Laiza
"Huwag mong kalilimutan ang bilin ko, anak."
Ilang segundo akong natigilan habang isinasara ang zipper na bag na dadalhin ko. Nakatayo si Papa sa pintuan ng maliit naming bahay habang nakapamaywang. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala kahit pilit niyang itinatago iyon sa pamamagitan ng ngiti.
Ngumiti ako at lumapit para yakapin siya.
"Papa, kaya ko na po ang sarili ko. Isa pa twenty five na ako aa," natatawa kong sabi dahil matagal rin akong natengga mula ng gruamdaute ako.
"Hindi 'yon ang ipinag-aalala ko." Mahina niya akong tinapik sa ulo. "Unang beses mong maninirahan sa Maynila. Ibang-iba roon kaysa rito sa probinsiya."
Tumango ako dahil si papa sa Maynila siya nag-work noon. Lumaki ako sa isang tahimik na baryo. Pagkatapos mamatay si Mama noong sampung taong gulang pa lang ako, si Papa na ang tumayong nanay at tatay ko. Iniwan niya ang dati niyang trabaho at nagtayo ng maliit na farm. Hindi man kami yumaman, sapat ang kinikita ni papa para maitawid ang pag-aaral ko.
Ngayon, graduate na ako ng Business Administration panahon na para gamitin ko ang pinaghirapan ko lalo na ng papa ko.
"Ang mabuti pa maglibang ka maghanap ka ng liligawam mo, sayang naman pogi mo." Natatawa kong sabi at nagsalubong ang kilay niya.
"Loko ka talaga, hayaan mo gagawin ko yan." Natatawa rin siyang saad. "Pero ikaw huwag muna ha,"
"Pa? Twenty five na ako siguro naman jowa pwede?" Taas kilay kong litanya.
"Sige na pero huwag ka muna magbubuntis nako mahirap buhay."
Napangiti nalang ako sa sinbi ni papa dahil ayaw niya talagang mag-asaw ako agad dahil siya maaga siyang nag-asawa sa edad na bente. Mag-forty six na si papa pero ang ganda ng katawan niya alaga kasi sa exercise lalo nasa farm busy siya doon. Gwapo pa, kaya hinahayaan ko siya kung may landiin man siyang babae. Dahil lalaki pa rin si papa kailangan niya ng sex.
"Kapag nakarating ka sa Maynila..." seryoso niyang sabi habang inaabot ang isang maliit na papel. "Hanapin mo ang ninong mo."
Napakunot ang noo ko at natgilan dahil umalis siya kanina may sinulat pala siya.
"Ninong?" Tumango siya nagtataka naman ako dahil isa lang ang tanda ko na ninong at nasa malayong lugar na yon.
"Si Jax."
Napaisip ako. "Wala naman po akong maalalang Ninong Jax."
"Hindi mo na siya matatandaan. Bata ka pa noong huli kayong nagkita."
Tinanggap ko ang papel at binasa ang nakasulat doon Jax Alejandro Cuervo.
Kasunod noon ay address. "Nagkakausap pa ba kayo nito? Baka naman matagal na." Saad ko.
"Nagkausap kami noon, parang mag-dalawang tao na ata 'yun noong lumuwas ako ng Maynila dahil may binili ako at doon at aksidente na nagkita kami."
"Ha? Ee, ang tagal na no'n pa." Taas kilay kong sagot.
"Subukan mo lang diyan raw kasi siya nagta-trabaho mo malay mo makapasok ka doon."
"Ganun ba? Ee, subuka ko po." Mahinang sabi ko.
"Noong bago ako mag-asawa nakilala ko yan si Jax. Parang magkapatid kami ni Jax magturingan, mas matanda ako sa kanya ng anim na taon. Siya ang tumulong sa akin noong walang-wala ako lalo na noong nag-asawa na ako. Nang mabinyagan ka, siya ang ginawa kong ninong mo, dalawa nga lang sila yung isa nasa ibang bansa na."
"Pero bakit wala na kayong contact na dalawa?" Curious kong tanong.
"Busy siya sa buhay niya at isa pa ang alam ko may asawa na rin siya, lalo noong bumalik na ako rito sa probinsiya wala na yon nalang huli naming pagkikita."
"Kaya pala pero kilala ba niya ako?" Maya'y tanong ko.
"Oo pero baka ngayon hindi ka na niya makikala dalaga ka na at napakaganda pa.'
Napangiti ako bigla. "Binola mo na naman ako pa, sige na aalis na ako." Natatawa kami pareho.
"Mag-iingat ka doon at kung may kailangan ka sabihin mo lang sa akin."
"Opo." Sagot ko at ngumiti lang siya.
__
Pagbaba ko ng bus, para akong nalula sa dami ng sasakyan, matataas na gusali, at mga taong nagmamadaling maglakad. Napakalayo nito sa tahimik naming baryo.
Bitbit ang isang at backpack at isa pang maliit na bag na lamang ay mga personal kong mga gamit. Sumakay ako ng taxi papunta sa maliit na apartment na nahanap ko online. Isang studio type unit lang iyon sakto sa akin.
Pagdating ko sa lugar mukhang hindi naman ganun kadelikado ang lugar dahil may nakita akong malapit na barangay. May maliit rin na palingke at medyo malapad na kalsada, sumakay pa ako ng tricycle kanina bago makarating sa apartment.
Mailbili lang kaming nag-usap ng mayari pagkatapos ko magbigay ng down ay binigay na sa akin ang unit. Apat na unit ang katabi ko at nasa second floor ako banda dahil dalawang palapag ito. Mas gusto ko naman dito dahil may terrace na puwede ka tumambay.
Habang nagpapahinga ako nagpapahinnga ako ay search ko yung company na sinasabi ni papa at natigilan ako dahil sa pangalan ng Company. Cuervo Holdings Corporation. Same ng surname ng Ninong ko? O baka pareho lang o kaya naman kamag-anak niya?
Binalewala ko na yon at nag-sent ako ng resume ko. Naghanap pa ako sa iba kung sakaling wala doon sa kaibigan ng papa ko may choices ako.
Pero natigilan ako dahil may message akong natanggap sa Gmail ko at hindi ko inaasahan dahil reply yon mula sa Cuervo at pinapapunta ako bukas para sa interview.
Napangiti ako. "Please, Lord... sana matanggap ako."
___
Kinabukasan maaga akong nagising maingat kong sinuot ang puting long sleeves, itim na slacks, at pares na kulay itim na heels.
Inayos ko rin ang mahaba kong buhok sa isang simpleng ponytail. Ayokong magmukhang sobrang bongga, usto kong maging propesyonal lang simple pero may dating.
Habang nasa taxi, paulit-ulit kong nire-review ang mga posibleng itanong sa interview. Hindi ko namalayang nakarating na pala kami.
"Miss nandito na po tayo."
Napatingin ako sa paligid at natigilan ako ng makita ko ang mataas na building at nakasula sa taas ang pangalan. Grabe ang taas.
Pagtapos ko magbyad ay manghang-mangha ako at iniisip ko kung ilang floors 'yun dahil sobrang taas. Hindi ko akalaing ganito kalaki ang kompanyang inaplayan ko.
Huminga ako nang malalim bago tuluyang naglakad palapit doon sa building. Sa pagpasok ko sa loob mas lalo akong namangha. Marble ang sahig may malalaking chandelier, halos lahat ng empleyado ay nakasuot ng mamahaling suit.
Hindi ko mapigilang na hindi mapangiti at lumapit ako sa reception para magtanong.
"Good morning." Bati ko at ngumiti ang receptionist.
"Good morning. May appointment po kayo?"
"Yes po for an interview." Magalang kong sagot ko,
"Name please?"
"Laiza Salvador."
Nag-type siya sa computer.
"You're on the list. Please proceed to the 18th floor."
Nagpasalamat ako dahil medyo kinabahan ako, habang naghihintay ng elevator, hindi ko maiwasang mapatingin sa papel na ibinigay ni pareho ang apelyido. Ano kaya ang posisyon ng Ninong Jax ko dito?
Napailing ako. "Siguro coincidence lang pero saka na ako magtatanong kapag natapos na akong ma-interview." Mahina kong kausap sa sarili ko.
Hindi naman siguro ganoon kayaman ang ninong ko, baka empleyado lang siya rito o kaya baka supervisor. Hindi ko alam...
Bumukas na ang elevator at napahugot ako ng malalim na buntong hininga bago pumasok sa loob at pinindot ko ang 18th floor.
BINABASA MO ANG
Ninong Jax Ko
RomanceHindi inaasahan ni Laiza na ang ninong na sinasabi ng papa niya na si Jax Alejandro Cuervo ay isa palang CEO kung saan siya mag-aapply. Sa unang kita palang ni Laiza sa ninong niya ay nakaramdam agad siya ng pagbillis nang tibok ng puso niya. Hang...
