I'm Married ♡: Chapter 61

Start from the beginning
                                    

Alisa.. Sorry.

Pinilit ko ang sarili ko na makatulog pero hindi eh. Hindi ako makatulog. Kaya agad akong tumayo sa pinaghihigaan ko at naglakad papuntang kwarto ni Alisa. Hindi na ako kumatok at agad na lang na pumasok. Tulog na sya at yakap yakap ang isang unan. Umupo ako sa side ng kama nya at tinitigan lamang sya…

Tama ba talaga ng desisyon ko? Ang hilingin ang marriage na to?

*Flashback

“Arranged marriage?” Gulat na tanong sa akin ni Mama.

“Yes. I want arranged marriage.” Sagot ko.

“But.. Ang ibig sabihin lang ni Allie ay arranged relationship. Hindi marriage anak.” Sabi nito.

“Gagawan nyo naman po ng paraan di ba?” Sabi ko dito.

“Oo. Pero sigurado ka ba dyan anak? Baka pagsisihan mo.” Sabi nito.

“No Mom. Alam ko ang gagawin ko.” Sabi ko naman.

“Oh sige. Sasabihin ko kay Allie.” Sabi nito.

*End of flashback

Oo, ako mismo ang humiling sa arranged marriage na’to. Arranged relationship lang naman ang hinihiling sa akin ni Tita Allie. Pero dahil sa mga pictures nya na nakita ko, agad akong nahulog sa kanya. Kahit hindi ako sigurado sa magiging sagot nya, ginawa ko pa din. Wala namang mawawala kong itatry ko di ba? Ang sa akin lang.. Mahal ko na talaga sya. My love started in just pictures.

Hiniling ko di ba? Kaya dapat panindigan ko. Mahal ko si Alisa. Alam kong minamahal na nya din ako. Ayun lang naman ang gusto kong mangyari sa buong buhay ko eh. Ang mahanap ang babaeng mamahalin ko at mamahalin ako. Pero bakit ngayon.. Okay na hindi ako mahalin ng taong mahal ko basta’t makasama ko lang sya okay na sa kin yun. Pero, mas masaya kong mahal namin ang isa’t isa di ba?

Hinalikan ko ang noo nya, “Sorry. I love you.” Sabi ko sa kanya.

Kung pwede ka lang angkinin na habang buhay, nagawa ko na. Pero hindi pwede eh.

Alisa’s POV

~Howard university

Sabay kami ni Austin sa paglalakad papasok ng school. As as usual, pinagtitinginan na naman kami. Medyo ilang pa din ako sa kanya dahil sa nangyari kagabi. Sinabi nya rin sa akin na mamaya na ang start ng new filming ng new movie nya. Nabanggit na rin nya sa akin ang story na’to. Maganda yung story, pero parang madaming… kissing scenes. Hayyy. Wala eh. Artista.

“Austin!!” Napalingon kaming dalawa sa tumawag ng pangngalan nya. Natakbo ito papalapit sa amin.

“H-Hannah?” Mukhang gulat na tanong ni Austin dito, “What are you doing here?!”

“I’m new here.” Naka-ngiting sabi nito. Waaa. Ang ganda nya. Ang tangkad pa, mga 5’7 siguro. *u* May pagka-blonde din yung buhok nya. Yung balat nya.. Sobrang kinis at sobrang puti.

“Who is she?” Sabay turo nya sa akin.

Hinawakan naman ni Austin ang kamay ko, “She’s my girlfriend.”

GIRLFRIEND?! I’M NOT YOUR GIRLFRIEND!!! I’M YOUR WIFE!!! YOU JERK!! >///<

Gusto ko sanang sabihin kaya lang nahihiya ako saka madami ang nakatingin sa aming mga estudyante, “Ah! I see. Umm, sabay sabay na tayo pwede? I’m really lost.” Sabi pa nito.

“Bu------“

“Pleaseeee?” Nag-puppy eyes pa sya.

“Fine. Come on.” Sabi nito. Mas lalong humigpit ang pagkakakapit nya sa kamay ko. Ewan ko ba pero pakiramdam ko may something sa kanilang dalawa.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now