"N-O-W."


...


"H-hello?" Sinagot ko ang tawag ni Green.


"Baby? What hapenned? Bakit nanginginig ang boses mo?"


Pinunasan ko ang aking mga luha. Nanginginig ako sa takot. "P-Pwede bang umuwi na ako?"


Narinig ko ang pagtagis ng kanyang mga ngipin. "See? That's what I told you. Sinabi ko na sa'yo na hindi ka makakatagal dyan, pero nagpumilit ka pa rin. Sana sinabi mo na sa akin in the first place para ako na lang ang–"


"I'm sorry."


Bumuga siya ng hangin. "Ano ba talagang nangyari?"


"N-natatakot na ako dito."


"Ano naman ang ikinatatakot mo riyan?"


"I-iyong ika-anim na kwarto niyo."


Napahalakhak siya. "Come on. It's just their pet."


Napakuyom ako ng kamao. "P-pero bakit–"


"You know what, just tell me kung hindi mo kayang alagaan ang Lolo ko. Hindi iyong nagdadahilan ka ng kung anu-ano." Tumaas ang kanyang boses.


"H-hindi sa ganoon. Natatakot lang talaga ako sa mga nangyayari dito sa bahay niyo."


"Please, baby." Lumambing ulit siya. "Could you do this for me, please?"


"P-pero..."


"You should stay there, okay? My grandparents need you. Please, baby. For just a couple of weeks, please? Do me this favor."


Pinigil ko ang aking pag-iyak. "O-okay..."


"Okay?"


"Okay."


"Good girl. I love you."


Pinatay ko na ang linya. Kunwari na lang ay nawalan na naman ng signal. Pero ang totoo ay masama na ang aking loob.


Para saan pa kung magpapaalam ako sa kanya? Balewala rin naman dahil hindi naman siya papayag. Lalo na't ako lang talaga ang inaasahan niya sa ngayon. Wala naman siyang ibang mauutusan na hahalili sa pag-aalaga ng grandparents niya.


Hindi na ako nakipagtalo. I know him. Kapag sinabi niya, hindi na mababago. Kapag sumulong ako ay bawal na akong umatras. Siya ang masusunod dahil siya ang nagdedesisyon.


Saka anong karapatan kung humindi sa kanya? Hindi ko lang siya basta BF, siya rin ang nagsusustento sa pag-aaral ko. Kung hindi sahil sa kanya, baka maski upa sa boarding house na tinutuluyan ko ay hindi ako makabayad ng renta.


Marami na akong utang na loob sa kanya... kahit mag-trabaho ako ng higit sa bente-kuwatro oras ay hindi pa rin ako makakabayad sa kanya.


Nagsisisi na tuloy ako at kinakausap ko pa ang Klay na iyon. Dahil tuloy sa kanya at sa ipinakita niya sa aking drawing niya ay natatakot na ako.


Bumuga ako ng hangin at pilit pinatapang ang aking sarili. 


...


HINDI ako natulog ng isang gabi. Hinintay kong magliwanag ang paligid. Mayamaya lang ay kumakatok na si Lola Soler sa aking pintuan. Agad ko siyang pinagbuksan. 


"G-good morning po, 'La..."


"Pakainin mo na ang asawa ako." May dala siyang tray.


"O-opo."


Tinalikuran na niya ako at dumeretso siya sa kwarto ni Klay.


Bumaba na ako at tinungo ang kitchen. Naghanda ako ng pagkain upang dalhin kay Lolo Saul. Bitbit ang tray ay kumatok ako sa kwarto ng matandang lalaki. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang nanalalaki niyang mga mata.


Napalunok ako.


Nakatitig lang siya sa akin tulad noong una. Ang ilalim ng kanyang mga mata ay kulubot at namumula.


"L-Lolo, kain na po..." Inilapag ko sa harapan niya ang tray.


Kinuha niya ang gatas na tinimpla ko at isinalin sa isang baso. Ang tinapay na pinalamanan ko ay inilipat niya sa ibang pinggan. Pagkatapos ay inulit niya ang kanyang ginawa. Paulit-ulit niya itong ginawa habang nakatitig sa akin.


Hindi ko alam kung kakatagpuin ko pa ang mga mata niya. May ginagawa siya subalit nakatitig sa akin ang malilikot niyang mga mata.


"Lolo, a-ano pong problema?" nauutal kong tanong.


Saka lang siya huminto sa paulit-ulit niyang ginagawa.


"A-ano po bang nangyayari? B-bakit po kayo nakatitig sa'kin?" Naglakas loob akong nagtanong.


Ilang sandali pa'y dahan-dahan siyang ngumiti. Ang kanyang mga mata ay namimilog habang nakabaling sa akin.


Napaatras ako. Unti-unti ay nakikita ko ang nabubulok niyang mga ngipin. Marahang naghihiwalay ang malapot niyang mga laway sa loob ng kanyang bibig. Panandalian pa'y lumawak pa ang kanyang pagngiti. Sandali pa'y nabanat ang nagbibitak-bitak niyang mga labi.


Saka ko nakita na hindi lang basta nabubulok ang kanyang mga ngipin, bagkus ay nangingitim!


"Ember..." bulong niya sa boses na tila napakalalim.


"P-po?" Napaatras pa ko. "B-bakit po?"


Nanlisik ang kanyang mga mata. "Papatayin kita..."  

JF

Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon