New Life

33 5 3
                                    

Owryt! First day of school na naman.
Im so excited. Yeah im happy pero may lungkot pa rin akong dinadala.
Dahil dun sa Accident na nangyari sa akin nun 2 years ago. And my mom told me that i had a Amnesia so i didnt remember anything. Basta sinabi lang sa akin ng aking mom lahat ng mga nangyari sa akin.

By the way, papasok na ako sa room namin at lagi nalang may tumatawag sa akin diko man kilala. Iba na ata talaga kapag maganda haha.
Tawag dito, tawag doon tsk.

Hanggang sa dumating na ang aming prof and then sinabing magpapakilala kami isa isa. Hanggang sa matapos na kami at may biglang pumasok sa pinto at ang nandito ay isang lalaking Matangkad,Singkit ang mga mata,Maputi, at Matangos ang ilong nito.

"Goodmorning mam im sorry im late." Sabi niya sabay yuko.

"Thats okay. Basta wag mo ng uulitin ito, so take your seat." Sabi ng prof namin. At tumango lang ito at pumunta sa tabi ko.

At nagpakilala din siya sa aming lahat at nakilala ko na siya Marky Gonzales ang kanyang pangalan niya. At ng malaman ng mga kaklase namin yung pangalan niya agad naman silang nag sigawan at nagtilian lalong lalo na yung mga babae. Ewan ko nga kung bakit basta ang naririnig ko lang sa ngayon ay Sikat daw siyang Model siguro idol nila or ano.

Hanggang sa matapos na ang aming mga klase at dumiretso ako sa canteen syempre umorder ako ng napaka raming foods haha.

Habang kumakain may isang lalaking lumapit sa akin at sinabing...

"Hi, would you mind if i join you?" Tanong niya. So pumayag din naman ako at pinaupo siya.
Gwapo rin naman siya tapos maputi,matangkad,may salamin sa mata, at matangos din.

"Whats your name?" Tanong niya sa akin.

"Im Kylie Salvador, you?"

"Ethan Marcos, alam mo ang ganda mo pala." Wow! May mapuri pa siya haha.

"Thank you, bago ka lang ba dito?" Sabay ngiti.

"Actually Yes im new here." Sagot niya at ngumiti mas gwuma gwapo siya kapag ngumingiti.

"Ohh" yan nalang nasabi ko. Walang masabi eh haha.

"So can i be your friend?" Tanong niya. Papayag ba ako o hindi.

"Mukang mabait ka naman so pwede hahaha" sabi ko.

"Alam mo nakaka tawa ka haha." Huh? Ako nakakatawa ano naman kaya yun haha.
Hanggang sa nagkwentuhan na kami ng nagkwentuhan at komportable naman ako sa kaniya ng maramdaman kong may parang nakatingin sa akin mula sa likod ko at pagkatingin ko nakita ko ulit si Marky yung new classmate namin at ang sama ng tingin niya kay Ethan ewan ko kung bakit. Pero ang assuming ko akala ko sa akin siya nakatingin haha.

Pagkatapos naming kumain syempre pumunta na kami sa sarili naming ng klase hanggang sa matapos rin ang mga ito.

Umuwi na ako sa bahay hanggang sa makatulog ako ng may mapanaginipan akong lalaking kasama ko pero diko siya kilala blurd kasi.

Nasa mall kami ang saya saya namin pero diko naman siya kilala sino ba siya?
Hanggang sa lumabas na kami sa mall at umalis siya pagkatapos sinundan ko siya hanggang sa makita kong may kasama siyang babae at umiyak na ako sa mga pangyayaring iyon.

Habang nasa panaginip ako bigla nalang akong nagising sa ingay sa baba.

Tumayo ako at ng pagkita ko nag aaway sila mom and dad edi nakatayo lang ako dun pero di nila ako napapansin.

"Mae maghiwalay na tayo." Sabi ni dad. Pero bakit si dad makikipag hiwalay kay mom.

"Ano?! Kung makikipaghiwalay ka paano nalang si Ky! Ano ba!" Sabi naman ni mom. Pero bakit ba sila maghihiwalay nalilito ako.

"Eh paano naman yung iba kong pamilya mga bata pa lang sila eh yang si ky malaki na yan kaya na niya sarili niya!" Ano ibang pamilya? Bakit wala akong ka alam alam diyan.
Bigla na lang tumulo mga luha ko at nagsalita.

"Dad ano pong ibig niyong sabihin?" At napatingin silang dalawa sa akin na parang di maka paniwala na nandito ako.

"Anak..." diko na siya pinatapos dahil nagsalit na ako.

"Bakit po kayo makikipag hiwalay kay mom? Bakit niyo po kami iiwan? Bakit di niyo po sinabi na may iba kayung pamilya?" Umiiyak kong sabi.

"Anak let me explain."

"Pero dad bakit niyo po mas pinipili sila kaysa sa amin? Dad kung sila nga ang pinilipili niyo makaka alis na kayo." Sabi ko.

"Anak..."

"Ank ba dad! Umalis na kayo di namin kayo kailangan!" Sigaw ko. Pagkatapos tumakbo ako papasok ng aking kwarto, sinara ang pinto pagkatapos umiyak na ako ng umiyak sa aking kama.

Bakit ba ang daming kamalasan ang nagyayari sa amin?
Daming problemang dumadating sa amin.
.
.
.
.
Mag iisang oras na din akong umiiyak at diko na namalayan na nakatulog na pala ako ng dahil sa sobrang pagod ko ngayong araw.

~~~~~~

To be continued.

He's Always Here(ON-GOING)Where stories live. Discover now