popular kasi tong babaeng to kaya ganyan makaasta, oo popular siya kahit ganyan ugali niya! MAYAMAN daw kasi siya.

"If I know kayong dalawa ay naiinggit lang kasi hindi pa kayo nagkaroon  ng ganun no!"

Tinuro niya kaming dalawa pero nagpipigil kami sa tawa. Hay nako kung alam niya lang na hamak na mas mahal ng three times ang presyo ng laptop ko sa laptop niya. Kahit sampal ko pa sa mukha niya!

"Promdi talaga"

Si Aya tumingin sa akin ng nakakalokong ngiti. Alam ko balak nitong babaeng to.

"ha? masama na bang tumawa ng malakas? Bawal ba kami mag joke tapos tumawa?"

Nagmamaang-maangan pa kunwari si Aya. Best actress talaga to eh.

"Kung magpapalusot ka galingan mo halata kasi eh. Tsaka bakit niyo ba ako pinaguusapan ha?! Mga insecure!"

Hahahahahahaa! feeler tong babaeng to sarap ipalapa sa leon!

"Feeler lang te? Wow ganun ka ba kasikat para lahat ng tao pag-usapan ka? And why do you keep on hitting us?" natulala si Cherry boom!

"Kasi mga promdi kayo! Nilalandi niyo si Xander at Sam! At higit sa lahat pasikat kayo!"

"Who's insecure then?"

 Yung mga classmates namin nagtawanan

Si Sam at Xander pati ako pigil na pigil na yung tawa grabe mukha niya lukot na lukot pano barado kay Aya eh!

Natahimik siya. Tapos tumalikod na.

"Ang pinakaexpensive na brand eh APPLE HINDI ACER galing no? PROMDI kami pero alam namin!"

yung mga classmates namin nagulat kasi sabi ni Aya Acer daw ang pinakamahal.

"Anong sabi mo?!" lumingon kasi siya ulit sa amin na galit na galit at medyo hiya na rin

"Walang ulitan sa taong bingi" sabi ni Aya na nakaupo na.

"What?!" sigaw niya.

"Ay bingi nga" sabi ni Aya tapos nagpipigil na talaga kami ng tawa yung mga classmates namin tawa na ng tawa.

Siya naman dahil pahiya na nag walk-out.

Tapos kami tumawa ng tumawa. Maluha luha kaming tumatawang apat.

"Galing ng girlfriend ko! wohooo hahahahahaha"

"Naman!" tapos tawa kami ulit.

Nung napagod na kami tumawa eh nanahimik na kami tapos pumasok na yung next teacher.

SECRET HEIRESSWhere stories live. Discover now