BOYFRIEND NO. 1 - PART 1

40 0 0
                                    

“Noon, ang akala ko kapag first boyfriend yun na ang first love, at dahil mahilig ako manuod ng Disney Movies, ang akala ko forever na.”

“Okay class, sino ang may gustong sumali sa varsity ng school?” Tanong ni Mam Honradez sa class namin.

“Mam ako po!!” Sigaw nung isa kong kaklase with matching taas pa ng mga kamay.

“Mam ako din!” Sigaw din nung isa na dumeretso tayo. Ate? Desperada lang? hehe. (--,)

 Nagsunod-sunod na sa pagtaasan ng mga kamay at medyo umingay na. Mga excited kasi tong mga kaklase ko. Hahaha!

“Everyone! Calm Down!” Pag-papatigil ni Ma’am.

“ Mam oh! Inaasar na naman ako ni JM!” Sumbong ni Amelia.

“Hala! Anong inaasar? Sinabi ko lang naman na hindi pwede ang mga patpating katulad mo sa mga ganun. Hahahaha!” sabay tawanan naman ng buong klase sa narinig.

“Ikaw talaga JM! Napakapasaway mong bata! Gusto mo ma-guidance??” Tanong ni Maam sa kanya.

“Mam Joke lang naman yun!” hahaha! Sabay ganun? Eh halata naming nang-aasar talaga siya. Hahaha.

“Ewan ko sayo, manahimik ka na lang at baka ituloy ko pa yung sinabi ko.” Hala! Galit na naman si mam! Naku, mahirap pa naman paamuhin yan! (aso lang ang peg? Hehe)

“As I was saying, sa mga gustong sumali sa varsity team ng school may try-out sa stage mamaya hanggang Friday, Pwede nyo rin kausapin si Maam Dador”

Nagtataka ba kayo kung bakit sa stage ang try out? Hehe. Wala lang, para sikat lang! hehe. Joke! Anyway, Malaki kasi yung stage ng school namin, halos sinakop na ang buong field ng school. Ang weird no? lagi kasi binabaha ang loob ng school kaya tinaasan ang stage. Oo, pati sa loob ng school binabaha, ikaw ba naman tumira sa Malabon eh? Hehe. Kahit na ganito dito, Mahal ko tong lugar na to. ^_^

Papunta na ako sa canteen ngayon, hindi sosyal tong canteen namin, walang lamesa at mga upuan, parang karinderya style sya, pero nasa loob lang ng school. (gets nyo?) at dahil favourite kong pagkain tuwing recess ang sopas, yun ang bibilhin ko. (ang mura din kasi eh? P5.00 lang at solve na solve ka na!) (at talagang nag-advertise? Hahaha.) Sana meron pa!

Pagdating ko sa canteen, ang haba ng pila sa bilihan ng sopas, tsk!

“Nasaan ba kasi si Ate Joly?” naku naman, mauubusan pa ko ng sopas nito eh! >.<

hanap.. >.>

 <.< hanap..

Hanap parin.. >.>

Wala siya! Huhu. Hahanap na lang ako ng isa sa mga kaklase ko sa pila ng sopasan. Hehe, good idea! --,)

hanap.. >.>

 <.< hanap..

Ayun! Andun si Leah! Takbooo!!

“O, geralyn? Bakit ka tumatakbo?” Tanong ni Leah.

“Eh,.. Kasi….ano…” hehe. Hingal na hingal ako grabe! Akala mo naman ang layo ng tinakbo ko. Hehe.

“Ano? May nangyari ba?” nag-aalalang tanong niya.

“Ano kasi.. Pwede ba ako makisabay ng pagbili ng sopas?” sabay, Puppy Dog Eyes… *-*

“haha! Yun lang pala? At ang layo pa talaga ng tinakbo mo? Hahaha!” Hindi makapaniwalang sabi niya.

“ah, eh, ang bilis kasi maubos ng sopas eh?”

“haha! Sige! Ako na bibili, tutal malapit na ako.”

COUNTING BOYFRIENDSWhere stories live. Discover now