Chapter Four

9.1K 332 11
                                    


HINDI sanay si Farah na may lalaking nakakakita sa alindog niya, pero hindi niya magawang magtago habang titig na titig sa kanya si Derek. Seryoso ito at hindi mukhang nambubuso. Baka nga sanay na itong nakakakita ng hubad na babae.

"Ano'ng ginagawa mo riyan?" tanong niya dito.

"I'm looking at you," prangkang sagot nito.

"Matagal ka na ba d'yan?"

"I just arrive. Don't worry, hanggang tingin lang ang kaya ko. Ituloy mo lang ang paliligo," sabi nito.

Tinalikuran niya ito. Naglakad siya pabalik sa malalim. Hindi niya mabitawan ang kabebe na kulay puti. Matagal na niyang kinalimutan ang kuwento ng serena, pero naniniwala siya na may perlas sa dagat. Hanggang leeg na niya ang tubig nang naisip niyang lingunin si Derek. Biglang nawala ang lalaki. Pero sa pampang ay may nasipat siyang mga damit na nakalapag lang sa buhangin. Hinanap niya sa paligid si Derek, wala namang ibang tao.

Nabitawan niya ang kabebe kaya kaagad niya itong sinisid. Maalon kaya mabilis na nakalayo ang kabebe. Bago lumapag sa buhangin ang kabebe ay inagapan na niya ito. Ngunit may kamay na nauna sa kanya sa pagdampot ng kabebe. Pagtingin niya sa kanyang harapan ay nakita niya si Derek na itim na brief lang ang suot. Kinapos na siya ng hangin kaya siya dagling umangat.

Mamaya'y umangat na rin si Derek. May tatlong dangkal lang ang agwat nito sa kanya. Iniabot nito sa kanya ang kabebe.

"Here, take it," sabi nito.

Kinuha naman niya ang kabebe. "Salamat," aniya.

"Gaano ba ka-espisyal sa 'yo ang kabebe?" mamaya'y tanong nito.

"Memorable sa akin ang ganitong bagay. Ito ang bagay na nagpapaalala sa akin sa taong importante sa buhay ko."

"Ang boyfriend mong namatay?"

Tiningnan niya sa mga mata si Derek. Doon niya na-realize na ang ganda ng mga mata nito. Blonde ang eyeballs nito. Parang nasisilaw ito sa araw.

"Hindi siya," sagot niya.

"Sino pala?"

"Ang kuya ko." Naalala na naman niya si Sanjen, ang kuya niya na twenty-five years na niyang hindi nakikita.

"May kapatid ka pa pala? Bakit wala siya dito?" usisa nito.

"Twenty-five years na siyang wala sa piling namin. Naglayas siya. Sumama siya sa kaibigan niya. After ten years, nabalitaan ni mama na nasa Japan na siya nakatira," kaswal na kuwento niya.

"Bakit siya lumayas?"

"Ang sabi ng papa ko, nagdesisyon daw umalis si kuya dahil ayaw nitong pumayag sa gusto ni papa na maging pulis siya. Mahigpit kasi noon sa amin si papa. Pero noong umalis si kuya, hindi ito pinigilan ni papa."

"Pareho kami ng ugali ng kuya mo. Palagi ko ring ginagawa ang paglalayas." Nagbahagi rin ito ng kuwento.

"Pero mabuti at naisipan mo pang bumalik sa pamilya mo."

"No choice. Wala na kasi akong mapupuntahan.

Nakalimutan ni Farah ang sasabihin nang may kung anong kumagat sa kaliwang hita niya. "Aray!" daing niya. Tumakbo siya patungong pampang. Hindi niya napansin ang agarang pagsunod ni Derek.

Napaupo siya sa buhangin at tiningnan ang dumudugong sugat sa hita niya.

"Napano 'yan?" tanong ni Derek sa curious na tinig.

"May kumagat sa akin," sabi niya.

Umupo sa tabi niya si Derek. Kumuha ito ng konting dugo sa sugat niya saka inamoy. "Shet! Nakagat ka ng isada na infected ng virus!"

DayWalkers Series 5, Derek Rivas; The Devil Flirt (Complete)Where stories live. Discover now