Pero.. imposible.

16 0 0
                                    

Ayaw pa talagang sumama ni Abigail kina Kim, Andrea, at Riza papuntang Malate, pero sumama pa rin sya. Hindi nya kasi talaga trip gumimik nun, pero napa-isip sya dahil wala naman syang gagawin sa bahay at sa susunod na linggo ay may klase na sila. 3rd year college na sila sa darating na pasukan. 

Naisip nya, 'Bat hindi nalang lubusin ang bakasyon, diba?' 

~

Nang makarating sila sa "Giniling Today", naupo sila sa isang table at nag-order ng mga drinks. Inom-inom at kwentuhan nang konti. Mamaya ay nagsayawan na ang mga kaibigan nya at naiwan syang mag-isa. Pinapanuod nya ang kanyang mga kaibigan habang tinutungga ang red horse. 

Marami syang iniisip. Iilang araw nalang at bagong semestre na naman. 

"Hi miss. Bat ang lungkot mo?", tanong ng isang lalaki sa kanya. Di nya namalayan na may nakaupo na pala sa tapat nya. Tulala kasi sya at malalim na nag-iisip. 

"Meh. Wala naman. Marami lang akong iniisip.", sagot nya sa lalaki. Kadalasan ay sasabihan nya ang mga lalaking lumalapit sa kanya na lumayo, pero di nya pinalayo ang lalaking to. 

Tiningnan nya ang lalaki. Maputi, may braces at may pagka-tsinito. Mukhang mayaman. 

"Matunaw ako.", pagbibiro ng lalaki sa kanya. Napapatitig na pala siya dito. Medyo namula siya. 

"Asa.", sabi niya sabay inom. Tumawa ang lalaki. 

"Charles nga pala.", sabay abot nito ng kamay niya. Nag-shake hands sila. 

"Abigail." 

Nagka-usap sila ng lalaki at mas nagkakilala sila. Nasiyahan siyang kausap ang lalaki dahil masaya ito kausap. May sense of humor at maayos magbigay ng payo. Nagkasundo ang dalawa na magkita ulit sa isang mall sa Sta. Mesa sa susunod na linggo. Nagpalitan din sila ng cellphone numbers nila. 

Nagpaalam na ang lalaki at bumalik na ito sa mga kaibigan nya. 

"Sino yun? Parang ang saya niyo, ah?", tanong ni Kim sa kanya. Bumalik na sa lamesa nila ang mga kaibigan nya. 

"Ah, si Charles." 

"Yiee. Iniwan ka lang namin may Charles ka na kagad.", pang-aasar sa kanya ni Riza. 

"Asa. Magkaibigan lang kami." 

"Yeah, whatever. Magkaibigan your face, teh." 

"Che.", sagot nya sa pang-aasar ni Riza, pero napangiti pa rin sya. 

"Osya, CR lang kami teh, then gora na us." 

Maya-maya ay umuwi na rin sila, ngunit iniisip niya pa rin si Charles. Nang makauwi siya, e may nagtext sa kanya. 

'Hi. Si Charles to. Nakauwi ka na? :)' 

Kinilig naman sya nung mabasa nya ang message at nagkatext-text sila nang konti. 

~

Lumipas ang ilang araw at mas lalo siyang nasasabik dahil magkikita na ulit sila. Madalas na rin niyang katext si Charles. 

~

Unang araw ng pasukan - bagong sem na naman. Nagkita-kita sila ng mga kaibigan nyang sina Riza at Andrea at sabay-sabay pumunta sa room nila. Medyo maaga silang pumasok dahil birthday ni Kim at may surprise sila. Nagkasundo silang kakain ng lunch mamaya. 

Pagkalaan ng ilang sandali ay pumasok na rin ang propesor nila sa unang subject nila at may mga tumiling kaklase nila. 

"Omg ang gwapo ng prof natin!", bulong ng isa nilang kaklase. 

Napatingin nalang silang magkakaibigan sa harap. Pamilyar ang propesor nila sa kanya. Parang nakita na niya ito dati. 

'Hindi kaya? Pero imposible..', isang bagay na sumagi sa isipan ni Abigail. Sinundan niya ng tingin ang propesor habang naglalakad papunta sa lamesa nito sa harapan. Parang bumagal ang oras at pinagpawisan siya. 

Nilapag nito ang gamit sa lamesa at humarap sa kanila. 

"Good morning class, I'm Charles Estrada. I'm gonna be your teacher in Calculus 221. Just call me sir Charles for short." , sabi nito sabay tingin at ngiti sa kanila. 

Medyo nagulat din ito nang magtagpo ang mga mata nila. 

"Hindi ba yun yung Charles na nakausap mo nung gumimik tayo? Prof pala natin?", tanong ni Andrea sa kanya.

"Whoa.", sabi ni Riza.

"Pero.. imposible.", yun nalamang ang nasabi ni Abigail na nakatingin pa rin sa prof nilang si Charles. 

Pero.. imposible.Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα