ShamEul- Twenty Three [Huling Kabanata]

Começar do início
                                    

Pero nagulat ako sa huling sinabi niya. 'Kinitil niya ang sarili niyang buhay para lang hanapin ang kaluluwa ko?'

Hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko sa mga nangyari sa kanya. Sa mahabang panahon isa na siyang kaluluwang ligaw na walang hinangad kundi ang makasama ang taong mahal niya. At ako 'yun na binuhay na muli sa iba ng katauhan.

"Patawarin mo 'ko, dahil sa'kin kaya mo nagawa ang bagay na 'yun."

"Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo, ako lahat ng may kasalanan, kailangan ko ng tanggapin ang kapalaran natin na hindi na tayo para sa isa't isa, na kahit nasaang mundo tayo ay hindi na tayong pwedeng magsama pa. Gusto ko na din magpahinga, sa tagal ng panahon na pamamalagi ko dito, puro lungkot at pighati lang ang nararamdaman ko," Tuloy na usal niya habang umiiyak. "Pero isang gabi na dumating ka na, naging masaya na ulit ako at hindi mo ako binigo. Tandaan mo Aking mahal, tinupad mo ang pangako mo na babalikan mo ako. Kaya kahit sa maikling panahon naging masaya na 'ko."

Hindi ko na alam ang sasabihin pa sa kanya, kaya naman niyakap ko siya ng sobrang higpit, pinaramdam ko kung gaano ko siya kamahal.

Ilang sandali lang, lumayo na siya sa'kin.

"Umalis ka na." Tulak niyang mahina sa'kin patungo sa isang pintuan ng bahay kung saan ito ang daan pabalik sa mundong kinabibilangan ko pa.

Labag man sa loob ko. Wala na akong nagawa kundi ang tahakin ang daan kung saan papunta sa pintuan.

"Mahal na mahal kita!" Dinig kung malakas niyang sigaw. "Aking mahal, ako naman ang hintayin mo sa mundo mo! Pangako darating ako. Basta hintayin mo lang ako!" 'yun ang huling mga salitang narinig ko bago ako pumasok sa pintuan.

'Pangako hihintayin kita Shamy.'

END OF FLASHBACK

Nang magising na ako, nakita ko silang nakapalibot sa'kin, at mga nag dadasal. Doon ko lang din napag tanto na nasa ilalim pala kami ng malaking puno. At bigla na lang yumakap sa'kin ang mga pinsan ko ng makita nilang gising na ako sa mahimbing na pagtulog.

Ngayon, ako na lang mag isa ulit dito.

Ang bigat ng pakiramdam ko. 'Kung kailan nakita ko na ang pinakamamahal ko, tsaka naman hindi na kami pwedeng mag sama.'

'Ako naman maghihitay sa'yo. Pero hihintayin kita sa tamang paraan. At mamahalin kita sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon, 'yung nasa iisa na ang mundo natin at wala na tayo sa magkabilang mundo. Mahal na mahal kita Shamy.' Usal ko sabay yakap sa malaking puno. Wala akong pakialam kung makita ako ng mga pinsan kong nakayakap sa malaking puno.

Pero bago pa ako umalis dun, inalayan ko siya ng taimtim na dasal na sana mapatawad na siya sa lahat ng mga kasalanang nagawa niya. Na sana tanggapin na siya ng May Lumikha.

Nang matapos na akong magdasal. Naglakad na akong papunta sa mga pinsan ko. Nang maka layo na ako, lumingon ako sa malaking puno.

Nakita ko siyang masayang kumakaway.

Masaya na din ako para sa kanya. Kahit masakit pa din sa kalooban ko. Tama siya maraming nagmamahal sa'kin ngayon sa buhay kong ito.

Binigyan ako ng pangalawang buhay, sana ganun din siya kapag napatawad na siya ng Diyos.

"Dito ba tayo matutulog? Bakit hindi na lang kanila Manang Lourdes? Ayoko dito, natatakot pa ako." Dinig kong saad ni Nikki habang palapit ako sa kanila.

Mas gusto kong dito matulog ngayong gabi. Dahil pakiramdam ko kasama ko pa din siya kahil sa huling pagkakataon.

Bukas siguradong babalik na kami sa Maynila.

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Onde histórias criam vida. Descubra agora