Si Yesha, bumalik.

Bestfriend niya si Jazz.

What the? Lalong gumulo at alam kong gugulo pa.

"Si Yesha ba talaga un?" - Liam

"Malamang." - Gelo

"Akalain mong magbestfriend sila ni Jazz. Ang liit nga naman ng mundo." - Ako

"Sinabi mo pa." - Liam

Lahat kami wala pa masyado sa sarili. Nagulat talaga kami eh. Sabi niya kasi di na siya babalik pa. Tapos kanina, nagpanggap siya na parang di niya kami kilala. Bakit? Ayaw niya ba ipaalam kay Jazzmine ung noon? Bakit nga ba hindi alam ni Fatty un kung talagang magbestfriend sila? Hay. Sakit sa ulo. Mga babae talaga.

Gelo's POV

Si Yesha bumalik?

Bakit?

Bakit siya bumalik?

Umalis ako ng bahay. Hahanapin ko sana siya kaso bigla kong naalala ...

*Flashback*

"Siguro, dapat na tayo maghiwalay. Ang layo na natin sa isa't-isa. Mahirap masyado ung ganitong set-up."

"Ha? Bakit?"

"Basta. Mahirap."

Hindi ko na siya pinilit pa. Ayoko ng papayag siyang hindi makipagbreak sakin dahil lang sa gusto o pinilit ko siya. Gusto ko pag kami pa rin, dahil gusto rin niya.

"Oo sige."

"Wag mo na nga pala ako kulitin o suyuin ulet. Wag na rin muna tayo mag-usap para mas maging mabilis ang paglimot." Paalis na sana ako pero nagsalita siya. "Sina Harry, ung apat na lalake, pwede mo pa rin sila gamitin para makausap ako." Un ung huling mga salita na narinig ko sa kanya bago ako tuluyang naglakad papalayo.

*Flashback Ends*

Hindi ko na siya dapat kulitin pa. Kung gusto ko siya makuha ulit, itutuloy ko ung usapan namin nina Liam.

Tama. Itutuloy ko.

*Flashback*

First day of school ngayon. Nasa canteen kami. Pinapaalis ko ung babae sa harapan ko na talagang binabagalan kumaen. Nung umalis na siya ...

"Bwiset na babae." Sabi ko sa kanila.

"Oo nga. Apektado ka ah. Haha." - Andy

Tapos nagtinginan sila. Ngumiti. Ano kayang iniisip ng mga hayop kong kaibigan?

"Anong ngiti yan?" Pinagbabatukan ko sila.

"Gusto mo, makuha ulit si Yesha?" - Drew

"Ha? O-oo naman." Nautal-utal ako.

"Tutulungan ka namin. Alam mo namang kami lang ang way mo para makausap si Yesh diba?" - Harry

"Paano?"

"Ung matabang un, paamuhin mo." - Liam

"Ha?"

"Just like the old times. Dapat mainlove siya sayo. Pag nagawa mo, babalik sayo si Yesha." - Andy

*Flashback Ends*

Kahit walang assurance un, pumayag ako. It's the only way. Atleast, magkakachance akong makuha siya ulit. Kaya itutuloy ko to. Si Jazzmine na muna ang aatupagin ko at iiwasan ko na muna siya. I'll pretend na hindi ko siya kilala since un naman ang gusto niya. Di ko na siya pipilitin.

You Made Me Believe (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon