"Don't you know? Ginawa na natin to, Sir. And actually, hindi ako ang gumalaw sayo. Ikaw. Ikaw ang gumalaw saakin kahit lasing ka." Hindi. Tulog lang ako. Hindi ko siya ginalaw. That bitch!

"Hindi. Sinungaling ka." Sabi ko at nagsimula na suotin ang damit ko.

"Bahala ka. Someday malalaman mo din na ikaw ang gumalaw at hindi ako." I don't care. Nung matapos ako magbihis ay lumabas na ako ng sasakyan at hinanap ang daan pauwi.

Pero paguwi ko, wala akong Lois na nadatnan. Binulabog ko ang buong bahay pero wala siya doon. Maghapon ko din siyang tinatawagan pero minsan ay cannot be reach ito at minsan ay ring lang ng ring.

***

Nakaraan ang dalawang araw at di pa din umuuwi si Lois. Napagpasyahan kong pumunta sa mall para bumili ng bagong guitar. Nalilibang na ulit ako dahil wala akong magawa sa bahay dahil di naman umuuwi si Lois at di ko siya ma contact.

Pagtapos ko bumili ng guitar ay agad naman akong nagutom kaya pumunta ako sa isang pinakasikat na restaurant at napagpasyahan na doon nalang ako kakain kahit magisa, mas tipid pa.

Pagpasok ko ay binati naman ako ng mga nagbabantay sa may door at inihatid na ako sa table.

I was about to raise my hand para magtawag ng waiter pero nakakita akong familiar na mukha.

It's Lois and...

Sandali ako nakaramdam ng inis pero napawi iyon agad. Palabas na siya ng resto, sinundan ko siya ng tingin haggang sa biglang dumating yung waiter.

"Good afternoon Sir. What's your order?" Masayang bati niya.

"Ay hindi. Busog pa pala ako. Sige next time nalang." Sabi ko at sinundan na si Lois na paalabas.

Sinundan ko si Lois hanggang kasama na niya si Keith, ang bestfriend niya. Nagmamadali silang naglalakad papunta sa parking lot swerte dahil katapat lang ang kotse namin.

Agad naman sila umalis at kung saan saan pa dumaan para lang makarating sa bahay ni keith. So dito pala siya nag s-stay. Laking gulat ko dahil kasama niya ang ex niya...

Si Kean... napayukom ako ng kamao. Humanda sila saakin mamayang gabi...

*END OF FLASHBACK*

Nabalik ako sa wisyo nung napansin kong yellow light na pala at nag bubusina na ang mga kotse sa likod ko. Too late, nagred na.

"Gago ka ba?!" Sigaw nung nasa likod kong kotse sabay busina ng malakas. Pero si Lois ay nakatingin pa din sa labas, hindi siya tumitingin saakin o sa direksyon ko lamang.

Hangga't sa makauwi kami ay hindi kumibo o magsalita lamang si Lois.

Pagdating namin ay agad siyang umakyat sa itaas. Nung pagpasok ko ng kwarto ay nakita kong nakatalikod siya sa pwesto ko.

Dahan-dahan akong humiga para hindi ma distorbo si Lois. Sandali itong kumilos at natulog na ulit, umurong siya palayo saakin...

LOIS' POV

Hindi ako makatulog ngayong gabi. Tinignan ko ang oras sa glow clock ko ng makita kong 2:45 na pala ng madaling araw. Simula pagakyat sa kwarto ay umiyak lang ako hanggang sa nakatulog ako sandali. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko.

***

Nagising na uli ako. Napatingin ulit ako sa orasan. 9:15 na pala ng umaga. Pumaling ako sa harap at wala na si Trevor sa tabi ko. Sandali akong napaisip..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Devirginizer's WifeWhere stories live. Discover now