ng isaw at napaisip.

Kung ako nga ba ang nasa posisyon mo, Sharina. Lalaban pa nga ba ako? Malamang hindi. Takot akong sumugal. "Oo naman, syempre. Kung papangakuan ako, lalaban ako. Pero sa sitwasyon mo ngayon, wala na yan, Sha." at nagpakawala ako ng pekeng ngiti.

Ang hirap pala.

Ang hirap din palang magdesisyon kapag pinangakuan ka na. Parang may sumpa, palagi ka nalang papalabanin kahit wala naman na talaga. Tinapik akong muli ni Sharina at sinabing nandito na raw kami.

Dali-dali naman akong umakyat sa aking kwarto at nahiga. "Oh, Ll, akala ko ba magm-movie marathon tayo? Bakit parang natutulog ka na dyan." Saad nito sabay tumawa. "Bukas nalang." Walang emosyong sagot ko at tinakpan ang mukha ko ng unan. At pumikit.

--;--

"Ll, pangako ko. Babalik ako kapag kaya na kitang ipaglaban. Kapag may ipagmamalaki na ako sa magulang mo. Sana hintayin mo ako, sana ako parin pagbalik ko." saad niya.

Napaiyak ako sa gitna ng daan habang umuulan. Tahimik. Yung tipong hagulgol ko lang ang maririnig at ang bawat patak ng ulan. "Ll, pakiusap, tumayo ka na dyan. Babalik ako, babalik ako para sayo."

Niyakap ko siya ng mahigpit at muling humagulgol. "Wag ka ng umalis. Dito ka nalang. Ako na magpapaliwanag kay mama tungkol sayo." saad ko

"Hindi pwede."
"Gusto kong may maipagmalaki ako sa pamilya mo. Para wala ng magiging hadlang kapag ikakasal na tayo." ngumiti siya at muli akong niyakap.

Paano ko nga ba kakayanin kung mawawala ka na?

Pagkatapos ng ilang minutong pagyakap ay binitawan niya ako at umalis.

--;--

Nagising ako sa tapik ni Sharina. "Uy, ano nangyayari sayo, Ll? Kanina pa kita tinatapik. Bakit ka ba umiiyak?" saad nito sa tonong pagaaalala. "Ha? Ako? Umiiyak?" Pagtingin ko sa salamin ay tumutulo nga ang luha ko.

Agad ko itong pinunasan at umupo. "Tara, manood na tayo ng movie. Wag mo ng pansinin."

Habang nanonood kami ng movie ay tumunog ang telepono ko. Dali-dali ko naman itong sinagot.

"Hello?"
"Hi, nandyan ba si Sharina? Sharina Ong."
"Oo nandito siya. Saglit, ipapasa ko sa kanya itong telepono."

At pagkatapos kong ipasa ang aking telepono ay itinuon ko na ang aking sarili sa movie na pinapanood namin. "Sha, tignan mo 'to. Bwiset bes, eto na iki-kiss niya n---" Napatigil ako ng marinig ko ang boses ng isang lalaki. Pagkalingon ko ay agad kong nakita si James na nakayakap kay Sharina.

"Ll, siya yung tumawag sayo. Ll, halika rito dali." pag-aya niya sa akin. Bago ko pa man itapak ang isa kong paa sa kanilang gawi ay napa-atras na ang puso ko. Agad agad naman akong tumakbo sa aking kwarto at bumaba sa unang palapag ng aming dorm, dala-dala ang alak na isa rin sa mga naging libangan ko pagkaraan ng ilang taon.

Lumabas ako ng dorm at naglakad. Naririnig ko naman ang tawanan at asaran ni Sharina at ni James kaya muli akong naglakad palayo.

Napatigil ako sa kalsada kung saan ko huling nakita ang sarili kong naging tanga sa pag-ibig. Umupo ako sa gitna at nagsimulang kumanta.

"Bat di papatulan? Ang pagsuyong nagkulang. Tayong umaasang, hilaga't kanluran. Ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo, ako ang sasagip sayo ooohh." Bumuhos ang ulan kasabay ng pagpatak ng aking mga luha. Humiga ako sa gitna ng daan. "Ayoko na, tama na, sana, umalis ka na rin sa utak ko."

"Ilang taon na akong ganito. Mapapanaginipan ka. Tas ang laki parin ng epekto mo."

"Ilang taon ka ng wala. Kaya pakiusap umalis ka na rin sa puso't isipan ko."

Muli akong humagulgol at niyakap ang sarili. Binalot ako ng kalungkutan ng gabing iyon. Halos kahit hangin hindi ko maramdaman. Kahit patak ng ulan, hindi ko marinig. Nakakabingi. Nakakabingi ang katahimikan.

Nagising ako sa sikat ng araw na bumungad sa akin ngunit nasa kwarto na ako. "Buti naman at gising ka na, Ll. Kain na." Pag-aya sakin ni Sharina. Agad ko naman siyang hinila at tinanong kung paano ako nakabalik. "Hinanap ka namin ni James. Tas dun ka lang pala sa kalsada. Nakita ka namin na nakasuot ng balabal tas may dalawang payong na pumo-protekta sayo mula sa ulan. Babaliw-baliw ka na naman, Ll. Hay nako." Napatawa silang dalawa ni James habang ako ay napaisip.

Alam ko na wala akong dalang payong kagabi, lalo naman ay wala akong dalang balabal. Ang dala ko lang ay alak pati ang sarili ko. "Eh? May nakita ba kayong alak?" tanong ko.

"Wala." sagot ni James.

Tumango nalang ako bilang pagsagot at kinuha ang pagkain. Napagdesisyonan ko namang dun nalang muli sa kalsada kumain at magpalipas ng oras.

Naupo ako sa bench doon sa mismong kalsada at inaalala ang lahat. Habang humihigop ako ng sabaw ay tumutugtog naman ang paborito kong kanta, Nyebe.

Ng matapos ko na ang aking kinakain ay tinapon ko na ito at muling naglakad. Doon ko lamang napansin na sarado pala ang kabilang dulo ng compound namin. Kaya pala walang dumadaan na jeep o kahit anong kotse sa loob ng compound.

Dahil sa mababa lang naman ang bakod ay inakyat ko ito upang makatawid sa kabila. At doon ko nakita ang malaking plakard na nakakabit sa labas. "Santos' Clothing"

Pumasok naman ako sa factory at nakita ko ang patuloy na pag-gawa ng mga damit, mga pang-koreana at japanese ang mga damit doon. Nang matapos ko ng libutin ang lahat ay may kumalabit sa aking isang lalaki. "Paano ka nakapunta dito? Hindi ba taga-Jones Compound ka?" tanong nito. "Ah, ikaw yung babaeng nakita ko kagabi na nakahiga sa gitna ng kalsada at may hawak na alak." tumawa ito ng pagkalakas-lakas at hinila ako palabas.

"Alam mo ba na bawal pumunta dito lalo na't walang permiso? Pasalamat ka ay alam kong depressed ka kaya di ko sasabihin kay Dad ito." Ngumiti ito at binuksan ang gate na naghihiwalay sa compound at sa Clothing Factory nila. Kumaway ito at muling isinara ang gate habang naiwan akong nakatulala.

Kamukha mo.

Kamukha mo siya.

Her Side: LillieneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon