Chapter 55: THE END.

1.1K 25 5
                                    

P.S: May Epilogue pa. Short Update lang to. :)

-

Bea’s POV: 

Nalibing na si Jake. Ang daming nakiramay. At hindi ko mapigilang umiyak ng umiyak.  At hanggang ngayon kusang tumutulo yung luha sa mga mata ko. Asa bahay kame nila mama, papa, barkada, si Angelie na kay Tito’t tita. Gusto daw nilang makasama saglit. Halata na nga sakin na pumayat ako in just 6day na nakaburol si Jake. May misa din kanina na inalay para sa kanya. Hindi parin mag sync in sa utak ko na wala na sya. Di ko maisip na hindi ko na sya makikita, Mayayakap, at makakasama.

“Bei, Juice oh.” Bigay sakin ni japs.

“Thankyouu..”

“Bea, Anak alam kong masakit, pero eto lang tatandaan mo. Maging matatag ka para sa anak mo. Andito lang lagi kame para sayo.” Sabi ni mama sakin. Alam ko naman yun eh.

Nag nod lang ako. Wala akong ibang masabi. Hindi ko alam kung kailangan ko bang mapag isa, Maghanap ng malalabasan. O okay lang at dapat bang nandito ako..

“Alden, Julie, Josh, Barbie, Lou, Joyce, Kris.. Gusto ko lang magpasalamat sainyo. Thankyou kasi hindi nyo sya iniwan. Hanggang dulo. Thankyou kasi hindi nyo ko hinayaan maging lalong mahina, Thankyou kasi pinaramdam nyong kahit wala na sya dpat pa rin akong mabuhay dapat parin akong lumaban..”

“Hindi ka rin namin iiwan Bea..” Sabi ni joyce na nagpupunas punas na ng luha.

“Alam mong andito kami lagi para sainyo hanggang dulo...” Si kris na halos mangiyak ngiyak na din..

“Kasama mo kami sa paglaban mo bea. Kasama mo kami sa lahat. Hinding hindi namin kayo iiwan ni Angelie.” Si lou na nakangiti pero puno ng lungkot ang mata.

“Oo nga..” Pag sang ayon naman ni josh.

“Simula noon hanggang ngayon tayo ng magkakasama sino sino pa bang magdadamayan diba?” Si julie. Na kanina pa din umiiyak.

“Masakit at mahirap man tanggapin na wala na sya satin, Hindi ibig sabihin nun wala ng barkada diba? Kasi kahit wala na sya lagi syang nasa puso natin kaya buo pa rin tayo.” Si alden na hindi na rin napigiling maiyak.

“Walang iwanan. Pangako” Si barbie kapatid kong umiiyak na din. Iyakin to eh :(

Jake. Sabi mo forever. Sabi mo di mo ko iiwan sabi mo di mo na ko ulit bibitawan, Sabi mo di mo nko ulit pababayaan sabi mo hanggang dulo magkasama tayo. Pero bakit ganun? Nag uumpisa pa lang ulit tayo iniwan mo na ko. Jake alam mo ba kung gano kasakit yung mawala ka? Alam mo ba kung gano kasakit ang mangulila? Jake alam mo ba kung gano kasakit maiwanan? ;(

Kung dati iniwan mo ko ng hindi ko alam ang rason, Ngayon iniwan mo ulit ako at sa pag iwan mong yun alam kong hindi ka na ulit babalik pa.  Pangako ko sayo magkakasama din tayo sa tamang panahon.

-

“Bea alam mong sobrang mahal kita hindi ko gustong iwan ka. Bea mahal na mahal kita kayo ni Angelie. Wag ka ng iiyak di ko na mapunasan yang luha mo. Wag ka ng malungkot lagi naman akong nakagabay sayo. Lagi akong nasa tabi mo. Pangako ko din sayo hanggang dulo kitang babantayan. Paalam mahal ko.”

“Jake. Wag mo na kong iwanan ulit. Mahal dito ka na lang sa tabi ko. ;( Jake jake jaaaake.”

“JAKE!!” Napahawak ako sa mukha ko. Panaginip lang pala nakatulog pala ko at this time nagpakita sya. .. sa panaginip. Naiiyak nanaman ako. Namimiss ko na sya. :(

Biglang may pumasok sa kwarto ko or should i say kwarto namin ni jake..

“Bea okay ka lang ba?”

“Okay lang ako joyce.”

“Nagpakita sya sa panaginip mo no?”

“Oo eh.. ;(“

“Pati kay kris eh.. Wag ka ng umiyak sabi nga ni Jake kay kris wag ka daw pabayaan. Ano sabi nya sayo?”

“Sabi nya mahal na mahal daw nya ko, Lagi lang daw syang nasa tabi ko hindi nya ko iiwan hanggang dulo..”

“Sabi ko naman sayo eh, Lagi lang syang nandito bei..”

“Sino nga palang nagdala sakin dito sa kwarto?”

“Habang nag uusap usap kasi tayo bigla kang nahimatay. Dinala ka namin dito sa kwarto nyo ni Jake. Sobrang pagod ka kasi kaya hinayaan ka na lang namin matulog muna..”

“Ahh.. Salamat ulit joyce.”

“Wala yun..”

Akala ko totoo na. Akala ko totoong bumalik na sya. Sana totoo na lang yun. Sana hindi nya na lang ako iniwan. Ang hirap kase. Hanggang ngayon. Fresh na fresh pa yung sakit. Hindi ko alam bakit nya ko iniwan agad. Para bang ,may side sa isip ko na gusto ko syang sundan. Pero mas nangingibabaw sakin yung kailangan ako ni Angelie. Kailangan nya ng nanay. Iniwan na nga sya ng tatay nya pati ba naman ako? Alam kong darating din yung time na magsasama kami ulit ni Jake. At kapag dumating yun wala na kaming sakit na mararamdaman wala ng hadlang wala ng iyak. Lahat masaya. Hihintayin ko yun.

-

After 5years.  . .

“Angelie, Dito ka lang wag kayong lalayo ni Jake!”

“Opo ma, Dito lang po kame. “

“Joyce, Akalain mo nga naman no? ‘til now tayo parin ang magkakasama.”

“Oo nga bes eh. Text mo na nga sila Josh. Sila bumili ng cake eh.”

“Malapit na daw sila.”

Birthday kasi ng Anak ni Joyce at Kris. Oo sinundan sa pangalan ni Jake. Kristoffer Jake Martin 3years old na. Pero hindi na pinalayaw sa kris. Mas gusto daw nila yung Jake. Una na touch ako. Kasi  hanggang ngayon buhay na buhay parin sa puso namin si Jake. I missed him so much. Walang araw ko syang di naiisip at walang gabi akong di umiiyak.

Miss na miss ko na sya. Oo tanggap ko na. Tanggap ko ng wala siya. Pero ano nga bang magagawa ko kung hanggang ngayon masakit parin? Hindi naman masama diba? I’ve tried. Na maging malakas ako. May pagbabago naging malakas naman ako. Pagkatapos niyang magpakita sakin sa panaginip hindi na nasundan yun. Sana.. Sana ako na lang :( Sana ako na lang yung nabaril dun. Sana hindi na lang siya. Hindi naman kasi niya kasalanan eh. At wala syang ginagawang masama. Ako yung pinaka involved. Pero bakit siya yung nawala? :(

Si Rick? Ayun naka kulong na. At sinisigurado kong hindi na makakalaya yun. Dun na yun mabubulok. Si angelie? 7years old na. Anlaki laki na nga niya eh. Minsan na rin niyang natanong kung bakit wala ang daddy nya.. Sinabi ko yung totoo. Pero hindi ko pinaliwanag kung bakit. Masyado pa syang bata di pa niya maiintindihan yung ganung bagay. Lagi naman naming pinupuntahan ang puntod ni Jake. Nagtatagal kami siguro di lalagpas ng 2oras. Alam nyo anong masakit? Feeling ko hindi na ko kumpleto, Hindi na kumpleto yung buhay ko. May kulang..

Kung baga sa kanta. "Incomplete" na ko. :( At hanggang ngayon brokenhearted parin ako. Siguro kung may isang bagay akong hihilingin? Yun yung sana mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kasi ‘til now ang bigat bigat parin sa pakiramdam. Alam ko matagal na sobra. Alam kong nasa tabi ko parin siya ramdam ko lalo na pag nag iisa ako. Ang lakas lakas ng hangin sa paligid ko. Hindi nya parin ako iniiwan hanggang ngayon.

-

Sabi sainyo short update lang eh. Haha may epilogue pa po dun ko na lang hahabaan. :) 

Sana.. Ako na lang. (JHABEA)Where stories live. Discover now