O.O

Hindi kaya yung mga nambully dun sa tinulungan ko? Pero... Paano?

"Dalian mo Baby. Kanina pa sila naghihintay sayo sa baba"

"Sige Mom"

Inayos ko ang kama ko. Nagtooth brush at mabilis na naligo. Tinignan ko pa ang hitsura ko sa salamin bago bumaba

Hindi ko pa din maisip kung sino ang pweng bumisita sakin ng ganito kaaga at kung kilala ko siya. Bat hindi man lang nagtext? Nako wag naman sana gulo to. Ayoko ng gulo.

"Sasabihin ba natin sa kaniya?"

Dinig ko na ang boses kahit nasa hagdan pa lamang ako. Alam ko ang boses na yun! Kaya automatic na napatigil ako sa paglalakad at biglang umupo sa hagdan. Kasalukuyang hinihintay ko pa ang sagot pero wala akong narinig na sagot kaya sinilip ko at nakita kong tumango lamang ito.

"Wag nalang kaya? Kasi baka hindi naman siya matuwa"

"It's up to you"

"E bat ba ganyan ang sagot mo? Inaantok ka ba? Para kang wala sa wisyo!"

Sumandal lamang ito at pumikit. Nakapandekwatro pa! Aba matibay! Hindi na siya kumibo kaya naman nagsalita muli ang kasama niya

"Hoy ano ba! Matutulog ka? At talagang dito mo pa pinili?"

"Hayaan mo na siya AC. Tutal dito din naman nakatira yang babaeng yan. Hindi siguro nakatulog ng ayos. Si Ace kasi ang kasama" tatawa tawa pang sabi nito

"E pano ba naman kasi Emi. Siya 'tong may sabi na ganun yung gawin ko tapos tutulugan lang ako?"

"Hayaan mo nalang"

"Jeeemmm namaaannnnn" sabay uga sa kanya ng bahagya

"Mmmmm. Wag ka magulo"

Naguluhan man ako ay natawa pa din sa ginawa ng kapatid ko. Hindi nila kaya ang isang 'yan panigurado. Wala ng mas makakatalo sa isang Jem. Tumayo na ako at gulat namang tumingin sakin si Emi

"Ayan na pala e" sabi pa nito

"Goodmorning" bati ni AC

"Hmm. Goodmorning. Sabi ni Mommy may bisita ako. Kayo lang pala. Bakit hindi nalang kayo dumiretso sa kwarto ko?"

"Wala yun. Yan nga palang kapatid mo. Knockout!" natatawa pang sambit nito

"Anong nangyari sa kanya?" sabay tabi ko kay Jem

"Masyadong napagod ata kagabi. Kinulit ng kinulit ni Ace e. Ayaw paawat kaya ganyan ang nangyari"

"Nako pagsabihan nyo si Ace baka masobrahan 'to. Lagot ako kay Daddy"

"Narinig mo AC? Pagsabihan mo yang kapatid mo ha? Wag masyado kulitin si Jem baka masobrahan. Pareho pa namang makulit yun"

"Oh yeah"

Napatingin naman ako kay Jem na parang nakatulog na nga. Napangiti nalang ako sa hitsura niya. Muka siyang tomboy na tambay na nakatulog sa sofa. Paano kaya kung si AC 'to? Haynako Lucky. You're inlove

"Bat nga pala kayo nandito? Anong meron?"napatingin naman sila sakin pareho

"Ito kasing si AC nagenroll na sa school. Magkakaklase na tayoooooooooo! Whooooooo!" sigaw pa nito

Napatingin naman ako kay AC pero hindi siya makatingin sakin. Anyare sa kanya? Nahihiya siguro sakin 'to. Hahaha!

Ac's Pov

Nakakahiyaaaaaaaaa! Naalala ko yung nangyari e! Yung simpleng dinner date kagabi! Simple pa lanf yun pero sobrang laki ng epekto sakin! Paano pa kaya kapag bonggang date na yun di'ba? Hindi pa din kasi talaga ako makapaniwalaaaaaa! Yung smile nya kasi kagabiiiii jusskooooooo loooorrddd. Nakahimatay! Makalaglag panty! Juskkooo hindi ko kayaaaaa! Tapos ang pogi pogi niya ngayon. Feeling ko kaya siya nagpopogi ay para sakin. Assuming na kung assuming pero yun ang nararamdaman ko! Hahaha! Nababaliw na koooooo! Napatingin naman ako kay Jem. Hay nakoooo ang babaeng 'to lang ang kilala kong may sakit sa puso pero daig pa ako sa sobrang hyper. Dalawang Ace ang katumbas! Nakakatawa lang ang hitsura niya! Muka siyang tambay!

"Nakakatawa si Jem" tatawa tawa pang sabi ni Emi saka kumuha ng cellphone at pinicturan ito habang tulog na nakacross pa ang kamay at nakapandekwatro "Hahaha! Yari ka sakin ngayon! May pang blackmail nakoooooo!" natatawa na namang sabi ni Emi

Maya maya pa ay ginising ito ni Lucky at pinapunta sa kwarto. Padabog namang tumayo si Jem at kakamot kamot pa sa ulong umakyat sa hagdan. Tawa na naman ng tawa si Eming tinitignan ang pagdadabog na yun ni Jem. Naalala ko si Lucky, ganun na ganun siya noon noong nasa Canada pa kami. Noong pinalipat siya ni Tita Ange sa kwarto dahil nakatulog kami sa sofa. Magkapatid nga sila. Napangiti naman ako sa isiping iyon.

"Lucky"

"O? "

"May sasabihin pa kasi si Ac"

Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Emi. Jusmeee. Hanuyoooonn? Bat biglang may ganun? Wala naman na kong sasabihin pa ah? Letse ka Emiiiii. Pinapahamak mo koooo. Napatakip nalang ako ng mukha kasi feeling ko namumula na ko sa kahihiyan. Kung alam ko lang. Jusko. Kung alam ko lang talaga.

Tumingin naman si Lucky sakin after sabihin yun ni Emi. Napatingin naman ako kay Emi na sa tingin ko ay tumatawa na sa kanyang isip. Napakunot noo akong nakatingin sa kanya. Nakatingin sa mga mata niya na nagtatanong kung ano iyong gusto niyang palabasin. Para tuloy gusto kong lumubog na dito sa kinauupuan kong sofa.

Hay nakooo...

"AC?" tawag sakin ni Lucky saka ako napatingin sa kanya

"Ahh. Ano kasi... Yung ano"

"Ha? Anong yung ano?"

"Sige labas na muna ako. Magusap lang kayo dyan"

Napatingin naman ako sa kanya nung sinabi niya yun. Emiiii. Wag mo kong iwaann ditoooo pleeaaassseee. Juskooo maryosef!













A/N:
Stay tune for the next more chapters!

Godbless us
Stay supporting Acnatics and Reyondnatics
Ms.Jems

Forever Love(Lucky Aces)Where stories live. Discover now