Chapter 3: Formality

Magsimula sa umpisa
                                    

Kitang kita sa mukha nya na gusto nya talagang makuha ang trabaho na ito.

Ngumiti ako sa kanya.

Tapos kinamayan sya.

Kahit meydo labag sa tinuro sakin ni John na sabihin kung tanggap agad.

Tsaka sa business hindi uso ang awa e.

Eh malay ko ga, maawain ako.

Bahala na kay John.

Wala na rin magagawa yun. tsaka papalusutan ko na lang :D

"Ms. Garduce, balik ka after 2 months."

M.: "Po?"

Bumulong ako sa kanya.

"Wag mo na lang tong sasabihin sa iba, Medyo labag sa policies pero tanggap ka na, wag kang mag-alala" sabay wink :>

Nakita ko sa mukha nya yung bakas ng kasiyahan.

Nang biglang may tumulong luha sa mata nya.

Na-touch naman ako kaya lumapit ako at niyakap sya.

"Okay lang yan. I just wanted to help you."

M: "Salamat po Mam, grabe, hindi po dapat talaga ako mag-aapply dito, kasi nga sa pagkakaalam ko hindi ako qualified, iba po kayo. Sobrang bait nyo."

"Ayos lang yun. Pero wag ka muna maingay sa iba. Tayong dalawa ang may usapan. Kaya wag kang mag-alala. Makakatulong naman siguro yung sweldo mo samin and by the way you can be my friend too, kahit wala sa work."

M: "Maraming salamat po talaga"

"Oh sya, sige na. Ayos lang yun. Eh san ka pa ga pupunta pagkatapos dine?"

M: "Ahmmm. Uuwi na po sana.."

"Nakakain ka na?"

Di sya nagsalita.

Parang nahihiya.

Ngumiti ako tapos kinuha yung wallet ko.

Dumukot ako ng 1k.

"Oh eto, para sayo, pamasahe mo, tapos ibili mo na rin ng pagkain nyo."

M: "Nako, hindi ko po ito matatanggap sobra sobra na po ito."

Nang may bigla kaming narinig.

Si John pala.

J: "Tanggapin mo na yan Miss Garduce. Tsaka eto pa."

Inabot nya ang 1k pa.

Yung itsura ni Miss. Garduce parang di makapaniwala.

M: "Nako, wag na po talaga. Sobra sobrang tulong na po ito Sir. Tama na po yung trabaho sakin."

Lumapit sakin si John at umakbay.

J: "Kapag di mo tinanggap yan, babawiin ni Jam ang sinabi nya.."

Ngumiti ako kay John.

"Oo nga sige ka."

Wala syang nagawa kung hindi kunin ang pera.

Nagpunas sya ng luha at ngumiti samin.

M: "Di ko po akalain na ganyan kayo kabait. Wag po kayong mag-alala. Hindi ko po kayo bibiguin."

"Wala yun, ano ka ba. Quiet ka na lang."

M: "Salamat po talaga"

"Wala yun. See you Miss Garduce"

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon