Mitchy's POV
Ako nga pala si Mitch. Si Mitch na walang kamalay malay. 😂 Si Mitch na Tanga kung minsan. Si Mitch na sobrang ganda (Charaught lang po😂)
Isa po akong writer. Content writer, blogger, film maker, screenplay writer, photographer, at instant singer din po sa banyo namin 😂
So eto na magkwe kwento na ko.
Paano ba ang magmahal? Tanong na hindi ko masagot sagot dati. Palagi bang nasasaktan? Tila may bumabagabag sa aking isipan sa twing naiisip ko ang katagang "pag ibig" Mga tanong na naghahanap ng kasagutan.
Oo noon yun. Dahil ngayon unti unti ko ng naiintindihan kung bakit tila marami ang nangungulila at patuloy na naghahanap sa sinasabi nilang tapat na pag ibig.
Paano ko nga ba sisimulan?
Simulan natin sa mga panahon na ramdam ko ang pait na nananalantay sa dugo at buong pagkatao ko. (charaught)
Yung mga panahon na hindi ko pa mahanap hanap yung kapares ng tsinelas ko. (Katangahan lang din siguro)
Yung mga sandali na takot akong buksan ang pinto dahil alam kong aalis din kung sino man ang darating.
Ayokong maiwan. Ayokong masaktan. Ayokong umiyak.
Kaya ayokong magmahal.
Hindi man ako yung tipo ng tao na nasubukan ng pumasok sa mundo ng tinatawag kong "Katangahan" noon. Ako naman yung tao na punong puno ng kaalaman pagdating sa mapait na dulot ng pag ibig.
Sino ba naman ang hindi matatakot kung nakikita ko mismo yung bawat sakit at pait na nararamdaman ng mga tao sa paligid ko sa twing pumapasok sila sa pintong yun.
Yung pintong tinuturing kong sumpa noon. Ni hindi ko magawang hawakan o buksan man lang eto kasi puno ng takot yung puso ko. Pero puno din ito ng mga tanong na ako lang mismo ang makakasagot kapag sinubukan ko ng pumasok sa pintong yun.
Pero paano?
Minsan ko na rin sinubukan, pero mas nangingibabaw talaga yung takot na nararamdaman ko at yung mga responsibilidad ko pa bilang isang anak.
Marami na ring sumubok na suyuin ako pero hindi ko magawang sumagot ng "oo"
Bakit?
Una. Takot ako.
Takot na masaktan. Pero gusto kong subukan.
Pangalawa. Gusto kong unahin muna yung mga responsibilidad ko bilang isang anak sa aking mga magulang.
At Pangatlo. Hinihintay ko yung tamang panahon. Pero kelan nga ba?
Oo. Masaya naman ako. Kasi nandyan yung pamilya ko pati mga kaibiga ko na bumubuo ng araw ko.
Yung tipo na kahit wala kang "boyfriend" may nagmamahal pa rin sayo. At yun yung pagmamahal na masaya na ko.
Pero bakit ganun, may parte parin sa kin na gustong subukan na pumasok sa nakakatakot na pintong iyon.
Anim na taon sa elementarya. Apat na taon sa sekondarya. At Apat na taon sa kolehiyo. Pero wala eh. Sumubok pero di natutuloy.
Hanggang sa nakapagtapos. Nagka trabaho. Mas gumanda. (charaught talaga) Pero wala pa din.
At sa hinabahaba ng panahon bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na sumubok. Ganun din yung nakakawindang na pagkakataon ang binigay sa kin ni Daddy God.
Isipin mo. Bakit sya? (Ampanget nya kaya. Hahahaha joke!) Apat na taon kaming magka klase pero hanggang dun lang yun.
Ang pangalan nya napaka weird pa Cladgedon Argawanon. 😂
Pero sa totoo lang, minsan ko na din syang naging "crush" First year college palang kami nun. Sa unang tingin mapapawow ka na talaga sa mala jejemon nyang porma. Partida naka jacket at naka sombrero pa yan. Di mo talaga aakalain na umagang umaga. Akala ko nga simbang gabi pa eh.
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Love: CLAMICH LOVE STORY
RomanceThis serves as a diary of my love story. How a Nbsb finally found love with the most unexpected person
