Chapter 3

382 13 2
                                    

Nagmamadadaling lumabas ng gate si Devon ng apartment. Hindi niya agad natapos ang nire-revise na mga write-ups kagabi dahil sa maingay na kwentuhan ni Ann at ni James sa labas ng bahay. Madaling-araw na siya nakatulog at tanghali na siya nagising.

Late na naman ako, bulong ni Devon sa sarili. Nagmamadali siyang sumakay ng traysikel na magdadala sa kanya sa jeepney stop. Humahangos siyang dumating sa opisina at sinalubong naman siya ng isang nakatawang co-researcher at malapit na kaibigan na si Fretzie.

“Wow, you’re almost late,” nakangiting bati ni Fretzie. “Nakipagdate ka kagabi,” pang-aasar ng kaibigan.

Salubong ang kilay ni Devon, “Hindi noh, asa ka pa. Yung kapitbahay namin. Nasa bahay na naman namin kagabi. Kwentuhan na naman sila ni Ann. Naglamay ako para tapusin yung mga writeups.”

“Yan ba yung nakaaway mo dahil sa aso,” tanong ni Fretzie. “Di ba crush mo yun?” 

Halos maputol ang leeg ni Devon sa pag-iling.

“Hindi! Crush yun ni Ann.” Kagabi nga, matapos umuwi si James, ang mga pagkakilig naman ni Ann ang kailangang pakinggan ni Devon. “Ann was really gushing about the guy, last night.”

Napailing si Fretzie. “Naalala ko tuloy si Carson. Di ba you like the guy din? Pero he ended up meeting and courting Ann. Akala ko ikaw yung liligawan kasi he kept on asking for your number. Yun pala gusto lang nila magpa-introduce kay Ann.” 

Napatungo na lang si Devon. “Nasanay na ako Fretzie, when guys try to be close to me, it’s because they like to be with Ann.”

                                                                                        ******

Nagmamadaling umalis si James na apartment. Sheet, I’m late, bulong niya sa sarili. Gabi na siya nakauwi sa bahay. Tinext kasi siya ni Ann requesting to borrow a movie na nabanggit niyang isa sa mga favourite ni James nung dinner. Ang balak lang niya ay dadalhin ang DVD kay Ann, pero makulit ang dalaga and insisted that they talk for a while.

Gustong gusto na niyang umuwi kasi maaga siya dapat sa university, pero nahihiya naman siyang i-cut abruptly si Ann. Ilang beses niya ding nakita ang nanlilisik na mata ni Devon, ng ilang beses itong nagrequest na hinaan ang kanilang kwentuhan at ganoon din ang malakas na radyo ni Ann.

Isang assistant athletic director si James for a private university. Isa siya sa mga pinakabatang naging assistant athletic director sa history ng university at super proud siya doon. Isa siyang tri-athelete sa Australia at ilang beses na din nakapag-compete and even garnered a place sa Ironman Triathlon. Dati na rin siyang nag-handle ng sports program sa isang prestihiyosong university sa Australia. Kaya noong nabalitaan niya sa isang kaibigan na may isang college na naghahanap ng assistant athletic director sa PIlipinas, kaagad siyang nag-apply. Gusto din naman kasi niyang makilala ang kanyang Filipino roots.

Kakababa pa lamang niya ng kotse ng mag-ring ang kanyang cellphone. Nakita niya ang isang familiar international number at kaagad niya itong sinagot. “Hey,” sagot niya.

“Hey, I’m coming home next week. My new job is finalized,” wika ng lalaki sa kabilang linya. “Make sure that you have your spare room, ready.”

“Damn, where would I put all my boxes,” nagbibirong sagot ni James.

 “Better start cleaning. I’ll be home by Tuesday.”

Ibinigay ng kausap ang flight details kay James at kaagad ding nagpaalam. Natuwa si James. Isang Fil-American friend na nakilala niya sa university sa Australia at nagdecide na ding umuwi at magtrabaho si Pilipinas. It’s gonna be fun, wika ni James. Besides it’s a good excuse not to hang around with Ann and that crazy, Devon.

                                                                                          *****

Malakas ang ulan at gusto na ni Devon umuwi. Pero dahil sa sobrang pagmamadali kanina, naiwanan niya ang payong sa bahay. Nakakainis ka talaga Devon, ang bulong niya sa sarili. Bakit ba palagi kang wala sa sarili. Ayaw niyang sumugod sa malakas na ulan dahil mababasa ang dala niyang mga papel at laptop, stranded siya sa isang waiting shed sa labasUniversity. Traffic din naman kaya maghihintay na lang ako, wika ni Devon.

Pero ang hindi niya alam, kanina pa siya nakita ni James. Sa tapat ng waiting shed, napatigil ng traffic ang kotse ni James. Nakita niya si Devon na nakatayo sa gilid ng waiting shed at basang-basa ang buhok. Should I call her, isip ni James. Kaya lang iniisip niyang baka angilan na naman si Devon. She’s crazy, natatawang isip ni James. Pero hindi din niya alam kung bakit ibinababa pa rin niya ang kanyang passenger window at sumigaw.

 “Devon,” tawag ni James. Nagulat si Devon at hinanap ang sumisigaw. “Devon,” sigaw ni James. Gumagalaw na ang traffic at nakita na rin siya ng crazy woman. “I’ll take you home.”

Nanglalaki ang mata ni Devon atsaka sumigaw. “Hindi ako sumasabay sa strangers. Uwi na ako mag-isa.”

 Kumunot ang noo ni James. “Traffic is moving, are you coming or what?”

 Natigilan si Devon, seryoso ba talaga siya? Nagulat si Devon sa isang malakas ng kulog at kidlat. Nagmamadali siyang sumakay sa kotse ni James. Ilang minuto na rin ang nakalipas pero walang nagsasalita sa kanila.

Tinitingnan ni James ang katabing dalaga, nagulat din siya ng sumakay ito. She’s really crazy, bulong ni James sa sarili. Palihim namang tinitingnan ni Devon ang binata, ang gwapo talaga niya. Kaya lang gwapong masungit.

 Hindi na nakatiis si James. “Can we declare a truce?”

 “Huh,” nagtatakang tanong ni Devon.

“Let’s not fight. I don’t want to fight you, really,” seryosong wika ni James.

Hindi mapigilan ni Devon ang tumawa. Nagtataka namang tumingin si James kay Devon. Hindi niya mapigilang ngumiti sa nakakahawang tawa ni Devon. Hindi na rin napigilan ang sarili at malakas na nahampas ni Devon si James sa balikat.

 “Ouch, that hurts,” gulat na sigaw ni James. “What the heck is that?”

Nagpipigil sa pagtawa na sumagot si Devon. “Sorry, I hit people whenever I'm happy or may something funny. Kasi noong sinabi mo kanina, para kasing totoong gyera. Sige, let’s start na lang ulit. Ako si Devon,” nakangiting kumay si Devon kay James. 

Napatingin si James sa matamis na ngiti ni Devon. She’s really pretty. “I’m James and you’re still crazy.”

Lalong natawa si Devon at humalakhak na naman siya ng malakas. Hindi na napigilan ni James ang sarili at sumabay na rin siya sa pagtawa.    

Us? It's UndeniableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon