Napaupo ako sa sahig. Ayoko na. Nakakapagod ng magbasa. Halukay ube na ang utak ko. Napatingin ako sa wall clock sa kwarto, 2:30 am. Itutulog ko na ito. Bahala na. Bahala na si Batman.
6:30 am ng bigla akong nagising sa boses ni Mama na parang may sunog sa kapitbahay.
"Sheena, bumangon ka na, bente singko ka na, kailangan pa talagang pasukin ka sa kwarto mo para gisingin. Paano na pag wala na ako, sinong gigising sayo? Bumangon ka na jan kung hindi maliligo ka jan sa higaan mo!" Mahabang litanya ni Mama. Mula elementary hanggang ngayon, kabisado ko na ang early morning monologue ni Mama. Napabangon ako sa banta niyang maliligo ako sa kama. 3rd year college ako noon ng binuhusan ako ni Mama ng malamig na tubig sa pangatlong beses na pumanhik sya sa kwarto ko. Para akong basang sisiw na nanginginig na bumangon at tumakbo papuntang CR para maligo. Ayoko na maulit yun. Malupit!
"Sheena, anak, kung hindi mo kayang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag aaral sa law school, huwag kang mag full load. Hindi minamadali ang law school. Tignan mo nga yang mukha mo. Para kang si Dalmas, daming spots." Ang hard ni Mama. Alam niya ang pangarap ko na maging abogada. Malayo man sa tinapusan kong hospitality management na kurso, tinuloy ko after 2 years ang pangarap kong maging lawyer. At heto nga, trabaho sa umaga, law school sa gabi.
"Ma, 1 year na lang, tapos na ko sa law school. Ngayon pa ba ako maghihinay hinay? Kinaya ko nga yung 1st year na sobrang shocking, eto pa kaya Ma? Balik ganda rin ako Ma. Tiwala lang. Magpapa Belo ako pagkatapos ng Bar Exams." Nakangiti akog sumagot kay Mama sabay yakap sa kanya.
"Sya sige. Mas matigas pa sa aspalto yang ulo mo. Wala naman akong magagawa. Maligo ka na at nakaluto na ng agahan si Manang Lori. Nagbibihis na ang Papa mo pati kapatid mo. Sabay sabay tayong kakain. 10 minutes na ligo lang Sheena ha. Wag gawing higaan ang bath tub!" Si Mama, kahit hard sa akin, suportado naman niya ako kahit kulang na lang pukpukin ako sa katigasan ng ulo ko, sa kabagalan kong kumilos.
Matapos kung naligo at nagbihis, pumanhik na ako sa kusina at sinaluhang kumain sina Papa, Mama at Santi. Strikto sa family meals si Papa. Dapat kumpleto sa agahan kaya bawal na malate magising kahit weekends.
"Santi, anong plano mo after graduation? Sa university ba ng Ate mo ikaw tutuloy ng college?" Monotonic na boses ni Papa na nagtanong kay Santi.
"Hindi pa ako sigurado, Pa. Graduating na si Ate sa Law School, wala akong yaya pag nagkataong dun ako mag college. Di ba ate?" Kumindat na binalingan ako ni Santi.
"Yaya? Ano ka toddler na kailangan mo ng yaya? May girlfriend ka na tapos gagawin mo akong yaya? Wala kang dagdag allowance this week!" Pagbabanta ko kay Santi.
"Ikaw Sheena, sino ang magmamanage jan sa shop mo kung magrereview ka na for Bar Exams?" Sa akin naman nagtanong si Papa.
"Saka ko na po isipin yan, Pa. Ipapasa ko muna itong last year ko sa law school bago ko po isipin yan." Sagot kong walangbkasiguruhan kay Papa.
"Kayong magkapatid, wala talaga kayong concrete plans. In three months, bigyan niyo ko ng matinong sagot." Pinandilatan kami ni Papa ng tingin. Si Papa, futuristic ang pag iisip. Laging one step advance, laging may plan B-Z. Dating sundalo kasi kaya laging naghahanda.
"Sheena, nga pala. Naalala mo ba si Mariae? Yung kababata mong nag migrate sa Spain? Dumating ng isang araw. Nadaan dito kagabi kaso wala ka pa. Nag iwan ng contact number, nakasabit sa ref door. Tawagan mo at mukhang 2 dekada ang pagkukwentuhan niyo." Pag-aagaw atensiyon ni Mama sa medyo tensed na usapan kay Papa.
Ganito kami sa regular breakfast weekdays. May pep talk. Parang nasa guidance office.
Natapos kaming nag agahan bago mag 7:30 ng umaga. Mahuhuling aalis si Mama papuntang flower shop at ihahatid na lang ni Manong Caloy. Si Papa, ihahatid si Santi sa school, ako naman sa resto na tinayo namin ng mga kaibigan ko after graduation.
Nasa daan na kami ng tumunog ang telepono ko. May text message galing sa staff sa resto
Ms. Sheena, good morning. Andito na po yung tumawag kahapon na magpapacater for their company event. Medyo naiinip po sa sobrang aga dumating.
Napa iling ako. 8:30 am ang usapan. 7:50 am pa lang. Maaga akong mapapasabak.
YOU ARE READING
Puzzle Piece
RomanceShe was four. He was five. She was quietly sitting on the park's doll house when he came near her. Then, he kissed her and ran away. Will she remember her first kiss? Will she remember him on the second kiss? Will her heart recognize him? Sometimes...
