"Devey ang pangalan ng lalaking nag-offer sa amin ng trabaho. Mas maganda nga iyon para hindi kami mainip rito sa isla."

"Pero alam mo ba kung paano nagtatrabaho ang meyembro ng Sangre Organization?"

"May mga choices naman daw for operation."

"Yeah. But those choices was dangerous." Tumaas ang timbre ng boses nito.

"Pulis ako, sanay ako sa mapanganib na trabaho."

"So? Sa Sangre Organization, hindi lang basta kriminal ang tinutugis ninyo."

"Mabilis lang akong matuto ng mga bagay-bagay."

"Fine. Ano ba ang pakialam ko sa buhay mo?" pagkuwa'y sabi nito at bigla siyang iniwan.

Binalewala ni Farah ang pag-uusap nila ni Derek. Na-excite siya sa pagdating ng aircraft. Bumalik na siya sa compound.

"HINDI na talaga nadala si Daddy!" inis na sabi ni Derek habang patungo siya sa kalalapag na aircraft. Namataan niya si Devey na kabababa. Hinarang niya ito.

"Oh, Derek, nandito ka lang pala. Hindi kita nakita kahapon rito," gulat na bungad ni Devey.

"Kararating ko lang dito," seryosong sabi niya.

"So saan ka nanggaling?"

Hindi niya sinagot ang tanong nito. "Akala ko ba hindi na kukuha ang organisasyon ng mga tao para isama sa operasyon? Ano na naman ba ang nakain ni Daddy?" nanggagalaiting untag niya.

Bumuntong-hininga si Devey. "Ang mga tao ang nagpresenta na tumulong. Maraming hukbong sandatahan na gustong tumulong sa atin. At siyempre, hindi naman hahayaan ni Daddy na basta sila pababayaan na sumugod sa kaaway. Lumalaki na ang grupo ng black ribbon," paliwanag ni Devey.

"Walang laban ang mga tao sa kanila."

"May mga armas nang ginawa ang grupo para magamit ng mga tao. Huwag kang mag-alala, nakaplano ang lahat."

Naalala niya bigla si Farah, na nalaman niya'ng sasama sa operasyon ng sangre organization. "How about the girls? May babaeng kasama sa operasyon," aniya.

"That's not a problem. May magagaang trabaho para sa kanila. Isa pa, lahat na babaeng tinaggap namin ay mga active police at army. They are trained and physically fit."

"Paano ka nakakasiguro?"

Nginitian lang siya ni Devey. Pagkuwa'y iniwan na siya nito.

Hindi pa rin umuuwi si Derek sa bahay nila, at lalong hindi sa academy. Bumalik siya sa Lapu-lapu para maghanap ng mga survivor. Dumidilim na ang paligid. Anumang sandali ay maglalabasan na ang mga halimaw. Gusto niya ng mapagbalingan ng inis kaya tumambay siya sa tapat ng kapitulyo.

Mayamaya pa'y may iilang halimaw nang papalapit sa kanya. Dahil sa dugong tao na meron siya kaya siya naamoy ng mga halimaw. Gusto niyang paglaruan ang mga ito. Nang abot kamay na siya ng babaeng halimaw ay mabilis siyang nag-teleport sa likod nito. Ganoon din ang pihit nito paharap sa kanya. Nagpahabol siya rito, hanggang sa makarating sila sa rooftop ng kapitulyo.

Huminto siya sa gilid na walang harang. Hinarap niya ang halimaw. "Eat me, bitch!" utos niya sa halimaw.

Inihain niya ang kanyang kanang braso sa halimaw. Kaagad naman nito iyong sinakmal. Hindi siya nababahala dahil napatunayan na niya noon pa na kayang sunugin ng dugo niya ang kapwa niya bampira at ibang nilalang na apektado ng virus. At kayang tunawin ng dugo niya ang anumang virus na posibleng papasok sa katawan niya. Kaya siguro pinapabayaan siya ng daddy niya na lumayas dahil alam nitong hindi siya basta mapapahamak.

DayWalkers Series 5, Derek Rivas; The Devil Flirt (Complete)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum