***
Ako lang ba yung sobrang saya kapag umuulan? Para sakin kasi ang daming mensahe ng ulan.
Pwedeng gusto niyang malaman mo na walang pasok sa school/work.
Pwede niyang sabihin sayo yung nararamdaman niya.
At higit sa lahat kaya ko nagustuhan kapag umuulan ay ipaparamdam niya sayo na hindi ka nagiisa sa pinagdadaanan mo.
"Katulad na lang nung nakilala kita. "
Ika-labingwalo ng Setyembre,inanunsyo na sa t.v na magiging maulan sa buong isang linggo.
Lumabas ako ng bahay para pumunta ng convenience store.
Nang makarating ako sa convenience store ay dumaretso agad ako sa pagkuha ng ice cream.
Pumunta na akong counter para magbayad. Nang palabas na ako ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Buti may dala akong payong.
"Nalulungkot siguro siya"
Lumabas na ako ng store at naglakad pauwi.
Nasa tapat na ako ng park at tumigil sandali para pagmasdan ang mga batang masayang naliligo sa ulan.
Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng parke nang biglang may nakapukaw ng paningin ko.
Isang lalaki..nakaupo sa damuhan habang ang ulo ay nakapatong sa magkabilang tuhod,hindi alintana ang ulan na bumubuhos.
Hindi ko alam kung anong meron at nilapitan ko ang lalaking iyon.
Tumabi ako sa pagkakaupo ng lalaki sa damuhan.
Tumingla siya at biglang tingin sakin. Siguro naramdaman niya ang presensya ko.
Nagtama ang mga mata natin at sa di malamang dahilan. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng mukha mo.
Magagandang mata..... Pero lumuluha.
Mapupulang labi... Na sobrang daming gustong sabihin pero hindi maibuka.
Matatangos na ilong na masarap sigurong pisilin.
Tinanong mo ako kung bakit ako tumabi sayo. Sinagot kita ng "Gusto lang kitang samahan"
Nabigla ka, kasi sino ba naman ang tanga na tatabihan ang hindi naman niya kilalang tao?
Tinanong kita kung bakit ka umiiyak. Sumagot ka "ayoko ng ulan" .
Natawa ako kasi salungat tayo.
Tinanong kita kung bakit at ang tanging sagot mo lang ay "Umuulan ng panahon na iyon ng iwan ako ng taong mahal ko. Kaya ayoko ng ulan" at nagsimula ka ulit na umiyak.
"Wag ka ng umiyak. Simula ngayon parati na kitang sasamahan dito. Hindi ako aalis hanggat hindi ka ok"
Simula ng araw na iyon ay palagi na tayong nagkikita sa mismong lugar na iyon.
Rain or shine.
At sa bawat araw na dumadaan alam ko sa sarili kong nahuhulog na ako sayo.
Isang araw, sabi mo sakin ay magkita tayo dahil may sasabihin ka.
Pumunta ako sa dating tagpuan. Andun ka,iniintay ako.Napangiti ako .
Siguro sasabihin din niyang mahal niya din ako.
Tumayo ka sa pagkakaupo nang makita mong papalapit ako. Sinalubong mo ako ng napakagandang ngiti.
"May sasabihin ako" sabay nating saad.
Pinauna kita dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko.
"Bumalik na siya,kami na ulit" sabi mo.
Hindi ako umimik hanggang sa nagpaalan ka ng aalis ka na.
Iniwan mo ako. Nag iisan. Nasasaktan.
Kasabay ng paghakbang mo palayo ay ang pagbuhos ng ulan at pagpatak ng luha ko.
"Dahil sayo ay mas nagustuhan ko ang ulan pero hindi ko alam na dahil rin sayo ay aayawan ko ito "
----- wakas-----
A.N : Sana nagustuhan nyo. Lablab. <3 God bless.
Facebook: Liecy Arabit
Twitter: Letty_Perez28
Wattpad : Leting_Cuting
