Chapter 7 - pretending

57 2 2
                                    

“Ang ganda mo anak!, manang-mana ka sakin “ =) si mama talaga , nangarap na naman.

“A-ate! , andyan na yung sundo mo “ mas excited pa sakin tong kapatid ko. Palakad na ako sa gate ng natapilok ako.

“kyaa!”

“Oh, ok ka lang ba anak?”

“Opo ma! Ayos lang po ako”  Halata naming hindi ako sanay , first time lang kasing nagsuot ng 5 inch na highheels .

“Sino ba kasi nagsabi magsuot ka ng ganyan?” nagsalita si kurimaw, ngumisi pa . -____-

“Eh, diba sabi mom aging babae kaya nagsuot ako ng ganito! Tse !” Pumasok na ako sa binuksan niyang pinto ng kotse.

Sheytnes overload x__X ang pogi din pala nitong kurimaw na ito, naka black na long sleeve at mukha siyang celebrity na pupunta sa red carpet. T-teka Jana eung , wag mong sabihing napopogian ka jan sa kurimaw na yan!

Huminto yung kotse at bumaba kami ni kurimaw. Nilagay niya yung kamay ko sa braso niya . Tama, naka red carpet itong hotel , naglakad na kami sa red carpet at pumasok sa isang party room. Oh My Gorgeous , ang ganda dito , may kumikinang na mga gamit , may disco lights at may Dj . Maraming nakatingin samin karamihan ay girls xox

“Hey brother, Is she your girlfriend?”  may mala dyosang lumapit samin. X__X ang ganda niya!

“Hey! Cous, I like you to meet Jana my girlfriend” Pinakilala ako ni kurimaw at inakbayan ng mahigpit. Tinignan ako ng  pinsan niya at bineso ako. Ang bango niya , siguro kung lalaki lang ako niligawan ko na siya, ang ganda kasi eh para silang may lahing mga artista, di naman kahawig ni kurimaw pero pogi din naman si kurimaw >o<

“Hello! Nice to meet you” nagsmile siya at nagfeedback naman ako. Im so speechless ^…^

“Excuse me ! maiwan ko na kayo! and enjoy the party!” umalis na yung pinsan niya at tumingin sakin si kurimaw.

“Calm down! Bitch, sige umupo ka muna at may pupuntahan lang ako and Don’t talk to stranger!”  Litsi to! Bumulong pa siya sakin, umalis na siya at umupo na lang muna ako dun sa may 19th table. Makapaglaro nga ng flappybird sa cellphone.

Maya-maya may umupo sa tabi ko.

“Hey ! miss?” yoko ngang pansinin, nakakasampu na ako baka mauntog pa si flappybird at sabi ni kurimaw wag daw akong kumausap sa stranger—

“Ay putek!”  nauntog na tuloy si flappy bird.

“Why miss? Is anything wrong, are you okay?” i-stranger? Hindi naman siya stranger, Ang hot niya x___x

“A-ahm.. no im not okay!” Tengene , ano bang sinasabi ko at nauutal ako. Mala Adonis ang mukha nitong lalaking kumakausap sakin. May perfect abs siguro to takte! Jana nang huhubad ka na naman eh.

“Miss are you okay?”

“A-I mean yes!, im  okay =) “ kumuha siya ng juice at inabot sakin.

“Im Lance and you are?” OMG !  mahihimatay na ako , gising-gising Jana eung !

“Im Jana J “  wala namang masama kung makipagkilala sa kanya right? Eh hindi naman stranger, kahit na magalit si kurimaw sakin , eh iniwan naman niya ako eh.

“So,you are the girlfriend of Paolo?”  Aw </3 Bakit niya alam? Takte naman sasabihin ko ba yung totoo o hindi.

“A—

“Babe! You’re here..” bigla pa tong sumulpot -__-

“Babe, I said don’t talk to stranger right?”  Grabe naman tong si kurimaw , mas stranger pa nga siya kaysa kay Lance.

“B-but—“  Hindi na naman ako pinatapos at hinatak ako.

“Bakit ba? San mo ko dadalhin?” huminto kami sa may garden.

“Ano k aba? Bitch ka talaga eh, Hindi mo ba alam na kaaway ng grupo naming yun!” Huh? Hindi ko alam sinasabi nito.

“Huh? Ewan ko sayo!”

“Hindi mo alam o nagkukunwari ka lang?” nagbibingi-bingian na lang ako, di ko alam yung sinasabi niya.

“Hoy! Hahalikan kita!” Lalelilolu.. di ko talaga siya pinapansin , teka ano daw? Hahalikan niya ako. Tinignan ko siya

Lumapit siya sakin at lumapit yung mukha niya , pumikit ako kasi baka kung anong  gawin niya sa kawawang lips ko L God! Kung mapupunta lang ang first kiss ko sa kurimaw na ito, kunin mo na ako.

“Hahaha—“ dumilat na ako ng may nagtatawanang mga babae sa harap . Litsi! Nakakahiya, iniwan lang pala ako nitong kurimaw na ito.

“Hoy! Ba’t mo ko iniwan? “ nasa labas na kami nun, nang hinabol ko siya.

“Pumasok ka na,ihahatid na kita” binuksan niya yung pinto ng kotse,  may topak siguro si kurimaw, di man lang ako nakakain.

Ilang minute na hindi parin kami nagpapansinan, siguro yung kanina tungkol kay lance.

“Oh! Kumain ka na.” may inabot siya saking Styrofoam na may pagkain.

“akin na nga!” kinuha niya sakin. At biglang sinubuan ako. Tama ba yun? Sinusubuan ako ni kurimaw?

Maya-maya huminto na yung kotse at saktong kanina pa akong tapos kumain.

“Bye!”  nagpaalam na ako sa kanya, pero ang suplado niya =.=

“Hoy! Kurimaw bye na!” inulit ko uli at hinampas siya ng bag.

“Aray! Sige na”

Paolo Pov

Nang nakita ko sila naguusap, biglang kumulo yung dugo ko. Bakit pa kasi siya nakikipagusap dun? Bakit hindi niya alam na Mortal Enemy ko yun? Stalker ko siya tapos hindi niya alam. Imposible siguro nagwapuhan lang siya sa lalaki nay un. Eh,samantalang mas gwapo pa ako dun.

End of Chapter 7

Stalker (O N G O I N G )Where stories live. Discover now