Chapter Twenty Eight

Start from the beginning
                                    

Potek. Walang magagawa dito. Matawagan na nga lang si Ivan -____-

Calling Ivan Delos Reyes…


[Oh pre’ bakit? Ang aga ah.]


“Pumunta ka dito sa bahay. NGAYON NA.”


[Si Ella?]


“Andun. Hinostage ni Ate. Wala akong makausap dito!! Kaya nga dalian mo na at pumunta ka na dito!!”


[Oo, sige mag-bibihis lang ako.]


Call ended.


30 minutes. Ganyan ako katagal maghihintay. Si Ivan pa! Ang tagal mag-bihis nun eh. Parang babae lang. Ang dami pa kasing nilalagay sa katawan.

***

“Asan naman sila?” Andito na si Ivan. Kadarating lang at mukha pa siyang basang-sisiw.

“Andun sa kwarto”

“Nako pare. Alam mo pabayaan mo na sila. Tsaka excited lang siya na maging sister-in-law si Ella”

“ANO?! Anong sister-in-law yang pinagsasabi mo ha?!”

“Baket wala kang balak pakasalan si Ella? Tingan mo, Gabriella Allison M. Martin”

“Ewan ko lang…”

“Wag mo sabihing nag-aalanganin ka sa kanya? Pare, kayo na nga eh. Wag mo na sayangin. Malapit na din kayo mag-one year. Baka naman dun mo pa balak mag-back out”

“DI KO NGA ALAM EH!”

“Anong hinde? Mahal mo naman siya diba? Kung mahal mo, dapat hindi ka nag-aalanganin sa kanya”

“I have a bad feeling. Tsaka may sinasabi din yung Caleb na yun eh”

“Yon?! Ano nanaman bang sinasabi ng mokong na yun ha?”

“Something related to Ella and Stefanie. HAY BASTA! Bahala na. Basta sa ngayon, eenjoyin namin ni Ella ang oras pag magkasama kami. Nothing more, nothing less. At tama ka. Mahal ko nga talaga siya. I can’t stand a minute without seeing her. Mas lalo naman kung mag-brebreak kami”

“Ang labo mo, alam mo yun?! Wag ka na kasi makielam kay Stefanie. MATAGAL NA KAYONG TAPOS. Kaya isa pang beses na banggitin mo sa akin na nag-aalanganin ka kay Ella susuntukin na talaga kita. Tandaan mo yan”

“Ako pa ngayon ang pinagbabantaan mo? Ilang beses na kaya kita nabugbog. Wala kang laban sa akin”

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Where stories live. Discover now