Chapter One

15 0 0
                                        


"Magnanakaw!" sigaw ng isang lalake ang nakuhanan ng pera "Magnanakaw, tulong!"

"Tol dalian mo!" sigaw ng isa sa mga magnanakaw ang tumatakbong mabilis papunta sa kanilang getaway jeep.

"Ang bagal mo," sigaw ng isa, na pinaka-leader nila na nasa loob na ng jeep.

"Oo na!" hingal na sinabi ng nahuli habang papasok sa loob ng jeep.

"Okay na, alis na tayo!!" sigay ng leader nang makita niya na nasa loob na ng jeep silang tatlo.

Umarangkada ang isang jeepney sa kahabaan ng EDSA lulan sa loob ay tatlong dorobo na pilit na tumatakas sa batas.

"Tol, bilisan mo, mahuhuli tayo nito!" sigaw ng isang naka-bonet na lalaki na may hawak na isang maitim na supot na galing sa nabiktimang babae.

"Oo na!" Sigaw ng driver habang minamaneho ang jeep.

"Mahuhuli tayo nilo!" giit ng isa pa nilang kasamahan na panay ang tanaw sa bukana ng jeep, pilit na minamasid ang bumubuntot na patrolya.

"W'lang hiya! Malapit na sila" Sigaw ng ikatlong kasama na may hawak na revolver. "Kung masasakote tayo nito, papuputukan ko sila!"

Sabay tingin sa baril kung may bala pang natitira. "Tol, may bala pa ako, kaya ko silang sipatin dito, ano tirahin ko na'to!"

"Gago, halos isang isang daan lang nakuha natin sa nagfi-fishball!... Gas pa nito kulang pa!" sigaw uli ng driver na atat nang makalayo sa pagtutugis ng batas.

"Tol, wala ito, mahuhuli tayo!" Sigaw ng leader na nakaupo sa passenger seat ng jeep.

."Tukmol, nasa EDSA tayo mga ungas, ang trapik! kanina pa tayo dito," sabay may dumaan sa harap ng jeep nila na nagbebenta ng trapo. "trapo, trapo, bili na, bili na."

Sumigaw isa pang kasama nila na nalabas ang ulo sa binta sa tabi ng jeep, "Tol yung mga pulis!!!"

"Malapit na ba sila?" sabi ng leader,

"Yung pulis, lang hiya! nagmiryenda muna!"

Ha ha ha...ha ha ha...

Tawanan ang mga manonood sa sine,

"Anong palabas ba ito?" sabi ng isang manonood, si Mervin, isang tubong Maynila at sikat sa pagiging pessimitic o killjoy.

"ha ha ha" sagot ng kaniyang kaibigan, si Tony na kaklase nya mula pa ng sila'y highschool. "ha ha ha" ulit ang patuloy na lumabas sa bibig ni Tony kahit nakaharap na siya sa kanyang kaibigan.

Hindi ulit umimik si Mervs, kita niya ang hitsura ng kanyang kaibigan na nalunos na ng kabaliwan ang kanyang kawawang utak. "...kasaklap naman..." bulong niya sa kanyang sarili. Sabay pihit muli nang ulo at itinuloy na panonood.

"hindi naman nakakatawa ito eh," sa pagpapatuloy ng paglalait ng Mervs, ang kanyang saloobin ay nagaaklas sa pasakit na dinadanas sa pelikulang ito.

"Bakit pa ako pumayag sumama dito,"

Sabay na tumawa ang lahat ng manonood, pati si Tony dahil sa isa pang nakakatawang eksena. Tila'y pinagtatawanan nila ang pagiging pesimistiko ni Mervin. Kamot sa ulo at malalalim na hikab ang ganti niya sa mga mapangalipustang mga halakhak.

"ha ha ha" isang makabuluhang pananalita muli ang sinambit ni Tony, at isang blankong tingin ang isinalubong ni Mervs sa kanya.

"Hindi na ako sasama sa iyo," sumpa ni Mervin sa kanyang sarili habang napiit sa kanyang upuan at tinitiis ang pasakit na dulot ng sinehan sa kanya.

Hindi nagtagal, umangat na ang credits ng pelikula, "Hay sa wakas!" napalakas na sambit ni Mervin, habang inuunat ng mga nadikit na mga kasukasuan sa tagal ng pagkakaupo.

"ayos yung pelikula, ang dami kong tawa." Sagot ni Tony,

Tumingin lang sa kanya si Mervin na animo'y tinutunghan ang isang mababang uri na nilalang at naunang umalis sa kanyang upuan.

"Hoy, teka lang..." sunod na tumayo si Tony, habol ang nagmamadali niyang kaibigan.

Kumakalanting na yabag ng balat na sapatos ni Mervin ang iniiwang bakas ng kanyang pagalis sa sine Gloria. Kiskis naman ng gomang "sneakers" ni Tony ang gumagasgas sa tainga ng mga kasabay na lumalabas sa lugar na iyon.

Nakasilid sa kanyang bulsa ang dalawang kamay at lumalakad na parang walang kasama ni Mervin papalabas sa sinehan. "...nasayang lang ang oras ko dito," singaw ng kumukulong inis sa kanyang kalooban. "Ang dami ko pa namang gagawin..."

"Hey!" sigaw ni Tony nang makahabol din sa kanya, "nagmamadali ka ata?"

Hindi umimik si Mervin at patuloy na naglalakad papalabas ng lobby ng sinehan.

"Ano ba nangyari?" seryosong sinabi ni Tony at tumigil sa paglakad.

Lumingon si Mervin, "Bakit mo pa kasi sinayang oras ko?"

"Ano bang problema? Gusto ko lang naman ilibre kita eh!" bulalas ni Tony,

"Ano!?" di makapaniwalang sagot ni Mervs, "Ako ang pinilit mo na sumama, tapos nung sinabi ko na may ginagawa pa ako, ikaw diyan ang nagtampo ng todo...kinulit mo pa ako ng kinulit, tapos umiyak ka pa!"

Sasagot sana si Tony, ngunit tuloy na nagsalita si Merv, "Alam mo kung masamang tao lang ako, kinuha ko yung pangkamot ko sa likod, tapos ihahataw ko sayo hanggang mawalan ka ng malay!"

"grabe" sabi ni Tony sa sarili...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bess PreynsStories to obsess over. Discover now