Almost A Decade (One Shot)

609 18 12
                                    

PARA SA AKIN, may mga stages ng pagkagusto mo sa isang tao.

Sa unang stage, nakuha na niya ang atensyon mo. Madalas dahil siguro sa physical appearance niya pero pwede namang dahil sa mga kinahihiligan niya na katulad nang sa 'yo, o mga nagiging actions niya.

Pangalawang stage, you're attracted to him or her. Posible kang maging indenial sa stage na ito. Hindi mo alam kung paano ka magrereact tuwing malapit siya sa'yo kaya minsan naaaway mo siya o kaya naman ay nahihiya ka kaya iiwasan mo siya.

Pangatlong stage, interested ka na sa kanya. Nagsisimula ka nang magtanong ng nga bagay-bagay tungkol sa kanya. Daig mo pa ang pulis sa pag-iimbestiga kung makastalk sa mga social media niya like Facebook and Twitter.

Pang-apat, crush mo na siya, hinahangaan kumbaga. Wala pa siyang ginagawa, sumasaya ka na. Gusto mo na siyang makita, makausap, mahawakan at makasama. Pwede mo na siyang maging inspiration sa buhay.

Panglima, it's complicated. Naguguluhan ka kasi ginagawa mo na ang mga bagay na hindi mo naman gawain dati. Nag-eeffort ka na nang todo. Gusto mo laging good ang impression niya sa'yo to the point na minsan, nagiging mapagkunwari kang tao just to fit on his or her standards.

Pang-anim, gusto mo na siya. Wala na. Nasakop na niya ang sistema mo. Nahulog ka na. Mahihirapan ka nang makaahon. Oh, huwag kang aaray mamaya.

Last but not least, the seventh stage. This is where you love him or her. You are ready to climb every mountain and swim across every ocean. Ihanda mo na ang tissue.

Napatingin ako sa lalakeng nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Ang pagsingkit ng kanyang mga mata tuwing ngumingiti ay talagang nakaaagaw ng atensiyon. Idadag pa roon ang kanyang braces na nakapalibot sa kanyang ngipin. His body was lean, enough muscles in the right places. Ang kanyang buhok ay bagong gupit, angkop sa two-by-three na requirement haircut sa school protocol.

Hindi naman siya sobrang kagwapuhan ngunit patay na patay ako sa kanya. Nakakahiya. Ano ba kasing klase ng gayuma ang ipinainom nito sa akin?

Nine whole years, huh? It's been almost a decade na pala. For nine whole years, nasa aling stage na kaya ang nararamdaman ko sa lalakeng ito?

Nine whole years ko na siyang kaklase. Nine whole years ko na siyang kaibigan. Nine whole years na kaming magkasama at magkakilala pero hindi pa kami nagiging magbestfriend.

Ewan ko nga ba sa taong ito. Ang ginawa niyang bestfriend ngayon ay yung naging kaklase at kakilala lang niya nang 2 years.

Napahinga ako nang malalim at nagbaba ng tingin sa aking nakasaradong libro. Tinitigan ko ang aking pangalan na nakasulat sa isang piraso ng papel. Nakadikit ang papel na iyon sa cover ng aking libro.

Rika Marietta Martinez. The girl who is currently in love with her childhood friend, Caelan Jace Tempest. Natawa ako at saka napailing.

Dati hanggang balikat ko lang ang bansot na ito pero ngayon mas matangkad na siya sa akin. Bilis talaga ng panahon. Dati-rati ay gusto ko lamang siyang ibulsa dahil napakacute niya.

Ngayon, gusto ko na siyang isako. Nakakainis ang pagmumukha niya. Masyado nang maraming nakakapansin.

"Hay... Napakaideal guy talaga ni Caelan." biglang sabi ni Renzy na nasa aking tabi.

Almost A Decade (One Shot)Where stories live. Discover now