Chapter 38

110 12 3
                                    

Andree's Pov

Bakit ganon? Ang liwa-liwanag pero wala akong makita? Nasan ba ako? Pero... Bakit parang ang daming tao sa paligid ko? Pero hindi ko sila makita. Akala ko ba nasa pool ako at..... T-teka patay na ba ako?

"Oy lucky"

Teka sino yun? Lumingon lingon ako sa paligid at nagbakasakali na makita ko kung sino yung tumawag pero medyo blurred yung figure niya e.

"Ah. Ikaw lang pala"

Teka tama ba yung nakikita ko? Hinalikan ni Lucky sa pisngi yung babae at hinawakan ang kamay? At naglakad sila paalis.

Baka si Jem lang yun. Pero bakit Lucky ang tawag niya instead of Baby? Teka Sino ba talaga yun? Ang gulo ha?

Biglang napalitan ang paligid. Isang field. Nakita ko si Lucky sa di kalayuan na nakaupo sa ilalim ng puno. May dalang bulaklak at mga tsokolate. Parang may hinihintay siya.

Nang biglang may dumating na isang babae na naman. May kasama ang babae. Umalis na yung kasama ng babae. Lumapit ako sa kanila. Pero bakit parang hindi ako nakikita ni Lucky?

Tatawagin ko sana si Lucky ng tatayo na siya pero hindi ko pa rin nagawa kasi gusto ko makita ang mukha ng babae. Nang akalang sa direksyon ko sila pupunta ay nabigo ako dahil sa kabila sila nagpunta.

Magkahawak kamay at nakangiti. Sino ba talaga ang babaeng yun? Pero bakit parang ayaw naman umayon sakin ang tadhana at hindi ko makita kita ang mukha ng babaeng iyon.
Saan kaya sila pupunta?

Sundan mo kaya...

Oo nga no,kung sinusundan ko kaya kesa tumunganga lang ako dito. Bright Idea mah brain!

Sinundan ko sila pero ng malapit nako sa kanila biglang naglaho ang lahat. Nawala ang tao sa paligid. Pati ang mga puno sa paligid. Natira nalang ang anino kong tila may kumukuha. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mapunta naman ako sa isang sementeryo. Nakita ko si Lucky at ang isa pang babae na may mahabang buhok. Umiiyak sila na parang namatayan. Pero totoo ba itong nakikita ko? Lahat ng kaibigan at mga malalapit sa buhay ko nandito. Even my barkadas in Canada. Anong nangyari bakit sila umiiyak? Lalo akong nagtaka ng parang libing iyon. Nakita ko ang pari sa may unahan pero... Sino ang namatay? Lumapit ako sa kanila. Pero huli na ang lahat nagbago na naman ang paligid. Parang may kung sinong tumatawag sakin. Yung tawag na parang umiiyak? Nasasaktan at nagdadalamhati? Bakit ganon? Ano na ba talagang nangyayari? Puro pangalan ang nasa isipan ko. Pangalan ng taong mahal ko.

Halos parang paulit-ulit ko lang nakikita iyon na tila pinapanuod ko pero ewan ko ba kasi parang ang tagal ko nang nakahiga pero pakiramdam ko pagod na pagod na ko.

Jem's Pov

Hay nako. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Simula nung overnight swimming lalong nagbago ang lahat. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nagsisisi ako. Nagsisisi na sana hindi ko nalang siya inaya. Nagsisisi na sana hindi niya nalang ako nakilala. Dahil ako, ako ang malas sa buhay niya. Sa akin napunta yung atensyon na dapat ay sa kanya ibinibigay ni Lucky. Ako ang dahilan kung bakit nangyari yun kay Ac. Sana pala ako nalang yung lumayo sa kanya para hindi siya mapahamak. Na naging sanhi para mawala siya sa tabi namin.

"Jem ready ka na ba? Hindi na daw makakasama si mama sa Sementeryo " si Lucky lang pala

"Oo" sabay punas sa luhang pumatak sa mga mata ko. Bumaba na ako at sumakay ng kotse. Papunta kami sa sementeryo. Dadalawin namin siya.

"Jem tama na hindi ikaw ang may kasalanan okay?"nakita niya na naman ako umiyak

"Pero kasi hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko"

"Ano ka ba? Ikaw nalang ang hindi pa nakakamove on sating lahat si Mama ayos na, Si tita okay na din. Ikaw nalang talaga. Napakaiyakin mo pa."

"Sorry talaga ha? Hindi naman ako iyakin e. Sadyang napamahal na din talaga siya sakin."

Halos araw araw akong umiiyak. Na sana hindi na lang siya namatay. Napamahal na siya samin. Lalong lalo na samin ni Lucky. Bestfriend namin siya. Pero wala kaming nagawa ng mamatay siya. Sorry lang ako ng sorry ng mamatay siya. Nakita kong galit saakin noon si Lucky pero napatawad niya pa rin ako. Kasi nga daw kapatid niya pa rin ako. Buti pa siya napatawad ako. Samantalang yung sarili ko hinding-hindi ko mapapatawad.

Pagkadating namin nagtirik kami ng Kandila at pinagdasal namin siya. Pagkatapos nun umuwi na din kami 2 araw palang siyang namatay pero ewan ko parang nga akong baliw e. Bahala na nga. Sana pati si Ac nakamove on na din. Sorry Ac. Sorry talaga.
















A/N:
Ang lalim ko na magtagalog! Wahaha! Ang saya mga beshies! Char! Enjoy ba ang story? Well sana!

Ano kayang nangyari? Bakita ganoon ang mga nakikita ni Ac? Sino ang namatay? Bakit iba iba ang nakikita ni Ac? Isang panaginip lang ba iyun o hindi? Abangan ang kasagutan sa susunod na kabanata!

Godbless us!
Stay tune for the next chapters!
Stay supporting Lucky and Ac

Vote. Comment your reaction.

Ms.Jems

Forever Love(Lucky Aces)Where stories live. Discover now