Chapter 9: Unexpected Encounter

Magsimula sa umpisa
                                    

My mom is one of the reasons why I am enrolled to this Academy. So I gotta do things right for her, ayokong maging malaking disappointment. If she want this for me, I gotta make this for me.


"I'm glad that you're doing great at nababawasan na ang pagrereklamo mo." Banggit niya. "I love you sweetie. Don't forget to let loose yourself and have fun."


"May kailangan ka sa'kin noh." Deretso kong sabi. Kapag nag i-i love you si mama minsan may kailangan siyang ipagawa sa'kin eh kaya nasanay na lang ako.


"Oo 'nak, bumili ka nga ng toyo at suka kela Aling Bireng." Utos ni mama. Diba sabi sa inyo.


Inabutan ako ni mama ng singkwenta tas akin na daw sukli. Sobrang init sa labas grabe, kaya naisipan kong bumili na rin ng halo halo para presko.


Pagbili ko ng toyo at suka dumeretso ako sa kabilang kanto. Doon nagbebenta ng mga samu't saring mirenda, fishball, kwekkwek, fries o halo halo.


"Isa nga pong halo halo." Sabay abot ko ng barya.


"Teka neng..." Banggit ni kuya habang nag s-struggle magpasirit ng ketchup sa bote. Sa sobrang diin ng pagpisil nuya sa bote tumalsik sa akin yung ketchup. "Sorry Neng! Nakatutok pala sayo yung sauce. Pasensya na.."


"Okay lang! Nakalibre na ng sauce."

Halo Halo with ketchup ano?


"May tissue po ba kayo?" Tanong ko.


"Heto meron.. Libre nalang sayo."

Aba'y kung may bayad pa baka masapok ko siya!


Pagkatapos kong makabili ng halo halo lumakad na ko paalis. Baka hindi na kami makapag adobo kung wala pa rin yung toyo at suka hanggang ngayon eh.


"Ahhh... Ang sarap..." Banggit ko habang nasubo na ng halo halo. Pagdating ko sa kanto bigla na lang may humarang na aso. Isang barakong aso.


"ARF! ARF! ARF!" Tahol sa akin.


Sht*t, ako ba tinatahulan ne'to?

Lumingon lingon ako sa paligid at napansin ko wala namang kahit ano. Sh*t, nakatakas na naman aso ng kapitbahay namin. Ano ba naman 'yan!


Nag-growl yung aso. At parang bet niya ata yung amoy ng ketchup sa damit ko. "Shoo! Shoo!" Tinry ko siyang paalisin.


Lalong nagalit yung aso. Kitang kita ko yung ngipin niya na parang naggagaliti sa akin.


"Nice dogiee.. nice teeth... stay there..." Nanginginig kong sabi habang naglalakad pa atras.


"ARF! ARF! ARF!" Humakbang ito papalapit.


"STAY THERE!" Sabay atras ko kaso humahakbang lang siya papalapit.


"ARF ARF ARF!"


Okay this is not a joke. Kailangan ko na atang tumakbo.


"Look dogie, may pusa!" Sabay turo ko sa likod niya. Uto uto din yung aso lumingon din siya sa likod. Kaya tumakbo na ko sa pagkakataon na 'yun.


"AAAAAAAAAH!!" Napasigaw na lang ako sa pagtakbo.



"ARF! ARF! ARF!" Sinundan ako ng barakong aso. Mukang galit na galit siya kasi nauto ko siya.


What the f*ck, anong gagawin ko? Ba't kasi ako dumaan dito, dito nakatira yung mga nakakatakot na aso eh. I like dogs, pero ayoko ng ganito katatapang.


Majica AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon