Ha? Kanino kaba dapat mag move-on? Ah, e saan ka naman nakatira? "

Kay Xander. Hindi mo siya kilala pero si Xander yung taong mahal ko pero kailangan ko lumayo sa kanya dahil may dahilan ako. At bakit mo tinanong kung saan ako nakatira? Hindi mo na pwede malaman yun no. Baka kung ano pa gawin mo eh."

Ahh. Bakit hindi? Wala naman masama kung malaman ko ah"

Masama yun no. Tsk. Nga pala, bakasyon ka lang ba dito? "

Oo na lang. Hind. Dito nako nakatira. Mga 1 buwan palang siguro ako dito. Hindi ko pa nga kabisado yung lugar nato kasi minsan lang din ako lumabas kasi wala naman akong kakilala dito" sabi niya

E bakit ba andito ka? Okay ka naman nun sa pilipinas ah. Bakit kailangan mo pa tumira dito?"

Basta. May kailangan lang ayusin dun kaya nag punta muna ako dito"

Ahhh. Sige na, kailangan ko na umalis. Mag tatrabaho nako eh. Bye" sabi ko tsaka nag lakad paalis. Pero sumunod nanaman siya. Ano ba gusto nito?

Pwede ba ako sumama sayo? Tsaka pwede ba na ikaw na lang ang palagi kong samahan? Wala kasi talaga akong kakilala dito tsaka di ko pa talaga kabisado tong lugar nato. Baka maligaw ako, ikaw din" sabi iya. Takte. Kinokonsensya ba ako nitong lalaking to? Tsk

Wala akong oras, Xavier. Tsk. Kailangan ko mag trabaho para may makain ako ngaun. Xavier, iba ang buhay ko dito sa buhay ko sa pinas. Dito hindi ako makakakain kung wala akong ginagawa. " sabi ko sa kanya. totoo lahat ng sinabi ko. Kasi iba talaga ang buhay ko dito. Kung sa pinas para akong prinsesa kasi wala akong ginagawa pero nakakakain ako pero dito ibang iba. Kahit nga tinutuluyan ko iba eh. Tsk. 

Ako na bahala sa kakainin mo ngaun. Tsk. Basta samahan mo lang ako. Tsaka libre ko na yun kasi nag kita na uli tayo. Kaya sige na, pumayag kana. Ngaun na lang tayo nag kita eh." sabi niya. Tsk. Pagbibigyan ko na nga to.

Oo na. Sige na, pagbibigyan na kita. Pero mag papalit muna ako ng damit bago kita samahan sa pag gagala. Baka kung saan ka mag aya eh." 

Sige. Sama ako sa inyo ah" 

May magagawa paba ako? Malamang sasama ka dun. Sa kulit mong yan eh. "

Buti alam mo. Tara na. Haha" sabi niya at tsaka kami nag lakad. Buti na lang malapit lang ang tinutuluyan ko kung saan kami ngaun. Walking distance lang kaya mapapadali ang paguwi ko. 

.

.

.

Maya-maya lang dumating na kami sa tinutuluyan ko. Tsk. Kung naiisip niyo na bahay na malaki yun pwes nag kakamali kayo. maliit lang ang tinutuluyan ko. Isang kwarto lang tas di pa masyado kalakihan. 

Dito ka nakatira? Seryoso kaba, Xandra?" sabi ng kasama kong di makapaniwala. Ano ba masama tumira sa ganitong lugar? Okay nga yun kasi naranasan ko  kung pano tumira sa ganito eh. 

Oo naman no. Dadalahin ba kita dito kung hindi ako seryoso? Pumasok kana muna mag bibihis lang ako sa CR." sabi ko sabay pasok sa CR

Okay. Pero Xandra, gusto mo ba sakin kana tumira? Alam kong di ka komportable dito. " sabi niya. 

Xavier, nakakahiya sayo. Tsaka baka kung anong isipin ng iba. Alam mo naman yung mga tao eh" sabi ko tsaka lumabas ng CR. Tapos na kasi ako mag bihis. 

Wala naman tayo sa pilipinas no. Kaya sige na, pumayag kana. Kesa naman andito ka. Ikaw lang naman iniisip ko no. Tsaka para di ka mahiya ikaw na lang taga luto ng pagkain natin. Para naman hindi puro pagkain sa labas ang nakakain ko. Nakakasawa na eh." ayan nanaman ang paawa niya. Takte talaga. 

Nag papaawa kaba ha? Tsk. Kanina kapa eh. Ganito na lang, pupunta na lang ako sa inyo everyday tas lulutuan na lang kita pero di ako titira sa bahay mo"

Ayoko. Gusto ko andun ka din. Gusto ko din ng may kasama. Malungkot kaya yung mag isa ka lang sa bahay tas wala kang makausap. Kaya sige na kasi. Maawa kana sakin. Alam kong alam mo ang pakiramdam na mag isa no" tama siya. Nakakalungkot nga yung mag isa. Pero kasi ayoko tumira ng kasama siya. Parang ang awkward nun eh. 

Xavier naman eh. Tsk. Nakakahiya naman kasi tsaka ang awkward nun. Tayong dalawa lang sa iisang bahay. Hindi kaba naiilang nun ha?"

Hindi. Bakit naman ako maiilang? E wala naman dapat akong ikailang ah. Tsaka mas okay nga kasi yun kasi may kasama ako sa bahay. Ayoko mag isa kasi hindi ako sanay. ANg hirap eh. Kaya pumayag kana ha? Tutulungan kita mag ayos ng gamit mo ngaun. Tsaka ayaw mo nun? Tipid ka. Tas may maiipon kapa. Kasi yang sahod mo imbis na iupa mo dito edi maiipon mo na lang tsaka kung may nangyareng biglaan edi may pang gastos ka. Tas kung may gusto kang bilihin mabibili mo kasi may ipon ka" mahaba niyang sabi. Takte. May point naman siya. Pero nahihiya pa din ako. Tsaka tama na rin siguro na tumira ako dito ng matagal. Papayag na ba ako? 

Bakit ba ang bait mo sakin ngaun ha? Tsk. Pero kasi nakakahiya pa din eh. At hindi ako sanay na ikaw lang ang kasama ko sa iisang bahay"

Wala lang. Kaibigan na kita no. Tsk. Hindi kapa din ba papayag? Kapag hindi ka pumayag uuwi ako ng pilipinas ngaun at pupuntahan ko yung kuya mo at sasabihin ko na nandito ka. Ano?" Langya. Nablackmail ata ako ngaun -_-

Fine! Jan nako titira sa bahay mo. Takte ka talaga. Ang lakas mo mang blackmail ah"

Kailangan yun para sumunod ka. Haha. So, ano na? Ayusin na natin yang gamit mo" sabi niya aat sabay kuha ng maleta ko sa gilid. Grabe talaga tong lalaking to. Tsk. Bahala na nga siya jan. 

Habang nag aayos kami ng gamit ko tahimik lang kami. Damit ko lang naman ang aayusin namin dito kasi wala naman akong kagamit gamit. Kaya mapapadali lang to. Ako nag aayos ng gamit ko sa maleta tas siya naman ang taga bigay sakin. 

At nung natapos na kami sa pag aayos inaya na agad niya ako umalis para mag punta na sa bahay niya. Kahit ayoko talaga sumama no choice ako kasi baka gawin talaga nito ang sinabi niya. Hindi pa ako handa mag pakita sa kanila kaya pumayag na ako kesa malaman nila kung asan ako. 

*END*

--------

-Isha

It Started With A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon