I'm In Love with my Best friend's Brother

29 1 2
                                    

Xiamara's POV

   Hi ako nga pala si Xiamara o Xia nalang for short, 19 years old at may kaibigan akong babae na simula pag kabata ay kasama ko na sya hanggang sa lumaki na kami at maging teenager.
Hindi niya alam na may pagtingin ako sa kuya nya na si Jonathan o mas kilala bilang Nathan. Noong nakilala ko ang aking best friend noong mga bata kami ay lagi na akong pumupunta sa kanilang bahay dahil lagi kong nakikita at nasusubaybayan ang kanyang kuya na 2 years lang ang agwat sa akin pero hindi lang naman tungkol sa kuya nya kaya ako nagpupunta doon dahil, bestfriend ko nga ang talagang pinupuntahan ko. Pero syempre kasama na din doon si Nathan.
Kaya natuwa ako na sana hanggang sa paglaki namin ay makita ko pa siya pero, nag kamali ako, nagkikita naman kami ngunit may kapatid akong  nakakatanda sa akin na nagustuhan nya dahil lagi silang mag kasama at laging nag kukwentuhan lalo na kapag patungkol na sa Love.

Mas matanda si ate ng isang taon kay Nathan kaya nga lang mukhang tinamaan talaga sya kay ate dahil kapag kasi kasama nya si ate hindi nya maiwasang mapangiti lalo na at mukhang mahal nya ang ate ko ,kaya nalungkot talaga ako ng sobra, kulang nalang ay ang mapariwara ako dahil nalaman ko noong mga panahong lagi na silang magkasama at masayang nagkwekwentuhan na nasasaktan na ako ng sobra at talagang tinamaan ako sa kanya.

Lagi lang akong nag kukulong sa kwarto ko at minsan lang kumain dahil nawawalan agad ako ng gana kapag nakikita ko si ate na natutuwa kapag nasa harap sya ng hapag kainan dahil siguro ka text nya si Nathan.

Hindi ko talagang maiwasang masaktan at mag selos pero wala naman akong karapatang magselos dahil mag ano ba kami ni kuya Nathan? Wala naman ah? Kaya lagi na akong nagkukulong sa kwarto ko habang nakatitig sa mga Stolen Pictures ni Nathan na kinukuhanan ko kapag hindi sya nakatingin.

Minsan na nga nya akong nahuli noong biglaan syang humarap sa akin at sakto namang nakaharap sa kanya yung cellphone ko mabuti nalang at nabigyan ko kaagad ng dahilan at sinabi kong naghahanap lang ako ng signal kaya napaniwalaan nya yung sinabi ko at hindi na nya ako muling pinansin, kaya itinuloy ko nalang ang pagkuha ko ng mga letrato nya.

Lahat ng masasayang ala-ala ko sa kanya ang laging nag papangiti sa aking mumunting mundo.

Pero napansin iyon ng Bestfriend ko bigla akong kinabahan kasi baka di na nya ako tanggapin bilang Bestfriend niya at baka magalit sya sa akin pero alam kong mapagkakatiwalaan sya kaya sinabi ko na sa kanya ang lahat ng totoo.
Nagulat pa nga sya noong sinabi ko iyon sa kanya at bigla nalang ngumiti ng nakakaloko

"Yiieee...si Xia may gusto kay kuya..." sabi nya na may nakakalokong ngiti habang sinusundot ang aking tagiliran

"Eh ano ngayon kung may gusto ako sa kuya mo eh wala naman na rin naman akong pag asa dahil mahal nila ang isa't isa ni ate" sabi ko at nagsimula na namang umiyak

"Sino namang nag sabi sa'yo na sa ate mo ako may gusto?" sabi noong lalaking nag salita sa likod ko kaya bigla nalang akong napabalikwas ng tayo at napaharap sa kanya

"K-kuya Nathan! K-kanina ka pa ba dyan?"kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Oo at narinig ko din lahat ng sinabi mo kay lil sis na may gusto ka sa akin"nakangiti nyang sagot.

Hala nakakahiya! Lupa, bumuka ka naman oh at kainin mo na ako now na!

"Okay, dahil umamin ka na may gusto ka sa akin ay aamin na rin ako sa iyo" sabi na at unti unti syang lumapit sa akin at niyakap niya ako ng napakahigpit.

"I'm inlove with my sister's bestfriend" sabi nya ng pabulong sa akin.

Hindi agad ako nakabalik sa katinuan at inaalala ko pa ang mga sinasabi nya.

I'm inlove with my sister's bestfriend

I'm inlove with my sister's bestfriend

I'm inlove with my sister’s bestfriend

T-teka hindi ba dalawa lang naman silang magkapatid ng best friend ko at ako lang naman ang katangi tanging bestfriend nya...

Ibig sabihin ako ang tinutukoy nya na inlove sya sa bestfriend ng kapatid nya? Eh teka di ba sila na ni ate?

"Eh teka saglit lang hindi ba mag jowa kayo ng ate ko?"sabi ko nang may pagtataka sa mukha.

"Ano? hahahahahaha hindi kaya. Ang totoo kasi n'yan ay nag papatulong ako sa kanya kung papaano manligaw sayo at dahil nga friendly ang ate mo eh nagpapatulong ako sa kanya at tinatanong ko rin sya  at ang iba pa sa pamilya mo kung ano ano ang mga ayaw at gusto mo,yung mga ginagawa mo araw araw at ang mga dapat ko pang malaman tungkol sa'yo para hindi ako mahirapan sa panliligaw sa'yo at masagot mo na agad ako diba" sabi nya habang nakatitig parin sa akin.

So yun pala yung palagi nilang ginagawa ni ate at wala pala silang relasyon sa isa't isa. Hindi ako makapaniwala na may gusto sa akin ang gusto kong tao! Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na sya ng mahigpit at umiyak dahil sa tuwa

"Alam mo bang kasabwat ko lahat ng nandito ngayon sa paligid mo" sabi nya habang tumatawa.

Kaya napatingin ako sa paligid ko at nagulat dahil andito sila Mama, Papa, Ate, Mommy niya, Daddy niya, at si best friend na umiiyak dahil sa tuwa.

“So tayo na?” tanong niya sa akin.

“Eh, manligaw ka muna syempre.” Nakangiti kong sabi ko sa kanya.

Hindi naging madali sa kanya ang panliligaw ng dahil sa mga kondisyon na ginawa ko. Pero hindi nagtagal ay sinabi ko na rin sa kanya ang napakatamis na oo na kanyng inaasam, syempre dakmain mo na ang pagkakataong mahal ka pa ng taong mahal mo.

Hanggang sa muli, paalam at maraming salamat sa inyong pagbabasa ng aking kwento.

Ako si Xiamara at ito ang aking kwento.

I'm In Love With My Best Friend's BrotherWhere stories live. Discover now