Happy Ending (One Shot)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo nga. Siguro iniisip na naman niya si Nathan Lance Mariano, yung bida sa favorite nyang story sa wattpad." ani Keli. Bff ko din. Mapayat, may bangs, maputi, mataba pisngi at pinagpala din. Dahil may GWAPONG boyfriend na president ng club ng Taekwando. 

Naiingit ako sa kanila. Hashtag, inggitera101.

"Ako na naman pinag-usapan ng dalawa. Edi kayo na ang taken!" amp kasi. Tinawanan lang nila ko.

"Alam mo Jeni. Dont lose hope. Someday you'll find the perfect guy for you. Malay mo nandyan lang siya sa tabi tabi. Malay mo nagkausap na pala kayo, hindi mo lang alam na siya na pala." ani Angge.

Nagthumbs up lang sa kanya si Keli. "Tama si Angge, Jeni. Just wait for the guy who will love you like the way you do. Someday, happy ending will come into your life."

"Nosebleed." humawak ako sa ilong ko. Pinangangaralan na naman ako. "Sorry girls. Ayoko ng perfect guy. Gusto ko right guy.  Ayoko ding mahalin niya ko katulad ng pagmamahal ko. Gusto ko mahalin niya ko HIGIT pa sa pagmamahal ko. AT ayoko ng Someday. Gusto ko Tuesday."

Sumeryoso ang mukha nilang dalawa. "Tara uwi."

"Oo nga. Iwan na yan."

Ano na naman bang sinabi kong mali?

***

Habang inaantay ko si Angge sa park. Nakasalubong ko si Mj. Kaya sinamahan na niya kong mag-antay dito.

"Jeni anong tawag sa'kin ng nanay ko nung bata pa ako?" tanong niya.

Kumunot nalang ang kilay ko. "Ewan ko. Manghuhula ba ko?"

"Tsk.Wala na. Dapat ano lang sagot mo 'e!"

"Ano?" dami pang arte. Gwapo gwapo eh. Matangkad, tan skin, matangos ilong, may mapupulang labi, nangungusap na mga mata. Plus pa, dahil mabait.

"Hulaan mo." aniya.

"Bwiset ka?" mabait siya pero tinatarantado ko. Mabait din kasi ako. "Totoy no?!"

"Mali."

"Leche. Bahala ka sa buhay mo. Maghanap ka ng kausap mo." ngumisi ako pagtalikod ko sa kanya. Hina-highblood ako nito. Kiss kita dyan eh!

Tagal naman ni Angge. Tagal nila ng baby niya ah!

"Edi... MJ. Yun yung pangalan ko diba.Hindi naman yun magbabago kahit bata pa ako 'no."

"K. Ang korni mong tao." kanino ba to nagmana? Malamang, hindi sakin! Haha.

Bestfriend ko din si Mj. Nag-iisang kaibigang lalaki na sobrang close ko. Kaso shet. Friendzone ako! Kaya lagi kong sinusungitan eh. Pano, baka mahalata nyang may gusto ako sa kanya. Bestfriend na, naging bato pa? 

"Sungit mo. Kaya walang nanliligaw sayo 'e." aray ha. Hard nun. Ipamuka pang walang nanliligaw. Bagal mo kasing kumilos.

Hihi. Hashtag, asumming101.

"Oo na, sige lang. Ipamuka mo lang." alam niya kasing nbsb ako. Maganda naman kasi ako, mabait din naman ako. Hindi naman ako pandak, at slim din naman ang katawan ko. Kahit may onting belly. Keri naman na. Kaso wala talagang nanliligaw sakin. Nung highschool meron, kaso simula ng mag-18 na ko, wala na. Nung highschool kasi ako bawal ako magboyfriend. Pano kaya kung maay sinagot ako sa nanligaw sakin noon. Siguro hindi na ako nbsb ngayon.

Happy Ending (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon