Chapter 6: Isang Virus

Start from the beginning
                                    

Papakita ang LIVE news footage.

Sa kalsada ng nagtataasang mga building sa Makati, naglalakad ang mga zombies—dati'y mga normal na empleyado, bank tellers, office workers lang. Pinapuputukan sila ng mga pulis at hinahagisan ng tear gas. Babarilin sa katawan, nguni't patuloy pa din sa pagsugod. Saka pa lamang babagsak nang mababaril sa ulo.

The dead walks...

Video na kuha mula sa sasakyan. Sa sidewalk ng isang neighborhood sa Maynila, pinagpipiyestahan ng mga zombies ang isang bangkay. Nagkalat ang dugo sa paligid na humalo na sa kanal, mga laman loob sa imburnal at mga piraso ng tao sa bangketa.

...and feeds on human flesh.

Habang kinukunan ng cellphone video ang grupo ng mga estudyante na gumagawa ng pa-cute na testimonials, ay bigla na lamang may susulpot na zombie at sasakmalin sa leeg ang isa sa kanila. Maririnig ang sigawan at OMGs.

The source of the epidemic is believed to be a yet to be identified virus which is said to be spreading like wildfire.

Sa NLEX, parang prusisyon ang paglikas ng mga tao palabas ng Maynila. Bumper to bumper ang traffic. Nariyan ang mga armadong sundalo para panatilihin ang peace and order.

Pagpapatuloy ng news anchor:

Now, as thousands of Filipinos are evacuated from the city, President Antonio Menandro has placed the country under a state of emergency

Close up ng Amerikanong news anchor ng CNEWS.

This is not a hoax. I repeat, this is not a hoax. It's really happening.

Sa hotel room, napayakap sa isa't-isa sina Diana, Linda, Carlo at Cindy. Natigatig sa napanood.

***

Sa lobby ng conference room, wini-wheel-out ang bangkay ni Senate President Pete Gorospe ng mga paramedics

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa lobby ng conference room, wini-wheel-out ang bangkay ni Senate President Pete Gorospe ng mga paramedics. Dahil sa kanyang untimely demise, natigil muna ang pagpupulong, out of respect. Malungkot ang mga mukha ng lahat.

Kausap ni President Menandro ang Cardinal at dalawa nitong bishops.

"Pete was a good man," nagdadalamhating pahayag ng Presidente. "Isa siya sa mga distinguished at magaling nating mambabatas. He served this country well. Hindi ako makapaniwala na wala na siya. This is so unfortunate."

"Mapayapa na siya. Kasama na niya ang poong maykapal," sabi ni Bishop Santiago na may hawak na bibliya at rosario.

Tahimik ang Cardinal. Nakayuko itong lalakad paalis kasunod ang dalawang kasama.

"Your eminence, you're leaving?" pagtataka ng Presidente.

Lilingon ang spokesperson na obispo. May disappointment sa kanyang mukha.

"Sinadya kayo ng mahal na cardinal bagama't may kapansanan siya. Nguni't ano'ng nangyari? Ang pagpupulong na iyon ay parang komedya at nagmistula kaming punchline! Hindi na dapat kami..."

Zombinoy Book 1Where stories live. Discover now