Prologue

1.5K 49 3
                                    

First meet

"Hindi ako lasing kuya," Sabi ni Alyssa sa waiter na pilit na siyang pinapauwi kanina pa. Tumingin siya dito at tinuro ang sarili. "Do i look like I'm drunk?" Alyssa said. "Umiiyak lang ako pero hindi ako lasing. Magkaiba yun kuya." Sabi ni Alyssa.

"Sorry to disturb you Ma'am, pero sabi po ng may ari ng bar nato na bago pa po kayo tuluyang malasing ay umuwi na kayo." Pag-pipilit ng waiter.

"May crush ba saken yang manager niyo? Patingin nga! Baka siya yung ex ko!" Sabi ni Alyssa at tumawa. "Tsaka nag babayad ako dito, kukuha pa ako ng isang bote."

Bumuntong hininga naman yung waiter at tila parang susuko na sa customer nilang ito. "Hahatid ko nalang po kayo sa kotse niyo." Sabi pa nito. "Or bigyan niyo nalang po ako ng number ng kaibigan niyo papasundo ko nalang po kayo—"

"Teka, ano? Gusto mong ka-text mate best friend ko? Nako! Di ka uubra don! Mataray yon! At isa pa, may boyfriend yon!" She laughed. "Pero bakit ganon? Kahit gano pa kasungit ng bestfriend ko sa boyfriend niya, bakit hindi siya iniiwan?"

"Ah, eh, kasi," Napakamot nalang ng ulo yung waiter na to at naghanap ng isasagot sa customer nilang lasing na. "Baka po kasi worth it yung bestfriend—"

"Ano!" Napatalon yung customer sa gulat, tumayo na si Alyssa at dinuro ang waiter sa harapan niya. "So sinasabi mong di ako worth it, ganon?! Na kaya ako iniwan ng ex ko kasi di ako enough?!"

"H-ha? H-hindi po g-ganon yun Ma'am.." Kinabahan na yung waiter dahil mukhang nagalit niya si Alyssa. Hindi naman niya sinasadya masabi yun at ma-offend ang customer nila ang tanging hangad niya lang ay masagot ang mga gusto itanong nito at umuwi na.

"Ikaw na din ang nag sabi eh! Hindi mo naman ako kilala para sabihin yon!" Naiiyak nanaman si Alyssa, hindi alam ng waiter kung nadadala lang ba ito ng alak o ng nararamdaman? Hindi siya sigurado.

"M-Ma'am, sorry po. Hindi naman yun ang gusto kong iparating sainyo eh.." Sabi nito. Hindi nag-salita pa si Alyssa pero umiyak lang ito ng umiyak.

"Cedric," May narinig na boses ang waiter.

"Sir Isaac.." Sabi nito na may pag-aalala ang boses. "Sir, ayaw niya po tumigil sa kaiiyak." Pag-susumbong ng waiter.

Tinignan ng may-ari ang babaeng naka-higa ang ulo sa lamesa at nag-iiyak. "Ginawa ko naman ang lahat eh..bakit iniwan niya ako?" Narinig niyang sinasabi ni Alyssa.

Tumingin ulit siya sa waiter, "Ano nangyare dito ba Ced?"

"Sir ilang araw na po nandito yun gabi-gabi. Mukha pong brokenhearted eh." Sabi nong Cedric at naki-tingin nadin kay Alyssa.

"Sige ako na bahala dito bumalik ka na sa kusina." Sabi nito, tumango lamang si Cedric at umalis na. Nang maka-alis na ang tauhan niya at binalik niya ang tingin sa babaeng naiyak. Pinag-mamasdan niya lang ito mula kanina pa dahil kanina pa nga ito nakakuha ng atensyon niya. Dahil nga walang ibang ginawa ito kung hindi umiyak.

"Ah, ms," Lumuhod ito para makita niya ang mukha ni Alyssa. "Listen to me okay, you have to go home. Late na, baka kung mapano ka pa sa daan."

Tinignan naman siya ni Alyssa pero imbis na sumagot ay iba iba pa ang sinabi nito. "Iniwan niya ako.."

"Asan ba ang kotse mo? Ihahatid ka namin sa parking.." Pag-pipilit niya pa kay Alyssa.

"Iniwan niya nga ako.." Sabi pa ni Alyssa. "Iniwan niya ako! Ang sakit sakit!" Sabi nito at umiyak nanaman ng malakas.

Napakamot naman sa ulo ang may ari ng Bar na ito dahil lasing na lasing na ang customer nila na ito. Pero kahit gusto niya mainis dahil abala ito pero hindi niya magawang iwan ito dahil nakakaramdam siya ng awa dito.

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now