"Master Terrence, hindi daw po makararating si Ms. Delgado." Nakayuko na sabi ni Kuya Dan, isa sa mga bodyguards na kasama ko.
"Okay lang, Kuya Dan. Uwi na lang po tayo."nakangiting sagot ko sa kanya at tumayo mula sa upuan sa isang restaurant.
Hindi ko maiwasan na hindi magbuntong hininga ng palihim. Pangatlong beses na itong di ko pa din nakikita o nakakausap ang anak nila Mr. and Mrs. Delgado. Si Minchelle Delgado, my supposed-to-be-fiancee. Ang dapat kong maging asawa sa hinaharap. At the age of 12, di ko maintindihan bakit sa ganitong edad ko siya kailangan makilala. For familiarity? Para alam ko na hindi ako pwedeng magkagusto sa iba dahil nakatakda na ako ikasal sa kanya? Pero anong magagawa ko? I never wanted to disappoint my parents. Alam ko namang lahat ng ginagawa nina Mama at Papa ay para sa ikabubuti ko din.
Saktong paglabas namin may isang matandang babae na nakaupo sa may sulok na sira-sira ang damit at maduming madumi ang katawan na nakatingin sa kawalan. Bigla kong naikuyom ang kamay ko at napaiwas ng tingin. Pinakaayaw ko makakita ng taong hirap sa buhay, may kapansanan, nanlilimos at walang sariling bahay dahil sobrang nasasaktan ako para sa kanila.
Agad namang kumilos si Kuya Dan at inabot ang wallet ko. Mula sa wallet ko, kinuha ko lang ang pera na allowance ko sana ngayong buwan. Lumapit ako ng dahan dahan sa matanda at nakangiting iniabot ko ang pera para may panggastos siya.
"Lola..."mahinang tawag ko sa kanya at napatingin siya sa akin. Nakangiti pa rin ako ngunit naiilang na ako paano niya ako tignan. Nilapag ko na lang pera sa harap niya at tumalikod na ako para maglakad. Hindi pa gaano kami nakakalayo nang may humablot sa braso ko. At nanlaki ang mata ko dahil ang matanda na binigyan ko ng pera ang pumigil sa akin.
"HANAPIN MO SIYA BAGO MAHULI ANG LAHAT! ILIGTAS MO SIYA!" nanlalaki na mata na sigaw niya.
S-sinong siya?
"ILIGTAS MO SIYA SA KAPALARAN NIYA! O HABANG BUHAY KA MAGDUDUSA!" sigaw niya ulit habang pigil pigil siya ng mga bodyguard na kasama ko. Naguguluhan ako. Siya? Kapalaran? Sumasakit ata ang ulo ko. May mga security guard na rin na nakikipigil kaya nailayo sa akin ang matandang babae.
"Master Terrence, okay lang kayo?"
Wala sa sariling tumango na lang ako. Ano bang nangyayari? Biglang uminit ang pakiramdam ko, lalagnatin ba ako dahil natakot ako? Naglalakad na kami palayo at di ko mapigilan na lumingon sa matandang babae na lumuluha at sumisigaw pa rin na 'Iligtas ko siya'.
"BAKIT may batang babae?!" nagtataka na sigaw ni Kuya Henry na isa din sa bodyguard na kasama ko. Dahil nahaharangan nila ang unahan ko ay sumingit ako at may isang batang babae na nagkukusot ng mata na halatang kakagising lang na nasa loob ng sasakyan namin.
"Dan, hindi mo ba ni-lock ang pinto ng sasakyan?"
"Bakit ako ang pag bibintangan mo, Henry? Nasa iyo na naman ang susi di ba?"
"Pero ikaw ang huling lumabas. Sana kinuha mo!"
Hindi ko na lang sila pinansin at nakatingin pa rin ako sa batang babae na parang manika ang mata. Nakatingin din sa akin ang batang babae na halatang di nalalayo ang edad sa akin. Ano bang meron sa araw na ito at iba tumingin ang tao ngayon katulad na lang ng matandang babae kanina?
"Baka mapagkamalan tayong nangidnap ng bata!"
Sumimangot ang batang babae at "SHH!"sita niya sa mga bodyguard ko at natigil sa pagbubugbugan sila Kuya Henry at Kuya Dan.
"Ang ingay ninyo!"sigaw niya at bumaba sa loob ng sasakyan. Luminga linga pa siya na parang may hinahanap.
Biglang lumapit siya sa akin. "Ikaw! Anong pangalan mo?" tanong niya habang nakaturo ang daliri sa akin. Ang tapang naman ng batang ito, mas mukhang matanda pa nga ako sa kanya.
Nginitian ko siya at nilahad ang kamay. "Terrence Asher Alvarez." Sagot ko at hinihintay na makipagkamay din sa akin.
Nawala ang pagkakasimangot niya at umiwas ng tingin na parang nahiya.
"M-mara Nickachelle Salazar. 10 years old. "nakayuko pa din na inabot ang kamay ko.
"Nice too meet you, Mara." Nakangiti na sabi ko pero di ba dapat bitawan ko na kamay niya? Bakit parang sinasabi ng utak ko na 'huwag'?
"Lady Mara!" napalingon kaming lahat sa sumigaw na 'yon at may mga nakasunod na naka-shades na tatlong lalaki.
"Ano ba 'yan! Nahanap nila ako." Inis na sabi ni Mara at tinignan ng masama ang mga bagong dating. Hinila na ng isa si Mara at napabitaw na ako sa kamay niya.
"Pasensiya na sa abalang ginawa ni Lady Mara." Sabi ng sumigaw kanina na nakasalamin na babae.
Hindi pa nakakalayo si Mara, lumingon siya sa akin. "Salamat, Asher!"sigaw niya habang nakangiti at kumakaway.
YOU ARE READING
Beauty and the Bishounen
ChickLitShe's the pessimistic girl. He is the optimistic guy. Their love story is like the fairytales. But... will it end in Happily Ever After or Happily Never After? Bishounen- handsome guy.
