1✔️

11.9K 239 10
                                    

Paghanga

Nakaupo ako sa isang bench dito sa school. Pinapanood ko lang si Chris habang hawak  ang kanyang gitara at tinitingnan ng mga kasama niya. Ang cute niya talaga. Kailan niya kaya ako mapapansin?

Napanguso ako nang maalalang hindi niya nga pala ako kilala. He doesn't even know that I'm existing. Paano niya naman ako magpapansin diba?

Umaasa ka na naman Faye e. Kilala siya at kahit kailan, hindi ka niya mapapansin. Kahit nga yung Queen Bee dito na sobrang in love sa kaniya hindi niya pinapansin tapos aasa ka pa?

"Uy, Faye!" Napalingon ako kay Jade, bestfriend ko.

"Oh?"

"Sino na naman tinitingnan mo?" She asked at sinundan ang tingin ko. "Si Chris na naman? Naku, sinabi ko naman na sayo——"

"Na wala akong pag asa sa kaniya dahil bakla siya." Pagtutuloy ko sa sinasabi niya. "Hindi naman ako umaasa, Jade. Crush means paghanga. Paghanga lang sa kaniya, okay?"

"Okay. Sabi mo e," Ngunit ang mukha ay halatang hindi naniniwala.

Bigla na lang may tumamang bola sa ulo ko. Shit! Ang sakit! Unti-unting lumabo ang paningin ko at tanging pagtawag nalang sa 'kin ni Jade at ng iba pang mga tao ang naririnig ko.

-

Nagising ako at tanging puting liwanag lang ang nakikita ko. Waaaa! Patay na ba ako?!

"Shit. Patay na ba 'ko ngayon? Lord, 'wag po muna sana! Liligawan ko pa si Chris e! Tsaka bata pa po ako! Please 'wag po muna, Lord! Paano nalang kami ni Chris? Paano——"

Napalingon ako sa paligid ko nang makarinig ng malakas na tawanan. Huwat the pak?! N-nandito yung mga teachers ko at yung ibang mga varsity. Pati si Chris! Shit.

Mabilis akong napaupo sa kinahihigaan ko at lumingon- lingon. Ang dami nila dito sa loob ng clinic. Nakakahiya!

"Waaaa kalimutan niyo nalang po yung mga sinabi—— ay hindi! Wala pala akong sinabi—— ay meron—— waaa basta! " Natataranta kong sabi habang yung ibang teacher naman ay nagpipigil na lang ng tawa.

Lagot!

"Okay ka lang ba, hija?" Tanong ni Sir Raffy sa akin.

"Ano... O-opo, okay lang po ako." Sagot ko naman

"Mayamaya lang baka nandito na yung mga magulang mo. Pagpasensyahan mo na 'tong si Van ha? Napalakas ang pagsipa sa bola kaya yun, sapul ka tuloy." Sabi naman ni Ma'am Desiree.

"Okay lang po yun."

"Sige na. Okay na si Faye diba? Balik na tayo sa klase natin! Masyadong pa-importante. Akala ko pa naman principal na yung nadala sa clinic." Parinig ng teacher ko sa P.E. na si Ma'am Luisa. Psh. May galit talaga sa akin 'tong baboy na 'to e!

Nagsilabasan na sila ng clinic at naiwan na lang kami ni Jade sa loob.

"'Yan kasi, Bes! Akala ko ba PAGHANGA LANG? E ano yung sinasabi mo kanina?" Pang aasar nito sa akin habang nagpipigil ng tawa.

"Alam mo, Bes? Ang sama mo,"

"Okay lang yan, bagay ka naman dyan sa clinic bed."

Sarkastiko akong tumawa. "Alam mo, Bes? Bagay ka rin sa sementeryo bed." Dagdag ko kaya natigil ang tawa niya.

"Ay hala ka! May bed ba sa sementeryo?"

"Oo. Gusto mo tabi pa kayo nung mga bangkay doon."

Tumikhim ito bago ako tingnan nang masama. "Edi wow!" Sabi na lang nito tsaka umupo sa tabi ng higaan ko.

Napatingin naman ako sa kisame. Sana hindi narinig ni Chris yun. Tsaka crush lang naman ha. Anong masama doon diba? Parang wala naman.

Ang Asawa Kong Bakla Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα