MTG: Chapter 2- Bigating Gangsters

Start from the beginning
                                    

DEXTER YU

Ang makulit at ang pinaka maingay sa kanilang grupo. Sikat na musikero ang papa niya at isang businesswoman naman ang mama niya.  Atensyon lang ang tanging gusto niya na hindi mabigay bigay ng mga magulang niya. Kaya naisipan niyang sumali sa grupo dahil nabibigay ng mga kaibigan niya ang atensyon na inaasam asam niya noon pa man. Ang Yu Family din ang nag mamay-ari ng Jeju Island sa Korea.

JEFFREY HIMENEZ

Mayabang at mahilig mang-asar. Mahilig gumawa ng kalokohan. Kapag Fashion Industry na ang pinag-uusapan kilalang kilala na ng mga professionals ang pamilya nila Jeffrey dahil sila ang nag mamay-ari ng sikat sa Fashion Company New York na Maharlika High Fashion. Ang Maharlika High Fashion ang nag imbento ng iba't ibang designs na karaniwang sinusuot ng mga celebrities ngayon. Marami din silang sikat na fashion models na hinahangaan ng halos lahat. At halos lahat ng fashion designers nasa kanilang kompanya na.

Ganyan katindi,kayaman ang mga gangsters na yan.

LAWRENCE POV

Lumabas na ako sa kotse ganun din ang apat. Nandito na kami sa Anderson's University. Oh well,malaki rin naman 'tong paaralan na ito.

Nakatayo kaming lima sa tapat ng main gate at sumandal sa kotse namin.

"Cool huh." I said. "Hindi nangalahati sa dati nating school." tumawa yung apat. Totoo naman eh.

"Nasaan ba ang parking lot nila dito?" Tanong ni Jeffrey.

"Wait.." sabi Dexter "Grand Entrance lang ang peg?" Lahat kami napatingin sa malaking gate ng school. Biglang itong bumukas. Wow lang ha.

"Welcome to the Anderson's University!" boses ng isang babae. Sabay sabay kaming tumingin sa may CCTV camera malapit sa gate "Enjoy!"

"Ang ganda ng boses ah." -Stephen

"Yan uso ngayon. Boses lang maganda pero pangit ang pagmumukha. Tara na nga!" Bumalik na kami sa kotse namin at pumasok na sa loob ng school. Mabuti na nga lang at nahanap namin ang parking lot kaya agad din naman kami nakapag park. Tae! Ang liit ng parking lot nila dito!

Bumaba na ako ng kotse ganun din yung apat. Hinagis ko na rin kay Stephen yun kalo. Tago pa kasi ng tago. Ayaw niya nun,kilala siya bilang anak ng isang sikat na actor.

Nagsimula na kaming maglakad papuntang school building. Osige magiging Honesto na ako! Oo na! Malaki na ang school na ito. Hindi ko lang talaga kasi matanggap na inilipat na kami ng magaling kong ate dito! Bwiset talaga!

"anong meron dito at ang daming lalaki na nakaitim tapos ang laki ng mga katawan?" nagtatakang tanong ni Jeffrey. Tinignan ko yung tinutukoy niya na mga lalaki. Oo nga noh,mukhang mga mafia gangsters. Hindi namin pinansin pa ang mga 'yon at tuloy lang kami sa paglalakad ng harangin kami ng mga naka itim na lalaki.

"oh problema niyo?" maangas na tanong ko sakanila.

Hindi nila sinagot ang tanong ko. Aba mga bastos to ah! Susugurin ko na sana yung isa kaso..

"Hey! tabi nga kayo. Tabi!" Napatigil ako. Isa-isa namang tumabi yung mga halimaw at isang babae ang lumapit saakin.

"one chix spotted. haha!" siniko ko si Stephen para tumigil. Nakangiti lang yung babae sa amin.

"ano?" iritado kong tanong.

"Hi. I'm Emily Anderson." inabot niya ang kamay niya "And welcome to Anderson's University." Ngumiti siya. Kulay brown ang buhok niya at hanggang balikat ang haba nito. Maputi siya at medjo matangkad. Pinkish ang mga labi niya at maganda ang hugis ng ilong. Ang panget niya! Pfft. Hindi ganito ang type ko na babae. Nakatitig lang ako sa kamay niya. Wala akong balak hawakan yan,baka may germs. Psh.

"Ah. Hi Miss Emily!" sabi ni Stephen at inabot ang kamay ng babae. Nakipag shake hands na rin yung ibang unggoy sakanya maliban saakin.

"tara na nga!" sigaw ko sa apat at nauna na akong maglakad.

"Hey wait!" tumakbo palapit sa akin yung babae "ihahatid ko kayo sa classroom niyo."

"bakit? sino ka ba ha?"

"I'm Emily Anderson anak ng may-ari ng school na ito at ako rin ang President dito." Sus! Mas mayaman pa rin ako. Haha "Mag be-bell na mamaya kaya let's go guys ihahatid ko na kayo sa klase niyo." at ayun nauna na siyang umalis at sumunod naman sakanya yung mga lalaking naka itim.

"tara na boss!"-Dexter

"Mukhang okay naman yung babae eh."-Stephen

"Lahat naman ng babae okay para sayo eh."-Jeffrey

Natawa bigla si Dexter at Philip sa sinabi ni Jeffrey. Wagas talaga makapang'bara 'tong si Jeffrey kahit kailan.

"ang daldal niyo. Tara na nga!" sabi ko kaya sumunod din saakin yung apat.

Well, Hello Anderson's University!

to be continued..

MEET THE GANGSTERSWhere stories live. Discover now