Nung medyo mag gagabi na din eh kumain na kami ng sabay sabay.

"Baby kamusta na pala yung pag s-spy mo sa school na yun?"

"Ah okay naman mommy usap usapan nga nila kung sino si MM eh"

"Really? So may kailangan pa ba kayo?"

"Ah ngayon mommy? wala naman pero I'll call you if we need something"

"Ah mommy pwede magtanong?"

"Sure baby"

"Ah bakit ba gustong gusto niyong tulungan yung school na yun? Eh meron din naman iba bakit yun  pa?"

"Ohhh that, sentimental kasi yung school na yun saamin ng daddy mo diba dad?"

"Yeah"

importante?

"Bakit?" tanong ko.

"Hahahahaha ewan ko kung bakit oh sinadya lang ng mga lolo at lola mo pero pinarusahan kami ng dad mo pero hindi kami magkakilala ang mga lolo at lola mo lang. Dahil ayaw namin magkasundo at lagi kaming nag-aaway eh pinapasok kami sa school na yun"

"Ha? bakit naman po? anong connect nun sa pagtulong niyo?"

"Sa school kasi na yun mahirap ang naranasan namin, mainit at kulang sa gamit pang-aral tapos maliit ang canteen at kung anu-ano pang problema. Naawa kami ng dad mo kaya promise namin na paglumaki na kami tutulungan namin ang school na yun kasi dahil dun naging close kami ng daddy mo at yun nagkatuluyan kami. Kung kami nga nahihirapan what more ang hikahos pa sa buhay diba?"

Yun pala yun?

"Eh bakit kailangan pati ako pumasok dun?"

"Why ayaw mo ba?"

"No hindi naman, actually i like it there ang sarap pala mommy no? yung mamumuhay ka ng normal yung feeling na wala kang aalalahaning kidnapper tapos walang press pag may problem sa business makakaalis ka ng malay tapos mommy walang halong kaplastikan ang kasiyahan mo kasi sa school ko dati nakakapagpasaya sa amin eh material samantalang sa school ko ngayon ang saya mommy ang dami kong nakikilala at the same time nakakatulong tayo pati na rin ang dami kong nararanasan na di nararanasan ng mga rich pati pagkain ng street foods"

"That's the point Zelle, kaya ka namin pinasok ng mommy mo sa school na yun para maranasan mo ang happiness na naranasan namin ng mommy mo sa pagpasok sa normal na buhay. Alam namin anak ang pagkakaiba ng buhay natin sa buhay nila kasi na experience na namin yun at gusto rin namin na maranasan mo"

Wow! talaga?! si mommy at daddy? pumasok sa school na yun dati? Dinga?! Waaaaaaaaaaah!!! pero totoo lahat ng sinabi ko iba ang saya sa school ko ngayon.

SECRET HEIRESSWhere stories live. Discover now