Bite 1

60 0 1
                                    



Who do you want to love?

Who do you want to be with in your whole life?

Questions that makes us confuse but in others its easy.

Well, for me, it's not a hard question 'cause the one that I want to be with in my whole life is the one who destined to be my half.

But what if the one who destined to be with you is not an ordinary person that at the back of his/her good face, good heart is a living that you didn't know if they really do exist.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _




" tabiiiiiii... " sigaw ko sa lalaking nakatayo habang nakatalikod siya sakin, ako naman ay nakasakay sa kaisa-isa kung bestfriend ang skateboard ko. Pero bago pa siya makapag react natumba na kaming pareho at ako ang nakadagan sakanya at magkalapit ang aming mga mukha. Natauhan naman kami agad parehas kaya napatayo agad ako at siya at nagpagpag ng damit.

" shit " mura niya habang nagpapagpag siya ng kanyang polo at pants. " What the... bakit mo ko binangga? Ha? " nanlilisik niyang sabi " anlaki-laki ng pavement oh, bakit dito ka pa dumaan sa tinatayuan ko? " dagdag pa niya habang nagpipigil ng galit.

" ayyy sorry po ha... kanina pa po kasi ako sumisigaw ng TABI pero parang wala po kayong naririnig at tawa parin kayo ng tawa dito " sabi ko habang nakatingin sakanya at diniinan ko talaga ang pagkakasabi ko ng tabi, wapakels kung galit siya.

" aba...! ikaw na nga tong nakadisgrasya ikaw pa tong maangas " at kinuha niya yong kwelyo ko at inangat ngunit magsasalita pa sana siya kaso narinig na namin ang bell para sa first period namin kaya di na niya natuloy ang sasabihin niya at ibinaba na niya ako. Tumalikod na ako at nakakadalawang hakbang pa lang ako nagsalita siya " hindi pa tayo tapos kaya maghanda ka " tapos umalis na siya at ako din dumiretcho na ako sa locker ko para iwan muna ang board ko at kumuha na rin ng gamit na gagamitin ko para sa araw na ito.

Habang naglalakad ako papuntang classroom ay magpapakilala muna ako. I'm Drake Marion C. Layosa, 16, 4th year high school na ako dito sa Griffindor Academy, hanggang dito na lang abangan niyo na lang ang ugali at hilig ko sa mga susunod na chapter.

Pagkapasok ko nandoon na ang adviser namin. " Sorry ma'am I'm late, pumunta lang akong locker ko ma'am " tiningnan lang ako nito sandali at sinabihan na maupo na kaya tumuloy na ako at umupo sa silya ko.

Maayos naman ang takbo ng klase ko ngayon mula first subject hanggang second subject. Kaya eto andito na ako ngayon sa cafeteria at kumakain hehehe... letcheee di pa naman ako kanina nakapag breakfast dahil late na ako nagising kaya eto para akong PG sa dami ng inorder ko hehehe... patay na ang mga magulang ko 3 years ago dahil sa car accident, pero naiwan naman sakin yong mga business namin at ang lolo ko kaya eto kinakaya pa din hehehe... buti na lang talaga at matibay ako dahil kung hindi baka noon pa lang nabaliw na ako. At nag flashback na naman sakin yong mga times na masaya kami nila mama at papa na nagbobonding sa kahit saan namin gusto... haiiiiiii...

At sa kalagitnaan ng pagpa-flashback ko naramadaman ko na lang na may umupo sa harapang upuan ko at kasabay non ang pagkawala ng ice cream sa kamay ko huhuhu... last na yon ehhh wala na silang tinda dito sa cafeteria sa school. Kaya nabalik ako sa ulirat at nakita ko yong aso ay este taong bumuwesit sa araw ko.

" oh, anong ginagawa mo dito? tsaka bakit mo kinuha yang ice cream ko? " tanong ko sakanya habang nilalantakan na niya yong kinuha niyang ice cream sa akin.

" malamang kakain sa pagkakaalam ko kasi cafeteria to ehh... " at nilibot ang paningin sa buong cafeteria " tsaka wala na kasing ice cream na cookies and cream ang flavor doon ehh... nakita kita na hawak mo to kaya ito na lang yong kinuha ko " dagdag pa niya habang ngingiti-ngiti " salamat dito ahhh " sarcastic niyang sabi.

Hindi na lang ako kumibo at kinuha ko na lang yong phone at earphone ko sa bag at isinalampak ko to sa taenga ko at nagpatugtug. Tumayo na din ako at umalis na doon baka kasi hindi na ako makapagpigil at masapak ko na siya dumiretcho na lang akong library kasi may hahanapin pa akong libro para sa assignment namin.

Bumalik na kaagad ako sa classroom pagkatapos kung gumawa ng assignment huhuhu baka ma-late ako naku terror pa naman yong next subject teacher namin na yon ehhh ang boring naman ng class niya AP.

Maayos lang din naman na matapos ang araw ko sa school at walang naging aberya hehehe... pero umalis agad ako pagkatapos na pagkatapos ng last subject ko sa hapon ay pumunta agad ako sa kompanya kasi may pepermahan daw akong urgent papers. Pagtawag ng secretary ko kanina. Well kahit na ganito ang schedule ko ay hindi ko naman napapabayaan yong mga businesses na iniwan ng mga magulang ko sakin.

Umuwi na din ako sa bahay pagkatapos ng ginawa ko sa opisina, dumiretcho na ako sa kwarto ko at nagpahinga.




Alpha's Mate ( BxB )Where stories live. Discover now