Chapter 1: Si Paulo at Clara

511 20 1
                                    

"Paulo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Paulo..."

Dinig niya ang boses ng girlfriend niyang si Clara, pero, hindi siya makagalaw. Masarap ang pagkakahiga niya sa malago at malambot na damuhan na nakakahimbing. Isama mo pa ang masarap na simoy ng hangin, at ang gusto na lang ni Paulo ay matulog.

"Paulo..."

Kunot ng noo. Alam niya ang pag-iiba ng tono ng boses ni Clara. Isa na itong ultimatum. Tatayo na ba siya? Pero, parang ayaw ng katawan niyang sumunod.

"PAULO!" sigaw ni Clara.

At saka pa lang babangon si Paulo.

"Get up, Paulo. Let's go!" utos ni Clara na nakatayo sa kanyang harapan.

"Clara, naman. Masakit pa paa ko kakalakad," dahilan ni Paulo.

"Bangon. Ayokong dito pa tayo abutan ng dilim."

Pagkasabi'y tatalikod si Clara at lalakad palayo. Nakasukbit na ang malaki nitong backpack. Tulad ni Paulo, naka-shorts, t-shirt at hiking shoes din si Clara.

Tatayo si Paulo. Tutoong masakit paa niya. Di na siya sanay siguro. Dati'y kayang-kaya niya kahit ilang kilometrong trek nang walang pahinga. Noong atleta pa siya. Track & Field star noong college days. Yun lang, na-kick out siya nang mahulihan ng marijuana. Hindi na siya nakapag-tapos. Instead, nagtrabaho na lang bilang barista. Kung kaya't hindi siya gusto ng daddy ni Clara, ang mahigpit na si General Marzan. Matalas ang tingin nito sa kanya tuwing sila'y magkikita, na para bang gusto siyang ipa-firing squad.

Dadamputin ni Paulo ang backpack at isusukbit. Maganda pa din naman pangangatawan niya. Fit at muscled, pero hindi yung bulky na parang bouncer. 6'0 ang taas at may kaguwapuhan naman. Feeling niya'y kamukha niya si Colin Farrell. Sa gupit at sa goatee...daw. Minsan, lalo na kapag nakainom na, gagayahin niya ang mannerisms ni Colin Farrell. Yung galaw ng ulo at pagtaas-taas ng kilay. At gagayahin ang lakad ng artista habang pasunod kay Clara.

Mataas ang sikat ng araw sa malagong gubat, pero ang mga sinag ay sinasalo ng makakapal na mga dahon ng puno kung kaya't nalililiman sila. Aabutan ni Paulo ang girlfriend at lalakad sa tabi nito. Pangiti-ngiti na susuklian ng kasama ng pagtaas ng kilay.

Si Clara ay mestiza at maganda. May lahi kasi ang angkan nila. 5'6" ang taas, maganda ang proportions, vital stats 36-24-34. Clothing designer at part-time model ang trabaho. 29 years old siya, samantalang si Paulo ay 30. College days pa lang sila na.

Sinusundan nila ang pataas na trail. Maririnig ang huni ng mga ibon at wasiwas ng mga dahon. Maganda ang tanawin ng kalikasan kung kaya't mai-inspire si Paulo na kumanta. Kakaiba trip niya, dahil mahilig siya sa mga cheesy love songs. I-hu-hum niya ang intro ng kanta. Magro-roll ng eyes si Clara, as if saying "eto na naman tayo."

I know just how to whisper and I know just how to cry.
I know just where to find the answers. And I know just how to lie...

"My God, Paulo. You're singing Air Supply in the middle of the forest? I mean, what the fuck?" angal ni Clara.

Zombinoy Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon