Simula

10 0 0
                                        

Anak kailan mo ba uli balak mag aral? Wag mong sayangin ang panahon hangga't bata ka pa " palaging sinasabi sakin ni papa ang mga salita na yan. Isang taon na kong huminto sa pag aaral sa kadahilanang nagkaroon ako ng takot.

" Pa, mag t-trabaho muna ako." sagot ko naman. Simula nang huminto ako may trabaho akong unang pinasukan. Sinubukan ko iyon kahit napakaliit ng pasahod dahil gusto kong lumakas muli ang confidence ko. Pero isang buwan lamang ay umalis na ako. Hindi kinakaya ng katawan ko at hindi ko na natiis kaya napag pasyahan kong sa bahay na lang at tulungan si mama sa mga gawaing bahay.

Nalulungkot ako dahil alam kong marami akong na disappoint na mga kaibigan, kakilala, kamag anak lalung lalu na ang aking mga magulang. Pero mas nanaig ang desisyon ko na huminto.

May mga bagay na kay hirap ipaliwanag kaya mananahimik ka na lang para hindi ka na mapagod pa sa mga bagay na wala naman kwenta. Mas gugustuhin mo na lang na kumilos nang kumilos kaysa magsalita. 

Hindi ako ganito dati , ibang iba na ko sa pag uugali ko sa dati. Minsan mas pakiramdam ko iniiwan ako ng lahat. Minsan pakiramdam ko wala kong pakinabang sa kanila.

Nakalimutan ko na ata ang totoong tawa , totoong mga ngiti .

Sa bahay ang ginagawa ko lang ay manood , kumain , matulog , tumulong sa gawaing bahay. Naging taong bahay lang ako at sinusunod kung anong utos sa bahay . Nawalan na ko ng gana makisalamuha sa ibang tao . Gusto ko lamang ay palaging kasama ang aking ina kung san man siya magpunta.

"anak samahan mo nga ko sa palengke" pag aaya sakin ni mama minsan

Nagsuot lamang ako ng sapat na haba ng short at t-shirt . Nagdala na rin ako ng payong para mamaya ay may proteksyon kami sa init ng araw.

"ma , pwede bang bilhan nyo ako ng damit mamaya ?"

"kapag may sumobra anak , bakit ba nagpapabili ka ?"

"ang tagal ko nang di nakakasama sa mga kaibigan ko e , namimiss ko na sila" tango lang ang naisagot sa akin ni mama .

Dahil nasa bahay lang naman ako ginagamit ko ang aking cellphone para magkaron ng koneksyon sa aking mga kaibigan. Kahit madalang na lamang ako makasama sa kanila ay hindi nila ako kinakalimutan.

Nariyan ang mga birthday nilang hindi ko nadaluhan. Mga patimpalak na sila lamang ang nakakapanood. Minsan ay naiinggit ako dahil nagagawa nila ang mga nais nilang gawin. Samantalang ako ay laging pinagbabawalan ng aking ama.

"importanteng makapagtapos ka anak, para maipagmalaki kita" yan ang palaging sinasabi ng aking ama sa akin.

Tumatango lamang ako bilang sagot , sapagkat hindi pa ako sigurado sa mangyayari sa akin. "si theina nag aaral pa ba ?" minsan tanong sakin ni papa.

"huminto rin sya pa nung huminto ako," sagot ko naman

"palagi kayong magkasama, wag ganyan dahil hindi habang buhay sya ang makakasama mo."

si Atheina ang aking besfriend , ang palagi kong kasama kahit saan .

Simula elementary ay magkakilala na kami ngunit hindi nag uusap . Nakikita ko lamang sya sa malayo at ganon din sya sa akin . May pagkakaparehas kami ng mga pinagdaanan kahit hindi pa namin kilala ang isa't isa .

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Aug 11, 2019 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Burning DesireOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz