Chapter 42

1.2K 24 6
                                    

Daniel's POV

After a week, bigla na lang nawala si Kath, tumawag sila Julia na aalis na daw. Aba syempre nagalit ako. Ang buong akala ko ay okay naman kami, tapos malalaman ko aalis siya? Well, damn.

Pumunta agad ako sa bahay nila at nag-doorbell pero walang sumagot. Lumabas bigla si Leo.

"Anong kailangan mo?"

"Tumabi ka nga. Hindi ikaw ang pinunta ko dito, si Kath." Matigas na sambit ko.

"Are you dumb?" Tanong nito kaya napatingin ako.

"Di mo ba naiintindihan? Gusto ka na niyang layuan, that's why she's coming with me. Hindi pa ba malinaw lahat sa'yo?" Tanong nito.

Ayokong maniwala. Sa buong linggo, naramdaman ko. Naramdaman kong mahal niya parin ako.

"Palabasin mo si Kath."

"Umalis ka na."

"Wala akong pakialam kung boyfriend ka niya, ako ang fiancé niya noon kaya tumabi ka."

Natawa siya sa sinabi ko.

"Fiancé ka lang.." Natatawang bulong niya.

"I'm her brother.."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"A-ano.."

"Nagulat ka? Ang hirap kasi sa'yo, hindi mo muna inaalam. Inunahan ka ng selos mo, bro."

Shit. All this time?!

"S-so hindi k-kayo?"

"No, but it doesn't mean you can have her. Not again."

"Palabasin mo muna si Kath, please.."

"Mas okay na wag nalang, Daniel. Baka magbago pa isip niya. Umalis ka nalang, hayaan mo nalang siya."

Umalis ako doon at magmadaling pumunta kila Camilla. May kailangan akong gawin.

"Camilla!" Tawag ko sakanya.

"Oh shit, dinadalaw mo ba ko? Hihi."

"Kailangan nating mag-usap." Seryosong sambit ko kaya sumeryoso narin siya.

Pumunta kami sa garden nila. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero kailangan.

"Camilla, sorry.." Panimula ko.

"Huh?"

"Alam kong mali yung nagawa ko.."

"Na ano?" Nagtatakang tanong niya.

"Ginamit kita para pagselosin si Kath."

Sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid. Tanggap ko na ang katapusan ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Literal na napanganga ako nang tumawa siya ng malakas.

"Sarcastic ba 'yan?" Tanong ko.

"Tanga! Alam ko naman 'yun no." Sagot niya.

"Sinabi mo na noon pa. Nakikita ko din namang sweet ka lang sakin pag nasa paligid yung ex mo."

"Okay lang sa'yo? Di ka nasaktan? Di ka galit sakin?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi. Pero may utang ka sa'kin." Nakangising sambit nito.

"Ano?"

"Kapalit ng pagpapanggap natin, ilapit mo ko sa kaibigan mo."

"Ha? Sinong kaibigan?"

"Si Singko." Sagot niya habang nagniningning pa ang mga mata.

Shit. Dito kami magsimula ni Kath ah. Nakooo.

"Bakla 'yun, Camilla." Pagbababala ko.

"I know! I can him change naman. Diba?"

Napangiti ako.

"Syempre naman."



Kath's POV

Today is D-day. Magpapaalam nanaman ako sa mga taong malapit sa'kin.

"Mamimiss kita, Kath!" Naiiyak na sigaw ni Julia sabay hug sakin. Naiyak na rin tuloy ako.

"Bakit kasi kailangan mo pang umalis?" Tanong nito.

"Para sakanya.." Bulong ko.

Yinakap din ako ng mga kupal. Hays mamiss ko tong mga to.

"Dos, alagaan mo si Julia ha." Sambit ko kay Dos. Tumango siya bilang sagot.

"Ikaw, Tres. Maghanap ka na rin ng inahing manok mo." Pagpapatawa ko.

"Baliw." Sagot nito.

"Oy, Kiko. Wag na jeje please 2017 na."

"Okay fine." Sagot niya na ikinalaki ng mata ko. Wow.


"Keep it up." Nakangiting sambit ko.


"And Singko, wag mo landiin si ano ha." Bulong ko.

"Sino bebe? Sino?" Pangaasar nito.


"Wala. Ingat kayo!" Sigaw ko sabay wave sakanilang lahat.

Nagsimula na kaming maglakad papasok ni Leo. Naramdaman kong bumibigat ang bawat hakbang ko.

"Okay ka lang?" Tanong ni Leo.

"Yeah." Maikling sagot ko.

Umupo muna kami, nagpaalam si Leo na bibili ng pagkain kaya naiwan ako mag-isang nakaupo. Panay lingon ako sa likod, hoping na humabol siya.

Kapag talaga nakita ko siya, hindi na ako tutuloy.

Pero impossible.

"Are you sure you're okay?" Tanong ni Leo na may hawak ng pagkain.

"Oo nga. Puyat lang siguro." Pagdadahilan ko.

Kumain ako ng marami dahil matagal-tagal pa naman ang flight namin.

"Should I really go?" Biglang tanong ko.

Tumingin siya sakin

"Kung ako lang masusunod, yes you should. Pero ikaw parin magdedesisyon, Kath."

I wanted to stay. Kaso mahirap eh. Ayokong maging selfish. Kahit siguro ako yung piliin ni Daniel between me and Camilla, hindi parin ako magiging masaya. Lalo na't alam kong may masasaktan. That would be unfair for her.

"Let's go?" Nagising ako sa realidad nang magsalita si Leo.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at tumayo. Lumingon muna ako sa labas sa huling pagkakataon.

Hahakbang na sana ako nang maramdaman kong umiikot ang paningin ko.

"Kath" rinig kong tawag ni Leo.

Naramdaman kong bumbaliktad ang sikmura ko.

"N-nasusuka yata ako.." Bulong ko.

"Oh shit." Rinig kong bulong ni Leo.

----

Daniel the Virgin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon