I feel awkward. "Uh, Evan. May pupuntahan pa ako, nice to see you..."

Hindi ko na siya hinintay sumagot, I walk past them. Napabuga ako ng hangin at saka binilisan na ang paglakad patungo sa field.

Damn, Reid. Why are you acting like that? Did I do something bad? We talked, right? Bakit ganoon siya ngayon? Wala naman akong masamang nagawa.

Hindi ko siya pinaasa gaya ng sinasabi ni Radj. Unang una, ayaw ko talaga sa set-up na iyon dahil alam kong mahihirapan kaming magpanggap.

At alam ko rin na may posibilidad na mahulog ako kay Reidjan. Alam ko dahil hindi naman mahirap mahulog sa kanya, kaya nga ayaw ko rin dahil mahal ko si Reitius at siya lang ang gusto ko.

Mahirap din iyon. Iniiwasan ko talaga si Reid simula noon, lalo na't kinalimutan na ako ni Radj ngayon. I am now a stranger to her, hindi ko alam kung maibabalik pa ang dating pagkakaibigan namin.

Umaasa pa rin ako doon, kahit masakit.

Kumunot ang noo ko nang matanaw si Reitius, nasa bench siya, nakasandal sa punong nasa likuran. He's not alone, beside him is Mariah. Her shoulders are shaking while crying.

Kumalabog ang dibdib ko sa kaba, she was holdhing Reitius' hand for damn's sake. I feel annoyed, I can't hear what's they talking about. Reitius' eyebrows are furrowed but he looks gentle while looking at Mariah.

Para siyang naaawa roon na 'di malaman. Bakit hindi niya bitiwan ang kamay? Bakit kailangan hawakan  pa ang kamay niya? Kung mag-uusap sila kailangan ba ng ganoon?

Ibig sabihin noong nag usap sila may ganoong naganap? What the heck? Parang kahit magpaliwanag pa siya sa akin ay hindi tatanggapin ng isip ko ngayon.

Damn.

Nagtiim bagang ako habang unti unting lumalapit sa kanilang gawi, napahigpit ang hawak ko sa mga supot na dala ko at saka ako huminga ng malalim. Ayaw kong makakita ng ganito, masakit sa mata at masakit sa puso.

May feelings si Mariah sa kanya, si Reitius ay hindi ko alam. Habang tinitingnan ko kasi siya ngayon ay napakaamo niya at parang hindi niya iyon kayang tanggihan parati.

Why, right? Bakit hindi niya kayang tanggihan at bakit may pake siya?

I noticed Mariah's changed look, she looks normal now. Hindi na iyong dating Mariah na nerd at laging nakamakapal na eyeglasses. Sa dalawang araw na nawala ako? Ganoon agad?

She was not a nerd. She fooled everyone to pity her!

"Reitius, please... I don't wanna lose you, I'm sorry. Should I kneeled down para lang mapatawad mo ako?" Mariah whimpered.

"Mariah, stop this. Hindi ka ganyan, ayaw kong makita kang ganyan. I said you're forgiven, why are you still like that?" malamyos na tanong ni Reitius.

My heart ached. What the fuck? Why am I hurting like this when I should not? They're just friends and I'm his girlfriend but why do I feel jealous?

Umiling si Mariah.

"Hindi naman, Rei, e. Hindi lang iyon ang problema ko. Napakarami kong problema. You forgave me but why can't I talk to you like the old times now? Why can't I stay beside you? Why can't we study together?"

Iyak siya ng iyak habang sinasabi ang mga iyon. Punong puno ng luha ang kanyang pisngi at hindi natitigil ang pag agos noon mula sa kanyang mga matang mugto na sa kakaiyak.

Kumunot ang noo ko.

I wanted to slap her, paano niya naitatanong iyon? Bakit niya kailangan itanong 'yon sa lalakeng my girlfriend na? Tanga ba siya o talagang nananadya?

Isla Verde #2: The Sweet Escape Where stories live. Discover now