Chapter 4: Isang Mahalagang Pagpupulong

Start from the beginning
                                    

"This is Totally Outrageous, Demeaning and Sacrilegious!" sigaw ni Pete, sabay hampas ng kamay sa mesa.

Reply ni Guerra, "Exactly, Mr. Senate President, as in...T.O.D.A.S.!"

Sasabog ang kuwarto sa matinding conflict of opinions. Parang dalawang magkalabang kampo na magbabatuhan ng mga akusa. Uncivilized! Murder! Inhuman!—ang sigaw nila Vice President, mga senador at congressmen. Military Action! Protect! War!—naman ang gusto ng mga military. Sa gitna, tila naipit ang Presidente sa dalawang naguumpugang bato.

"Quiet, please."

No reaction. Sisigaw ng malakas ang Presidente, "QUIET!"

Titigil ang bangayan. Babaling ang Presidente kay Gil sa kanyang kaliwa.

"Gil, what do we know of the virus?"

"There's no doubt the virus is being transmitted only from direct, human, physical contact," inform ni Gil, "The infection is very aggressive. It spreads in just a matter of hours. It is as yet an unknown virus but our best scientists and doctors are working very hard to find a cure. Unfortunately, at the uncontrollable rate this virus is spreading, if we don't stop it now..."

Lulunok siya ng malalim.

"...we are looking at a nationwide crisis in less than 40 days."

Saglit na walang makapagsalita. Namutla lahat sa pahayag ni Gil. At biglang sasabog na naman ang alitan. Military Action! Protect! War! At Uncivilized! Murder! Inhuman!

Mapapapikit ang Presidente. Mapapahawak sa kanyang ulo.

"God, help us," ani sa sarili.

At siya'y sinagot ng Diyos. In a way. Dahil biglang bubukas ang pintuan ng conference room, and in comes—

"Your eminence!" hudyat ng Presidente.

"Your eminence!" hudyat ng Presidente

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nasa entrance ang Cardinal. Kasama niya'y dalawang bishop na parehong nagngangalang Santiago. Ang isa'y may tangan na matangkad na staff na kurus, ang isa nama'y bibliya at rosario.

Sisimangot si Guerra. Tila nasira araw niya.

"Jeysus," ang mahina niyang bulong sa sarili.

Tahimik ang lahat habang papagitna ang tatlong mga alagad ng Diyos. Lalapit ang Presidente upang magbigay pugay at humalik sa kamay ng kardinal.

"Your eminence, ano'ng stand ng simbahan?"

"Huhhh..." sagot ng kardinal. Tila may bara ang kanyang banal na lalamunan.

Si Bishop Santiago y bibliya at rosario ang sasagot.

"Ipagpatawad n'yo at hindi makapagsalita ang mahal na kardinal. Namamaga ang kanyang lalamunan sa kadadasal sa poon nating maykapal. Ako ang magiging boses niya."

Lalapit ang Cardinal at bubulong sa tenga ng obispo.

"Huhh...uhh...huhhuhh...uhhuhhhh..."

Titigil saglit at:

"Huhh...huh...uhh...uhhuhhhhh..." muli.

Tatango si Bishop. Bago ay haharap sa lahat hawak ang bibliya't rosario.

"Ayon sa Cardinal, hindi maidedeny ang religious implications ng mga nangyayari," ang sabi ng obispo, at biglang tataas ang volume ng boses. "Pinaparusahan tayo ng Diyos! Sobra na ang katiwalian! Ang korupsyon! Ang giyera!"

Pagkasabi nito'y ihaharap niya ang crucifix ng rosario sa direksyon ni General Guerra na tila ba may ine-exorcise na dimonyo. Manlalaki mata ng General.

"Pakshet..."

Tuloy ang pagbulong ng Cardinal sa kanyang tauhan.

"Huhhuhhuhh...huhh...huhh. Huhh...uh...huhhuhhh..."

Na translated as:

"Kailangan nating magbalik-loob sa Diyos para tayo maligtas! Ayon sa bibliya, ito ang Day of Judgement!"

"Huhhh...uhhh...uhhh..."

"'Di n'yo ba nakikita? Ito'y isang Act of God!"

'Di na mapipigilan ni General Guerra ang sarili at siya'y sasabat.

"Holy Paking Moses naman!" bulalas ng General.

"General!" ang gulat na sabi ni Bishop.

"Huhh yuhh!"

Sasampa sa mesa si General Guerra

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sasampa sa mesa si General Guerra.

"Mr. President, wala namang maitutulong ang mga paring ito e," pahayag niya. "E kung merong act na pwede dito, e yung Act of War! U-Huh! U-huh!"

Mapapatayo naman ang Vice President.

"General! Isa tayong Christian country. 'Di tayo dapat mag-promote ng giyera!"

Magpapamewang si Guerra, "Christian Country? Ip we don't act right hir and now, at pigilan ang pagkalat ng virus na ito...magiging Zombie Christian Country tayo!"

At sisigaw, "Da first in Asia!"

"AHHHKKKTTT!!!" ang reaksyon ni Pete.

"Dats right, Mr. Senate President, Act of War!"

"AHHHKKKTTT!!!"

Hindi pala "act" ang sinasabi ni Pete, siya pala'y inaatake sa puso.

"Pete!" gulat na tawag ni Helen.

Katabi niya ang Senate President at hawak nito ang dibdib. Namimilipit.

"A doctor! We need a doctor!" sigaw ni Helen at lilingon siya sa Presidente. "Dok!"

Tumatakbo na pala ang Presidente papunta sa kanila. Nguni't huli na ang lahat. Hindi na humihinga ang matandang mambabatas. Kinuha na si Pete ni Lord.


Zombinoy Book 1Where stories live. Discover now