"It's complicated my life is such a mess. Why do people keep on leaving me? Am I a bad person? I hate this life, I want to die!!!......"
Your post was successfully uploaded. Dalawang minuto pa lamang ang nakakalipas may mga nag react at nag comment na ng status ko.
"What happened Lhaine are you okay?" comment ni Javey kaklase ko.
"Anong nangyari teh!" comment naman ni Flaire. Bigla namang tumunog ang phone ko.
"Hello", halos mapaos ang boses ko dahil sa kaiiyak ko kahapon.
"Hoy Lhaine, ano bang nangyari sayo? Ano na naman bang problema mo?" panenermon niya sa kabilang linya.
"W-wala Shanira ayos lang ako", pagsisinungaling ko.
"Wag ka ngang magkaila sa akin Lhaine Velasco kilala kita. Alam kong may problema ka ngayon nararamdaman ko hindi ka makakapagsinungaling sa akin, pupunta ako diyan." At ibinaba na niya ang tawag .
Mabuti pa si Shanira hindi ako iniwan kahit na ilang beses na kaming nagkaalitan. Maya-maya'y may kumatok sa pintuan tumayo ako at tinungo ang pintuan para buksan yon. Pagkabukas ko nun ay sinalubong agad ako nang yakap ni Shanira. Hindi ko naman napigilan ang nangingilid kong luha sa mata kaya nagunahan sa pagbasak ang mga ito. Hinaplos-haplos niya ang likuran ko at pilit akong pinapatahan.
"Maupo na muna tayo Bes", inalalayan niya akong makaupo. "Ano naman bang problema mo? Si Lyam na naman ba?" sunod-sunod na tanong niya. Tumango lamang ako bilang sagot sa mga tanong niya.
"Nabwebwesit na ako sa lalaking yon!! lagot talaga siya sa akin dahil pinaiyak ka na naman niya?", nag-aapoy ang mga mata niya nang tinignan ko siya dahil sa galit.
"H-hayaan mo na lang Shanira break na naman kami eh, at kahit makipagbalikan siya I would probably says no!", Tinitigan niya lang ako na para bang sinusuri niya kung nagsasabi ba ako nang totoo.
"Bakit ganun Shanira, una iniwan ako ni papa nang masagasaan siya then si mama naman nahiwalay sa akin dahil sa nangyaring pagsabog sa mall na pinuntahan namin ngayon naman si Lyam halos 2 taon ko siyang minahal pero iniwan lang pala ako", paarang may mga luha na namang dadaloy sa pisngi ko.
"Bes, t-tahan na wag ka nang umiyak", namumula ang mata niya nang titigan ko iyon sa tingin ko dadamayan niya ako sa kalungkutang nararamdaman ko ngayon. Habang nagdadrama kaming dalawa biglang tumunog ang notification sa fb ko.
Mr.Innocent commented on your status.. Clinick ko yun at nagkatinginan kami ni Shanira sa comment niya.
"Don't be upset Lhaine, Don't blame yourself. Do not surrender, someone still cares for you and that's me",
"Sino siya Lhaine?", bakas sa mukha ni Shanira ang pagtataka. Nagkibit-balikat lamang ako at nang stalk kami sa Mr.Innocent na yon, pero wala kaming napala.
Kaya binalewala nalang namin ni Shanira ang misteryosong nag comment na si Mr.Innocent..
VOUS LISEZ
Mr. Popular is My Secret Admirer
Roman pour AdolescentsHer life is a mess. Important people in her life would always make her cry. She always ask herself why they are leaving her. Hanggang sa inilabas nya ang nararamdaman on facebook. "It's complicated. My life is such a mess. Why do people keep on leav...
