One

32K 688 62
                                    

"Kacey," Trent the-well-known-babaero-at-School Olivares says my name with the sexy smirk on his handsome face.

Isinandal niya ako sa pader 'tsaka niya hinawakan ang chin ko habang nakatitig siya sa labi ko na parang gusto niyang halikan ito.

"Go on a date with me!" Hindi ko alam kung nag re-request ba siya o inuutusan na niya ako. Pero kung ano man do'n kita sa mukha niya na kompyansa siyang sasangayon akong makipagdate sa kanya.

Well sorry na lang kasi hi-hindi ako!

Hinawi ko 'yong kamay niyang nakahawak sa chin ko. Inilagay ko ang pointing finger ko sa dibdib niya para pa atrasin siya dahil sobrang lapit niya. Kahit mabango siya na talaga namang dagdag pogi points naman talaga para sa'kin sa boys, ayaw ko pa din na sobrang close niya. Dahil una sa lahat hindi naman talaga kami close.

"Dude, kilala kang babaero dito sa School talaga bang umaasa kang papayag akong makipag date sa'yo?" I chuckled, sarcastically. "Nababaliw ka na ata!" I added.

"Why not? I'll change for you!"

Hinawakan ko siya sa collar niya at hinila siya papalapit sa'kin. "Lumang linya na 'yan, dude!"

Patulak ko siyang binitawan kaya na paatras siya ng isang hakbang kaya nagkaroon na 'ko ng pagkakataong mag lakad palayo sa kanya.

"Mapapapayag din kitang i-date ako Kacey Serrano!" I heard Trent shouted, confidently.

I just raised my hand and give him a middle finger bilang answer.

Yeah! I'm rude!

Ayoko kasi talaga ng kinukulit ako at makukulit na lalake tulad niya.

Habang nag lalakad ako sa nakita ko ang best friend kong si Maureen Matias. Tumakbo ako papalapit sa kanya at inakbayan siya na medyo ikinagulat niya.

"Aatakihin ako sa puso sa'yo!" She scolded me.

I laughed. "Sorry."

"Pauwi ka na?" She asked.

"Yup! Dapat kanina pa kaso kinulit na naman ako ni Trent."

"Trent the-well-known-babaero-at-school Olivares?"

"The one and only!"

"Tsk. Tsk. Lakas talaga ng tama sa'yo nun ah! Ba't 'di mo pagbigyan? Gwapo naman siya."

"Na-ah! Kung ma-i-in love ako, sisiguraduhin kong sa tamang tao at worth it na mahalin. Hindi 'yong sa simula palang alam ko nang sasaktan ako." Hindi din naman ako nagmamadaling mag boyfriend. 19 palang naman ako kaya no need to rush.

"Anyways, nakahanap ka na ng dorm na lilipatan mo?" She asked.

"Urgh! Pinaalala mo na naman." Kailangan na kailangan ko kasi talaga ngayon na makahanap ng dorm dahil ang Mama ko ay malapit nang mag abroad para mag trabaho dahil kami na lang dalawa ngayon kaya mag iibang bansa siya at maiiwan akong mag isa dito sa Pilipinas. Hindi naman pwedeng mag stay pa din ako sa Apartment na tinitirhan namin ni Mama dahil bukod sa masyadong 'yong malaki para sa'kin, masyado ring mahal 'yong renta 'tsaka 'di ko din keri na tumira mag isa sa Apartment kasi naman maliban sa  hindi ako sanay na wala siya, may Nyctopobia kasi ako. It's a fear of darkness kaya tuwing matutulog na sa gabi i preferred na may kasama sa kwarto and it's always my Mom. Kaya kapag umalis na siya hindi ko alam kung paano na makakatulog sa gabi.

Bata palang ako takot na 'ko sa madilim dahil sa panunuod ko lagi noon ng mga Horror movies. Feeling ko kapag madilim, may lalabas na kung anong supernatural sa paligid. Akala ko noon normal lang na matakot sa madilim kasi bata pa 'ko no'n pero hindi naman 'to nawala habang lumalake ako mas lumalala pa nga. Si Mama at Mau lang ang nakakaalam ng tungkol dito, nahihiya kasi akong malaman 'to ng iba dahil baka pagtawanan ako. Nineteen years old na 'ko pero takot pa din ako sa madilim.

That Boy Never Fails To Annoy MeWhere stories live. Discover now