Ang Pasko ni Lino by: JL DARK

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wala po akong gana, Nay." wika ni Isay.

"Kailangan mong kumain para lumakas ka at para makainom ka na rin ng gamot."

"Pagpasensyahan nyo na po ako inay kung pabigat ako,"

"Wag mong sabihin yan, Anak! Hindi ka pabigat sa amin."

"Giginhawa po ba ang buhay natin kung mamamatay ako?"

"Hindi, anak! Kailan man ay hindi! Ikaw lang ang yaman namin ng papa mo kaya huwag kang magsalita ng ganyan anak." maluha luha nitong sabi. "Kailangan mong kumain anak para gumaling ka at kapag magaling ka na ay samasama tayong mamamasyal sa bukid."

Napilitang kumain si Isay pero nakailang subo lamang ito. Hindi na sya nagawa pang pilitin ng kanyang ina na kumain pa.

Makalipas ng ilang sandali ay pinuntahan ni Lino ang kanyang kapatid.

"Kamusta na ang pakiramdam mo, Isay?" tanong ni Lino.

"Masama pa rin, Kuya. Nahihilo pa rin ako."

"Ah, Isay, May itatanong lang ako sa'yo, ano sa tingin mo ang gawa kong ito?" sabay pakita ng gawa nyang parol.

"Palaspas, Kuya, bakit?"

‎"Di bale na lang. Pagpasensyahan mo na sana ang kuya mo at wala akong magawa para tulungan ka sa sakit mo."

"Hindi kuya, kasalanan ko naman dahil mahina ang puso ko,"

"Hayaan mo, gagawa ako ng paraan para gumaling ka. Pangako yan."

"Salamat kuya pero wag na lang. Hindi na siguro ako gagaling pa sa sakit ko."

"Wag mong sabihin yan. Gagaling ka!" sabay yakap sa kapatid.

Napaiyak na lamang si Isay.

"I love you kuya! Mahal na mahal ko kayong lahat nina mama at papa." at pagkatapos ay hinimatay ito.

"Isay? Isaaay!!" sigaw nya. "NAY! TAY! Si Isay po!"

Dumating ang mga magulang nya.

Mabilis nilang isinugod sa pinakamalapit na ospital si Isay.

"Dok, ano na ho bang kalagayan ng anak ko?" mangiyak na sambit ni Aling Thelma.

"Tapatin ko na kayo, Misis, malubha na po ang sakit nya sa puso! Maaaring hindi na ho sya abutin pa ng pasko kung hindi sya maooperahan agad!" paliwanag ng doktor.

"Magkano naman po ang gastusan sa operasyon nya?" tanöng ni Mang Pedring.

"Hindi po biro ang gastos. Aabutin po ito ng kalahating milyon, hindi pa po kasama ang gastusin sa gamot na aabot naman sa 50 thousand! Kailangan na po syang maoperahan sa lalong madaling panahon malala na ang kumplikasyon nya sa puso."

"DIYOS KO PO," halos himatayin na si Aling Thelma dahil sa narinig, "Saan naman tayo kukuha ng ganung karaming pera?"

"Pasensya na dok pero kahit pa abutin ng habambuhay ang pagtatrabaho ko ay hindi ko pa rin makukuha ang ganung halaga na sinasabi nyo!" paliwanag ni Mang Pedring.

"Pasensya na po pero wala na ho kaming magagawa para dyan." ani ng doktor.

"Gagawa ako ng paraan!" ani Lino sabay alis.

"Sandali, anak! San ka pupunta?" pigil ng kanyang mga magulang.

Pero tila walang naririnig si Lino. Tuloy tuloy lamang ang kanyang pagtakbo. Parang walang direksyon ang kanyang tinatahak. Di nya alam na napunta na pala sya sa gitna na gubat.

Parang naliligaw na si Lino. Tila paikot-ikot lamang sya sa kanyang nilalakaran.

Sa kanyang paglalakad ay may nakita syang isang puting kalapati. Sumabit ang pakpak nito sa isang nakausling tangkay kaya naman hindi ito makalipad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Pasko ni Lino  by: JL DARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon