✎ NAGHIHIRAP ANG PILIPINAS

101K 157 66
                                    

"Binoto namin kayo, wala naman kayong nagagawa!"

Naiinis ako sa tuwing nakakarinig ako sa balita ng mga punyemas na mga taong puro reklamo lang naman ang nasa kukuti. Hindi nagkaroon ng gobyerno para palamunin yang lahi mo o yang sandamakmak mong anak. Ang gobyerno ay nandyan para umalalay sa inyo, hindi lang sa pamilya niyo kundi sa iba pang Pilipino.

Ang kahirapan ay may maraming posibleng dahilan kung bakit ito ay nangyayari sa isang bansa. Ang abang Pilipinas ay may maraming taong mahihirap dahil sa problemang hinaharap nito. Sabi ng iba, "Wala nang pag-asang umunlad pa ang Pilipinas" subalit marami pa rin ang naniniwalang balang-araw ay maiiwasiwas din natin ang ating bandila kasabay ng pagbubukang-liwayway sa pag-unlad ng ating bansa.

Mga dahilan kung bakit naghihirap ang Pilipinas:

1. Over Population

2. Corruption

3. Maling naituro sa napiling relihiyon

4. Nakagawiang kultura

5. Mababang pasahod

6. Baon sa utang

7. Walang disiplina ang karamihan

8. Hindi maganda ang implementation ng batas

9. Walang initiative na umasenso yung iba

10. Maraming sakim at makasarili

Problema talaga ang over population, dahil dito marami ang hindi nabibigyan ng pagkakataong makatrabaho. Gayunman, karamihan din kasi ay walang ambisyon sa buhay, kuntento na sa kung ano ang meron sila. Dapat kasi gumawa tayo ng paraan para mabuhay, hindi yung isisisi na lang natin sa iba ang paghihirap natin. Ika nga, "Hindi mo kasalanang ipinanganak kang mahirap, pero kasalanan mong mamatay ng mahirap dahil hindi ka nagsumikap" sa hinaba-haba ng buhay mo, hindi mo man lang nagawang mag-iwan kahit kapiranggot na lupa sa paso para sa pamilya mo.

Nandyan din yung korupsyon, may mga nakaupo kasi sa gobyerno na inaabuso yung kapangyarihan nila, nagnanakaw sa kaban ng bayan. Hindi rin kasi natin maiwasang umasa minsan sa mga pangako nila, andun na tayo eh, may mga politikong garapalan kung mangurakot., meron din namang mga pasimple o patago. Yung pagtakbo nila sa eleksyon, pagnanakaw lang pala ang intensyon. Kaya tuloy ang mayayaman, lalong yumayaman, ang mahihirap, lalong naghihirap dahil sa ganitong klase ng nahirang na mga opisyales. Kasi ang motto nila, "BUY the people, POOR the people, OFF the people".

Maling relihiyon, maling pagtuturo sa miyembro. Hindi ayon sa Biblia, dagdag-bawas ang binabasa sa Biblia, imbento at kwento ang ipinapangaral, dinadaan sa maiinam na pagsasalita pero inililigaw na pala ang mga kasapi. Pinapangakuan, siksik, liglig at umaapaw pero yung pastor ang umaapaw ng kayamanan. Meron din kasing mga ganito, pasintabi na lang po.

Maraming dahilan kung bakit malala na ang kahirapan sa bansa na nagdudulot ng panganib sa buhay ng mamamayan, naghahadlang sa pag-unlad sa bansa, naglalaho sa tiwala ng taong bayan sa pinuno ng pamahalaan at nagbubunga ng hindi maayos na takbo sa burukrasya. Ngunit hindi natin kailangan magpaapekto sa mga bagay na yan, kasi meron tayong pangangailangan na dapat isaalang-alang.

Sa tingin ko ay dapat natin ayusin ang mga problemang nagpapahirap sa ating bansa. Kung ano man ang Pilipinas ngayon, yun ay dahil at dahil lang sa Pilipino din mismo. Kaya huwag magturuan ng daliri sa kaliwa o kanan at maghanapan ng masisisi. Lahat tayo ay may kinalaman din sa problemang ito.

Eh kahit sino pa yang ipalit mo sa pwesto ng pangulo natin, sisiraan at sisiraan pa rin yan. Dahil ang nakikita lang ng iba ay yung mali kaysa sa tama.

MGA DAHILAN KUNG BAKITWhere stories live. Discover now