Hilig talaga ni Reitius ang pagkain basta beef, he doesn't eat chicken because he's allergic to it, magkakaroon siya agad ng rashes kahit sabaw lang ang makain niya basta may manok.

Sandaling napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Reidjan, nakangisi siya ng tipid habang kausap ang mga varsity players. Papasalubong sila sa akin, I held my breath.

Kabado pa rin talaga ako na makasalubong siya, I don't know why but it's like I did something wrong. Para bang kasalanan ko talaga ang set up na nangyari when in fact they were the one who set that up.

Seriously? Masakit sa akin na mawalan ng matalik na kaibigan, sobra dahil kapatid ang turingan namin. Mas malapit pa nga kaming dalawa kesa kay Ate Ahleira kung tutuusin.

I continued walking, palakas ng palakas ang tawanan ng kanyang mga kasama ngayon. Kausap niya si Evander Rouseff, silang dalawa ang nahuhuli sa iba pa.

They look brothers, actually. Ang alam ko kasi ay parang magkapatid na talaga sila. Iyong kuya kasi ni Evan ay kapatid ni Reid sa ina. Magulo talaga, pero ganoon ang kwento ni Radj sa akin.

Kuya nila Radj si Van Damme Rouseff, iyon ang unang anak ng kanilang Mommy. Their Mom was raped, Rouseff ang rapist. I don't know much, that's what Radjine just told me.

Si Evander naman ang anak ng tatay ni Van Damme sa ibang babae, so para sa akin tingin ko sa kanila ay magkakapatid na rin kahit na hindi naman talaga kadugo ng mga de Menezes si Evan.

Radjine don't like them, she wouldn't like them. Ayaw niyang maging parte ng pamilya nila si Van Damme dahil anak lang naman daw iyon ng rapist while Reid is just civil, wala siyang gusto o ayaw as long as it won't hurt him.

"Tangina, bagsak na naman ako sa Bio." sabi ni Gavin, iyong isa nilang kaibigan na varsity rin ng EU.

Nagtawanan sila.

"Your fault."

"The class was so early, I can't wake up like that."

"You should move to night shift!" tawa noong isa.

"Baka meron?"

"Mayroon naman, ah? Basta ikaw lang mag-isa!"

Humagalpak sila sa tawa. Medyo humupa ang tawanan nila nang makita akong papasalubong sa kanila, umiwas agad ako ng tingin.

Nahuli ko ang tingin ni Reidjan agad, his forehead creased a bit but looks so formal, napatingin din si Evander sa akin.

He smiled. "Hi, Zhera!"

Reid sighed beside him, pumormal ang kanyang aura ngayon lalo. His jaw clenched as he looked at me. My heart jumped in tense. Huminga ako ng malalim at tipid na ngumiti sa kanila.

"Hi, Evan..." I greeted back.

"How was the tour? Nakakainggit, ah!" ngisi ni Evander.

He's a friend of Reidjan also, they're on the same circle. Halos lahat naman sila ay magkakaibigan. Marami sila, lalo na tuwing nasa SD. Kilala pa sa iba't ibang school ang mga kaibigan nilang nakikita ko.

I shrugged and smiled. "Ayos naman, masaya at maganda ang lugar na pinuntahan namin."

He smiled, napasulyap siya kay Reidjan na walang reaksyon. Nakatingin lang siya sa kanyang mga paa habang nakikinig. Evander grinned a bit and nodded, he tapped Reid's shoulder.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon