Neya's P.O.V
Grabeee yun! napalaban kami dun ah! hahaha galing namin! ^.^ Paghampas-hampas lang ng bag yun ah? pero napagod ako dun! hahaha whoo! kapagod! sayang! wala si Ayal myloves! di niya nakita ang pagiging superwoman ko! ^.^ wahahaha
"Wait,can I ask your names?"Bumalik ako sa reality pagkasabi niya niyan.Akala ko naka-alis na to? Si Enitse naman, ayun tulala.tss eto talaga oh!
"psst! Enitse! pangalan daw natin!"kinulbit ko nga,at binulungan.
"Tss, oo na" bulong naman niya pabalik.
"I'm Enitse Anne Pangalinan"Sabi ni Enitse nang mukang nakabalik na sa reality sabay abot ng kanyang kamay.Nakipag-shake hands naman yung babae.
" I'm Therese Neya Dimaculangan" Nagpakilala naman na ako.
"Nice meeting you all! ^.^ By the way, I'm
Aleal Seol Kim."
"Aleal! hayy, ano ayos ka lang ba ha? Sabi ko na kasi sayo eh! wag kang aalis pag di mo ko kasama! tingnan mo nangyare sayo"
Di na kami naka-sagot ni Enitse ng may biglang sumulpot na babae at pinagsisigawan si Aleal.
*Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat, umaawit pa sa hangin, amoy araw ang balat naalala ko pa non' nag-aagawan ng nintendo, kay sarap namang mabalikan ang ating kwento
Lagi-lagi ka saamin dumederetso pag-uwi maglalaro ng tao-tao't piso-pisong nabili*
"Enitse, CR lang ako ha? sagutin ko lang to, si papa eh"Bulong ko kay Enitse, haha bahala na siya makipag-usap dito sa dalawang to.
"Osige sigee"
[Hello? pa?]
[Neya......]
[Ano po yun?]
[Pauwi na ba kayo ni Enitse?]
[Opo, sasakay na po kami sa kotse ko tumawag lang kayo.] okay, medyo slight na lie yun...may kausap pa kami tsaka niligtas pa namin si Aleal kaya natagalan.
[ah ganun ba, tama lang pala ang pagtawag ko at may sasabihin ako sayo]
[ano po yun?]grabe si papa, pabitin! kanina pa ko nagtatanong eh
[May binili kaming condo unit for you two, para di na ka na umuuwi dito at si Enitse sa parents niya.Malapit sa school niyo yung condo malapit rin sa malls kaya tamang-tama para sa inyo.]
[Ayos na po ba dun? andun na mga gamit namin?]
[Oo, pinadala na namin dun]
[ahhhh,so dun na po kami pupunta ngayon?]
[Oo, nasaan ba kayo? nang masabi ko sayo ang address.]
[Andito po kami sa **** Mall]
[Ah, malapit lang diyan yung condo unit niyo.Paglabas niyo sa basement parking niyan...turn right ka...may makikita kang building..ayun na yun Rm 217 kayo tapos ikaw na bahala sa passcode]
[Ahhhh sige po bye.Love you po]
[Sigee ingat sa pagdadrive love you too nak']
CALL ENDED
Enitse's P.O.V
Grabe yung si Neya! iwan daw ba ko? eh nadagdagan yung kakausapin ko eh! sino ba to?
"Aish! Sorry na Sam! Eto nga pala si Enitse, at yung kaalis lang ay si Neya.Sila yung mga nagligtas sakin kasama yung guard."buti naman, pinakilala na kami neto ni Aleal! nang nakakarelate naman ako.
"Oh! Hi! ^.^ Samantha here! Salamat nga pala sa pagligtas dito ha? Malilintikan kasi talaga ako kay tito pag may nangyaring masama sa UNICA HIJA niya!"haha inemphasise niya pa yung unica hija! hahaha!
"Psh! Oh tara na umuwi! nauna pa yung mga pinadeliver na mga pinamili natin sa condo kesa satin! Enitse thank you talaga ha? pasabi na din kay Neya ha?"Sabi naman ni Aleal.haha mukang nainis na kay Samantha! hahaha
"Walang anuman yun! ^.^ lahat naman siguro ng makakakita, gagawin yung ginawa namin ni Neya, nagkataon lang siguro na kami yung napadaan nung time na yun"Sabi ko naman.
"Okay, bye! ^.^"
"Bye! ^.^"At ayun umalis na sila.Asan na ba si Neya? antagal naman!
Samantha's P.O.V
Grabe ha? kinabahan ako para sa bestfriend ko!
"Aish! Sorry na Sam! Eto nga pala si Enitse, at yung kaalis lang ay si Neya.Sila yung mga nagligtas sakin kasama yung guard."Ayun, buti nalang may nagligtas dito kay Aleal! kundi, patay talaga ako kay tito neto!
"Oh! Hi! ^.^ Samantha here! Salamat nga pala sa pagligtas dito ha? Malilintikan kasi talaga ako kay tito pag may nangyaring masama sa UNICA HIJA niya!"Syempre,kailangan kong maging mabait sa kanya, niligtas niya bestfriend ko eh! haha inemphasise ko talaga yung unica hija, para asarin si Aleal.
"Psh! Oh tara na umuwi! nauna pa yung mga pinadeliver na mga pinamili natin sa condo kesa satin! Enitse thank you talaga ha? pasabi na din kay Neya ha?"Sabi naman ni Aleal.haha kita niyo, mukang effective ang pang-aasar ko! hahaha
"Walang anuman yun! ^.^ lahat naman siguro ng makakakita, gagawin yung ginawa namin ni Neya, nagkataon lang siguro na kami yung napadaan nung time na yun"Sabi naman nung Enitse.Wow,humble!
"Okay, bye! ^.^"
"Bye! ^.^"At ayun umalis na nga kami.
Enitse's P.O.V
"Enitse!"Oh,andito na pala si Neya! ^.^
"Neya! grabe antagal mo!"
"Pano kase, sabi ni papa may binili daw silang condo for us at dun tayo uuwi ngayon.Andun na daw lahat ng gamit natin.tapos, malapit daw yun sa Gertrude High"uhh-kay? anyaman talaga ng mga parents namin! biruin niyo, may sarili na kaming condo? at eto pa, malapit pa sa school namin? talagang pinag-isipan! hahaha
"Okay, oh tara na at may pasok pa tayo bukas"
(After 30 mins.)
Mga after 30 mins. andito na kami sa hallway ng mga condominium units.
"Oh Enitse, eto ang Code: 06091126 tapos Unit 217 daw tayo"
Malapit na kami sa unit namin ng,
Booooooooooogsh!
*To be continued*
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
AN: Kung nagustuhan niyo po ang chapter na ito, please do vote and comment ^_^
Thank you for reading! ^_^
©BINARYCODE.All Rights Reserved.SecretlyInloveWriter.2014.
YOU ARE READING
Binary Code
Teen FictionWalong numero akala ng iba walang saysay ang mga ito pero sinong mag-aakalang babaguhin ng mga ito ang buhay namin? Sabi nga nila, 'There are two types of people in the world: those who understand binary, and those who don't Sabi nya, madali ang mat...
Chapter 6
Start from the beginning
