Chapter 8

1.3K 33 1
                                    

Kath's POV


"Oh bakit matamlay ka ngayon? Ang aga-aga." Tanong ni Julia.

"So pag hapon lang ako pwedeng maging matamlay?" Walang gana kong sagot.

"Wait, your eyes. Namumugto ba'yan?"

"Hindi no."

Yumuko lang ako. Linugay ko lang yung buhok ko para di obvious na namumugto nga 'to.

"Ikain nalang natin yan, bes. Treat ko!"

Tumango nalang ako. Ewan ko ba. Wala ako sa mood ngayon, kahit sa pagkain.

"Tada! Your favorite sundae!" Masayang ani Julia.

Nag-fake smile nalang ako.

"Wow." Matamlay na sagot ko.

"Kath naman eh! Wag ka na kasing matamlay! Sure naman akong maayos din yan."

Sa halip na sumagot, kumain na lang ako. Malay mo makalimutan ko to kahit saglit pag kumain ako.

Naka-isang subo palang ako, nakaramdam na ko ng something sa sikmura ko. Nasusuka ata ako.

"Okay ka lang? Naumay ka na ba sa sundae?"

"N-nasusuka ako Juls."

Di ko na napigilan, nasuka na ko. Yuck.

"Kath, tara na kaya sa clinic."

Nanghihina na ko. I can't even speak. Nakatingin na samin halos lahat ng estudyante kasi nagsuka ako. Ew gross.

Inalalayan ako ni Julia sa clinic.

"Miss Montereal. Anong huli mong kinain?" The school nurse asked.

"Pagkain?" Sagot ko. Babatukan sana ako ni Julia, buti napigilan niya.

"Anong pagkain, Miss Montereal? To be specific"

"Di ko na po matandaan."

"Kelan ka ba huling kumain, ija?" Nagaalalang tanong ni nurse.

Napaisip ako. Hindi ako nakapaglunch at dinner kahapon while kanina di rin ako nakapag-breakfast.

"Since kahapon pa po ng lunch."

"Ano? Miss Montereal, are you planning to kill yourself?"

"Wala po akong gana nurse eh." Matamlay na sagot ko.

"Nako ija, you should eat three times a day."

"Pero sinusuka ko lang po lahat."

OMG bat ko sinabi?!

"Delayed ba ang menstruation mo?" Paguusisa niya.

Hindi dapat niya malaman.

"Hindi po. Meron nga po ako ngayon eh. Hehehehe"

"Sige nurse, salamat po alis na kami." Pamamaalam ni Julia sabay hila sakin bago pa magsalita si nurse. Muntik na ulit ako don.

"Asan na ba kasi yung magaling na baklang nakabuntis sayo? Lumipat na ata ng school. Nanggigil na ko sa bakl---"

"FAFA WAIT LANG PA-KISS!!!"

Napatigil kami ni Julia nang may sumigaw sa di kalayuan.

Parang tumaas lahat ng dugo ko. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakahawak sa buhok niya at kinakaladkad siya sa hagdanan papuntang rooftop.

Daniel the Virgin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon