"Kapag hindi na mainit ang ulo mo, nasa bahay lang ako. And, I missed you too." ngumiti muna ito at tuluyan ng lumabas. Nang masiguradong wala na siya, nilock ko agad ang pinto at dun lang ako nakahinga ng normal. Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinext ang napaka solid kong kaibigan.

Alam mong nandito na
siya?

Oo. Ako nga sumundo
sa kanya.

Tapos hindi mo man
lang sinabi sa akin?

Sorry na. Alam mo naman
kung gaano ako ka loyal
sayo pero sayong yung
sapatos eh. 5k din yun
dito sa atin.

Napakaloyal mo nga!

Pasensya na. Bawi ako.
Sabihin ko kay Rhian
ligawan ka.

Bwesit!

Hahaha



Nay ba't mo naman
pinapasok yun sa
kwarto ko?

Sorry nak, alam mo
namang parang anak
ko na rin yun. Hindi
ko mahindian eh.

Eh anak niyo rin naman
ako! Ano bang binigay
sayo?

Bag at perfume anak.
Ang ganda nang bag.
Gusto mong makita?

Hay jusko!

Wag na. Matutulog ako.

Para sapatos at bag lang pinagbili nila ako. Hay. Ewan! Pero infairness, mas gumanda siya. Yun lang! Matutulog na ako!





Nagising ako ng biglang nag-alarm yung cellphone ko. Sinadya ko yun para makapagdinner muna ako bago matulog ulit.

After kong kumain, sumilip muna ako sa bentana. Sarado na ang tindahan at tahimik na rin. Alas dyes na rin kasi. Naisipan kong tumambay muna. Siguro naman hindi na yun lalabas at nagpapahinga na sa haba ng byahe niya.

Kasalukuyan akong nakaupo sa tindahan. Parang bigla akong na sepanx. Nung nagsimula kasi akong magtrabaho, halos hindi na ako umupo dito para magpaantok. Nakakamiss din pala.

"Malalim ang iniisip natin ah?"

Nagulat ako. Hindi ko siya napansin na lumabas sa gate nila. Hindi tuloy ako nakatakbo papasok sa bahay.

"Anong ginagawa mo dito?"

"What? Don't tell me hindi na rin ako allowed umupo sa tindahan niyo?"

"Wala akong sinabi ganun. Hindi ba dapat nagpapahinga ka na?"

"I can't sleep."

"Muling ibalik ang tamis ng pagibig."

Bigla akong napalingon ng marinig ko isang boses ng lalaki. Si kuya Brian, inaalalayan ni ate Jen dahil lasing ito."

"Diba Cha?" dugtong nito.

"Tumahimik ka nga! Nakakahiya ka." saway naman ni ate Jen.

"Kumusta ka?"

Napalingon ako kay London girl.

E V R Y W M N N T H W R L D: The Return Of The ComebackWhere stories live. Discover now