I'm Married ♡: Chapter 62

Start from the beginning
                                    

“Tinuhog yata ng mag-bestfriend ang mag-kapatid!!! Urghhhh!!!”

 

“Don’t mind them.” Bulong ni Luke mula sa likuran ko. Medyo dinalian ko na rin ang paglalakad ko. Mas dumami pa ang nagusap-usapan. Waaaa. Kainis naman eh! Ang alam ko sa 20 pa ko magkakaron! Eh anong date ngayon?! 15 pa lang! Masyadong advance! Di ako prepared!

Ng makadating ako girls locker room, buti nalang at walang tao dahil halos lahat ay nasa klase na.

“I’ll wait for you outside.” Sabi naman ni Luke.

Kinuha ko na yung extra skirt ko at hygiene kit ko. Pumasok ako ng banyo na nagtataka. Si Luke ba ang kasama ko ngayon? O kakambal nya? Imposible. Wala namang kakambal si Luke eh. Pero, bakit ang bait na nya sa akin ngayong mga nakaraang araw? Hindi na nya ako ganun kung sigawan. Parang may nagbago.

“Ba’t wala akong napkin na dala?!! Ughhh.” Ganto ba kamala sang araw ko ngayon.

“Kyla, I bought you hmmm a napkin. Wait, did you have already?” Medyo mahiya-hiyang sabi ni Luke sa labas ng cr.

Oh god Luke. You’re my savior.

Agad kong binuksan ng kaunti yung pintuan ng banyo, “Here.” Sabi nya sa akin na binili ako ng isang pack ng modess. Shemayyy! Pakiramdam ko, kinikilig ako! *u* Kasi naman eh… Paano nya nalaman na wala akong dala. Ayieee. Kinikilig ako!!! ^o^

Ako? Kinikilig? Kay Luke? WHAT?!!! No!! NEVER!!

Pagkatapos ko namang magpalit ay agad na rin naman akong lumabas, “Thanks.” Sabi ko naman sa kanya.

Tumango lang sya, “Next time, bring extra napkin. Just to be sure.” Mahinang sabi naman nito habang naglalakad na kami pabalik sa klase ko. Sa totoo lang, maaga pa nga eh. At syempre, habang naglalakad kami, hindi pa din naiiwasan ang pag-usapan kung ano bang meron sa aming dalawa ni Luke.

“20 pa kasi ako dapat magkakaron. Ewan ko kung bakit napaaga ngayon. Saka, paano mo nalaman na wala akong dala?” Tanong ko sa kanya.

“Hindi ko talaga alam kung meron o wala kang dala. Naisipan ko lang na bumili just in case na wala ka.” Sabi naman nya. Dug dug.

Uwaaaa. Pakiramdam ko namumula ako!!! Teka.. May CARE sya sa akin?!! ^^ Ayyy. Ayokong mag-assume! Hmfff. Saka, bakit ko sinasabi kay Luke ang about dito?!! Ohmyyyyy. ><

Tiningnan ko yung orasan ko, “Oy! Late ka na!” Sabi ko sa kanya. Waa. Baka pag napagalitan sya, ako pa ang masisi. At pag bumalik na ang dating Luke, sisingilin nya ako. Pero sana wag ng bumalik ang dating Luke. Hihihi. :’3 Mas nakakainlove ang Luke na mabait! Hehe. Teka! Anong sinabi ko?!! Uwaaa!!! ERASE!! PERIOD!! SUSI!! PADLOCK!! TAPON SUSI SA DAGAT!! TABUNAN NA NG SEMENTO AT LUPA!! TAYUAN NG BAHAY!!!

“Okay lang yun.” Mahinahong sabi nya.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now